Meira High: The Head Mistress- Imogene Rein "FABIO." Mahinang tawag ni Riku; naglakad siya kung nasaan naiwan ni Fabio ang kanyang magic staff at pinulot ito. Naiyak na ako kasi feeling ko, ako ang may kasalanan kung bakit kinuha si Fabio. Pumunta sa gawi ko si Yuuka at niyakap ako. Sunod na lumapit si Aiden at hinila niya ako patayo. His eyes are so fierce, Napalunok na lang ako nang makita ko na ganoon siya makatingin sa akin. Nataasan niya ako ng boses. "Wala kang kasalanan kaya 'wag kang umiyak!" "Ano ba Aiden! 'Wag mo ngang sigawan si Anya." Saway ni Yuuka na mangiyak-ngiyak na rin. Hindi na kami nag-imikan dahil sa frustration na rin. Mabigat ang pakiramdam ko sa nangyari, kaya dinala kami ng apat na teachers sa isang room sa guild Venia. Nahimasmasan na rin ako ng konti nang m

