Meira High: What is Sheeva? | Mystery photo Nandito pa rin kami sa conference room 'di ko talaga alam kung ano’ng nangyayari. Mga seryoso mga mukha nila lalo na si headmistress, mukha na siyang na-stress. Alam kong 'di panahon magbiro sa sitwasyon ngayon pero ang dami kong katanungan pa rin. Lalo pang lumawak ang aking mga katanungan nu’ng sinabi ni Aiden na tanungin ko raw si Mama. Ba't niya nasabi 'yon? May alam ba siya? "Sila nga ang mga Sheeva. Nagbalik na ulit sila." Sabi ni teacher Elliot. "Pero ano’ng gagawin natin? Kinulong na sila ni Euthalia at binalik kung saan sila sa dating mundo." Sabi ni teacher Rheu. At nagpulong-pulong sila ulit. Huh? Ano ‘yung Sheeva? At si Euthalia? Sa pagkakaalam ko natutulog pa rin siya at nakalagay siya sa isang banga; magbabalik lang siya kung du

