Chapter 4: Guild Venia

3092 Words
Meira High: The Water Dragon God HANGGANG ngayon naka tulala pa rin ang maganda niyong diyosa... Biro lang! Dahil nagsalita si teacher Darcy sa loob ng isipan ko. Is he a mind reader? At hindi pa rin ako maka-get over sa 'Meira ikot' ibang klaseng experience 'yon. Hala! Tama na nga ang kakaisip baka ilang oras lang maging baliw na ako rito. Nakarating kami sa isang shop, ang weird mga signage nila rito, mayroon mga symbol sa ibaba ng shop name, na hindi ko maintindihan; mga ancient letters. Habang nag hihintay para sa mga uniform namin, kinausap ako ng dalawang babae kong kasama. "Hi, I'm Yuuka. And I am a Ranger." Yuuka has long brunette hair na wavy ang dulo. Mukha siyang foreigner, mahahalata mo kasi agad sa kutis niya, sa kulay ng buhok at kulay ng mata na hazel ang kulay. Siya rin 'yung babaeng nabusog ako kanina sa jeepney ride. Nakain ko 'yung mga buhok niya e. "Ako naman si Riku and I'm a Mage." Si Riku naman, ang cute niya mukha siyang fashionista. Maganda ang mga mata niya na kaakit-akit kapag ikaw ay tumingin. Mahaba rin ang kanyang buhok na long straight black hair at naka low pigtails ito ng ipit at mayroon siyang bangs. "Hello, I'm Anni― Anya" dapat masanay na ako, na ako na si Anya. Pagtapos magpakilala sa isa't isa― nagsalita na si teacher Darcy. "Alright, guys this is teacher Leo and siya ang mag-aassist sa inyo sa mga uniform and weapons niyo." Inabot na ni Sir ang mga uniform namin. At wow ang cool! Para itong Japanese uniform, white long sleeves polo, mayroong sweater vest na navy blue at ang school logo ay nakatahi rito sa may left side ng dibdib. Mayroon pang ribbon na blue at crisscross na design linings na combination ng blue, white and black at above the knee black skirt. Ganoon din ang sa lalaki pero kanila neck tie at black pants. Heto ang pinaka the best! Malamig kasi rito sa Meira High 'di ko alam basta may parang sarili silang klima rito, kaya mayroon kaming cloak na may hood! Ang cool talaga― na eexcite na talaga ako. At sa cloak na 'to ma de-determine 'yung class namin. May logo rin ito ng mga class namin sa likod. Sa akin ay kulay gray at may logo itong cross na puti sa gitna ng shield at may pakpak ng dragon na naka-spread ang wings sa magkabilang gilid. Kay Yuuka ay kulay brown at may logo siya na pakpak ng dragon may kinorteng bow at may arrow ito sa gitna na nakatutok sa target. Kay Riku at Fabio, dark violet ang cloak nila at may book sa gitna na may pakpak ng dragon. Kay Rave naman, kulay black sa kanya ang logo niya naman ay may nakabaliktad na letter 'V' at may pakpak ito ng dragon sa gilid. Nakita ko naman ang cloak na naka-display sa Knight kulay puti ito at may espada na may pakpak ng dragon sa gilid. Pumasok na kami sa fitting room at nagpalit na ako ng aking uniform at sinuot ko na rin ang cloak. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin― ang ganda ng uniform ng Meira High. Na-in-love na ako sa lugar at ganda ng school pati sa uniform nila. The best! Lumabas na ako ng fitting room― at laking gulat ko na magkapareho kami ng cloak ni Mr. Sungit. 'Yung lalaking others sa amin, 'di ko kasi alam ang name niya kaya Mr. Sungit nalang tawag ko. "Will you look at that, parehas kayong Templar. Very rare talaga ito, dalawang Templar ngayong year sa iisang guild." tuwang-tuwang sabi ni teacher Darcy at inakbayan pa kami pareho. "Alam niyo ba kung bakit rare ang mga Templars, at hindi siya kasama sa mga Classes dito sa Meira?" Teacher Darcy inquired. "Bakit, sir?" Tanong ko. "Dahil others sila." Humalakhak nanaman si teacher ng naka-iinis niyang tawa. I shrug my shoulder and sigh. Pagkatapos niyang magtatawa, sumeryoso 'yung mukha niya. Ang bipolar niya. Nagsalita siya muli. "Seryoso na nga. Since Templars are Holy. They belong to the rarest class dito sa Meira. Mahirap i-explain muna sa ngayon kasi my separate classes kayo sa Meira kapag idi-discuss na ang history about sa mga types or jobs niyo." "Ah... gano'n pala―" Sambit ko. Nang pagkatingin ko kay Mr. Sungit, and all of a sudden he smirked in annoyance. Naningkit ang mga mata ko and I grinned. Did he just smirk on me? How rude! Naasar ako huh! Bwisit 'tong Mr. Sungit na 'to kala mo kung sino ang yabang! Sumimangot ako at inirapan ko naman siya noong nagtama ang mga mata namin. Lumakad si teacher sa gawing unahan namin at nagwika. "Magpapicture na kayo, para makapunta na tayo sa mga dormitories niyo" Kaya nag pa- picture na kami at sa wakas, nakumpleto na rin ang I.D. ko mayroon na rin nakalagay na Templar sa baba ng name ko. Maalala ko, may mga tanong pa rin ako na gumugulo sa isipan ko, ano ba 'tong Templar na 'to? Ano ang ginagawa nito sa school? "Templars are very useful in battlefields and parties. Mostly they are a combination of Knights and Mages for their skills." Ay natapakan ng sampung kabayo! Sino ba 'yon?! Ba't bigla-bigla nalang siyang nagsasalita sa isipan ko? Peste naman ang sakit sa ulo! Binigay na 'yung mga weapons namin, magic staff sa dalawang mage, crossbow kay Yuuka, katana kay Rave at war blades naman sa amin ni Mr. Sungit. "Special ang mga war blades na 'to kaya ingatan niyo 'to. Gawa ito sa pinaka rare and finest metal na Silver Mongemite." Sabi ni Sir Leo sa amin. Tumango-tango lang ako senyales na na-gets ko siya, pero sa totoo lang― Hindi ko nakuha ang sinabi ni teacher Leo at ano raw? Silver Mongoloid? Pag-abot nito sa akin, ay naloko na― ang bigat! Halos malaglag kamay ko sa sahig. "Hindi kasi ganyan ang paghawak ng espada!" bulyaw sa akin ni Mr. Sungit. "E, bakit ba? Ang bigat kasi e!" Sagot ko sa kanya na may mataray na tono ng boses. Pinakita niya sa akin kung paano ang tamang paghawak at sabay sinungitan nanaman ako ng mga tingin niya. Nakakainis ka Mr. Sungit! "May pangalan ako!" Isang boses nanaman ang pumasok sa isipan ko at na-confirm ko na siya pala ang pasok nang pasok sa isipan ko at nagsasalita. Kaya naman― ginantihan ko siya! Tinapakan ko yung cloak niya, at halos masakal siya― "Ackkk―!" Tumawa ako ng mapakla pagkatapos kong gawin 'yon. "Ay sorry ah―!" I said in sarcasm Halos patulan niya ako sa ginawa kong pagtapak sa cloak niya. Pinigilan lang siya nila Fabio at Rave. Nagsalita naman si teacher Darcy. "Tama na 'yan guys, let's go to your dormitories." "Sir, sasakay ba uli tayo roon sa jeep?" Tanong ko. "Oo." Sagot niya. Medyo nag-hesitate ako― kasi nakakahilo kaya... at ayaw ko nang sumakay roon. Nahalata ko naman sa mga kasama ko na mukhang ayaw na rin nilang sumakay sa roller coaster ride na 'yon. "Ah― sir mayroon po bang ibang option?" Tanong ko muli. Teacher Darcy sneered. "Ayaw mo ng sumakay ro'n 'no―?" I sigh in defeat. "Medyo po." I mumbled. Teacher Darcy snickered. "O siya, let's try different transportation." Mayroong kinuhang bagay si teacher Darcy sa bulsa niya at bumulong dito. Bigla niya itong tinapon sa sahig, nagliwanag ang sahig at naging isang portal ito. "Pasok na." Isa-isa kaming pumasok dito at 'yung ako na, biglang lumutang ang katawan ko at ilang segundo lang nasa isang lobby na kami. Iginala ko nanaman ang mga mata ko at napa awang ako ng aking bibig sa aking nakita. Grabe sobrang ganda ng lobby para itong 5 star hotel at may mga recreational din tulad ng psp, Xbox mga arcade game. Sa building completo na rin may library, swimming pool at gym etc. Explain sa amin ni teacher Darcy. Spell Amazing? Ayos talagang mag-aral dito! May sumalubong sa amin na isang lalaki sa may lobby. Guwapo siya at mukha siyang k-pop boy band. Samahan pa ng kanyang suot na uniform, ayon pasok sa jar! Mukha siyang koreanong model. Nagpakilala naman siya sa amin. "Hello, I'm Duncan." Masayang bati niya sa amin. "Si Duncan ang inyong guild master, siya ang inyong senior kung may tanong kayo about sa guild siya ang lapitan niyo, at puwede niyo rin siyang maging tutor sa academics dahil siya ang top 1 sa buong Meira High." Pakilala sa amin ni Sir at na inspire naman ako gusto ko rin maging tulad niya. "Puwede niyo akong tawaging kuya nalang." Sabi ni Duncan sa amin at nilahad niya ang kanyang kamay at nakipag shake hands siya sa amin. Tapos 'yung ibibigay na ni kuya Duncan ang kamay niya kay Mr. Sungit, bigla itong nag-cross ng arms at nagsungit nanaman. Hala siya! Ano kayang problema nitong tao na 'to. Biglang nagkaroon ng tension sa pagitan nila at mukhang nayabangan si kuya rito. Kaya naman, iniba ni teacher Darcy ang mood. Pumalakpak siya to catch our attention. "Okay! Sa left ang boys dormitory and sa right naman ang sa girls, sige na move everybody." Sumunod kami kay teacher. 3rd floor yung room namin at magkakaroom kami ni Riku at Yuuka. Tinapat namin isa-isa 'yung id namin sa proximity detector para makapasok kami. Bumukas ang pinto at pag pasok namin para itong condo, may sala, banyo, kusina, labahan at sa taas naroroon 'yung kanya- kanyang kuwarto namin. Napakaganda talaga nuong nakita ko ang dorm namin. Isa lang ang masasabi ko rito, pang mayaman! I am living a dream life. Yung nasa pinto na kami ng mga kuwarto namin― na-touch ako kasi may mga pangalan na namin ang bawat pinto. I mean avatar name pala. Bali pag akyat mo ng hagdan mauuna ang kuwarto ni Yuuka sunod si Riku at sunod ang akin pero may pang apat, may nakalagay na Amber. Apat pala kaming mag-si-share sa unit. Excited na akong buksan yung kuwarto ko, gamit yung ID pa rin, pinasok ko ito sa key slot ng door, keycard and proximity card kasi hetong id namin. Pagbukas ko, napa-wow nanaman ako! Nailalaglag ko 'yung dala-dala kong bag sa lapag. Grabe isang queen size bed! Humiga agad ako― dinamdam ko ang lambot ng kutson nito. I Heaved a long breath and spread my arms when my back touches the soft bed. Tumayo ako at nagsimulang maglibot sa kuwarto, mayroong study table sa may bandang paanan ng kama. Nilibot ng mga mata ko yung kuwarto at para itong isang room sa isang fancy hotel. Noong nagbakasyon kami ni mama sa Boracay halos ganito kalaki rin 'yung kuwatong inupahan namin doon. Na-miss ko tuloy siya. Nagtungo ako sa malaking closet sa tapat ko, nang buksan ko ito― may laman na itong mga damit, uniform at sapatos. Ang gaganda nila... kinuha ko yung isa― sukat na sukat ito sa akin. Tiningnan ko ang mga damit, may napansin ako sa isang damit, mayroon nakasulat dito na note, 'For Dragon Racing' ang nakalagay at kinuha ko 'yung damit, isang long leather jacket at leather pants na all black. Natuwa ako kasi ang ganda at ang cool niya, na-imagine ko siya kapag suot-suot ko― para akong nag co-cosplay ng 'The Matrix'. Na- imagine ko pa umiilag akp ng slow-mo sa mga bala na paparating. I smiled cheekily. Binalik ko ulit to kung saan ito nakalagay. Nakarinig naman ako ng tunog ng doorbell sa pinto ko. Binuksan ko agad ito. Bumungad sa akin sina Yuuka at Riku. "Sama ka sa amin punta tayo sa shopping center." Sabi ni Riku. Kaya naman kinuha ko ang cloak ko at espada ko. Sumama ako sa inbitasyon nila. Mukha kasing masaya gusto kong malibot ang school. Habang naglalakad kami nag Ki-kuwentuhan ang dalawa at hindi ko 'yon maintindihan. "Ang mom and dad ko are both dragon born kaya naman ako isa akong Junea." sabi ni Yuuka. "Ako naman half kaya that makes me a Jura." sabi ni Riku. "E ikaw Anya ano'ng race mo?" tanong ni Riku. "Ah... e... Tao―? Pinoy―? Pinoy ako." Utal ko munang tugon at napagtanto ko na tama ang sagot ko sa kanila kaya, kumanta ako ng 'Pinoy ako' song. "Huh joke 'yan? Last mo na 'yan!" biglang sumeryoso ang mukha ni Riku na kanina lang ang cute niya. "Sorry wala talaga akong alam sa sinasabi niyo e." Malungkot kong tugon. "What? Ibig sabihin hindi mo alam ang Meira?" Gulat na tanong ni Yuuka. 'Di na ako nakasagot, dahil nakarating na kami sa shopping center at naglibot na kami sa parang flee market at may mga tindahan rin sa paligid nito. Kumpleto siya may restaurant, café, tindahan ng mga damit, grocery, magic store at sa labas may mga stall in-short mukha siyang Divisoria pero maayos at malinis ito. Na-miss ko tuloy magpunta roon kasama si mama. Tumingin kami ng mga items sa labas, heto lang kasi ang afford ng budget ko. Isa pa kailangan kong tipirin ang pera ko ng isang taon. Ang dami pa namang magaganda at cute na items. "Teyka lang, bago tayo mag-shopping, pa convert muna natin ang pera natin." Sabi ni Riku. "Is that necessary? I mean nasa Pilipinas pa rin naman tayo. Bakit kailangan pa?" tanong ko. "Oo kailangan 'yon. Kasi we are now in another dimension, Anya. Kaya iba ang monetary system dito sa Meira." Nabibigla ako sa narinig ko― ibang dimension? Sumunod nalang ako kila Yuuka at Riku sinantabi ko nalang ang narinig ko, at nagpunta kami sa parang banko nila rito at nagpapalit na kami ng mga pera namin. Point system pala ang pera rito at 1 is to 1 ang palitan sa lahat ng pera. Kaya, mayroon akong five thousand points ako na nakalagay sa I.D. namin at para itong isang debit card. Hindi ko na inalam kung ilan ang points nila Yuuka at Riku. Nagtungo na kami sa mga stall sa labas. At pumunta kami sa tindahan ng mga accessories. "O bili na ng magandang items." Sabi ng tindera. Namili ako tapos, may nakita akong isang hikaw na ang bato ay Ruby. Nagandahan ako sa hikaw. "Magkano ito, ate?" Turo ko ro'n sa hikaw. "Nako murang-mura lang. Three hundred points para sa 'yo. Plus 3 strength 'to bagay na bagay sa 'yo for a Templar Knight" She said spontaneously. Nako ang mahal, three hundred pala! Dito ko ipapakita ang tawaran skill ko para makuha ko 'yang hikaw. "200 points para sa hikaw." Tugon ko at naka- peace sign pa ako. "Nako hindi puwede malulugi ako." Sabi nung tindera. "Sige na 'te, kailangan kong tipirin ang pera ko... galing lang ako sa mahirap na pamilya." Pag da-drama ko sa tindera. Hindi pa ako na kuntento nag drama pa uli ako. "Biro mo, ang binigay lang sa akin ng nanay ko ay 500 pesos at kailangan kong tipirin 'yon for 1 year. Kaya ibigay mo nalang sa akin ito ng 100 points." Mukha namang epektibo ang pag da-drama ko. "O sige na nga. 100 nalang." Tumawa ako sa loob-loob ko. Ang sinungaling mo talaga Annica kapag dating sa tawaran. Pero masama magsinungaling, sa tawaran ko lang ginagawa 'yon. Inabot ng ale yung hikaw at sinuot ko naman ito kaagad. Ayos! 100 points para sa isang ruby stone na hikaw. Not bad. "Ayos ang tawaran skill mo. From 300 naging 100." Sabi ni Riku sa akin no'ng umalis na kami sa may accessory store. I smiled at them and we all giggled. Bumili si Riku ng ipit sa buhok at ito'y maganda. Kumukinang ito na tulad sa dyamante. Kay Yuuka naman isang hikaw rin. Pero sabi niya itatago niya raw ito kasi may pagbibigyan siya. Isang aquamarine naman ang bato ng hikaw na binili niya. Pagkatapos mamili, nagpunta na kami sa coffee shop. Naupo kami sa labas na mga lamesa ng coffee shop at Kinuwento sa akin nila Yuuka at Riku ang history ng Meira pero hindi tulad sa kuwento ni Fabio about sa king, queen, gods and goddesses― at sa nangyaring kaguluhan dito kung bakit nahati ang mundo at kung bakit mayroong school dito. Medyo nagi-gets ko na siya pero, confuse pa rin ako sa mga race kasi normal na tao naman sila mama at papa, I guess? "Anya, baka ikaw ang lost queen na si Archaelya." sabi ni Riku sa akin. "Nako impossible 'yon 'di naman ako maganda. Ang kuwento niyo sa akin maganda siya." 'Di na nagsalita yung dalawa kasi biglang dumating yung tatlong itlog nauuna sila Rave at Fabio sumumunod naman sa likod nila si Mr. Sungit. "Hi girls" Bati ni Rave, si Rave mukhang bad boy yung hitsura niya bagay lang sa kanya ang job na Rogue. At may dala silang donuts, nilapag ni Rave 'yon sa mesa at nagpakilala ng maayos sa dalawa. 'Di pa rin kumikibo si Mr. Sungit na at may sariling mundo. Ano ba 'yan nakakainis 'tong lalaki na 'to nagtatawan na kami rito wala pa rin reaction, alien yata 'to e! Hm Mr. Sungit! Nakatingin nanaman siya sa akin ng masama kasi magkatapat lang kami ng posisyon nasa magkabilang gilid naman namin ang apat. Pero halata mo na ayaw niya makisalamuha sa amin kasi nakalayo yung upuan niya sa mesa. Ang sama talaga ng tingin niya at nakakatakot siya para siyang lobo, oo 'yung kulay ng mata niya ay muave gray! Kulay ng fullmoon tuwing winter. Maayos sana siya may hitsura, magandang lalaki kaso napakasungit at iba kung makatingin. Sinubukan ko siyang labanan ng titigan. Ano huh? Ngayon ka lang ba nakakita ng mala diyosa ang ganda huh? Pagkatapos gawin ko 'yon, natalo ko siya at iniwas niya na ang tingin niya sa akin. Wala ka pala e! "Anya, mayroon pala tayong welcome party. Para 'yon sa mga freshmen." sabi ni Yuuka. "Oo nga. Want some donuts, Anya?" Inabutan ako ni Rave ng donuts. Buti pa itong si Rave ang cool lang. Kinuha ko ito. "Thanks." Mayamaya tumingin nanaman si Mr. Sungit ng masama sa amin ni Rave. Nagtitigan kami muli, at kinunot ko ang noo ko. Bakit ba? Ano bang ginawa ko sa 'yo? Kung sa cloak incident, sorry na. Pagtapos kong sabihin 'yon sa isip ko. Nag-bago ang ekspression ng mukha niya. Sumimsim siya ng kape nang nakatingin na sa ibang direksyon. "Anya, are you okay?" Tanong naman ni Riku at hinawakan pa ang kamay ko. "Yeah, okay lang. Oo about the party." Sabi ko nalang. Nahihiwagaan talaga ako sa taong 'to, ni hindi ko nga alam pangalan niya. Who cares? Tse! Mr. Sungit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD