Prologue

178 Words
Prophecy: Upon the day snow and thunder collide, a victory shall usher forth an end to gods and will rise the new era, the new Meira...   Euthalia... Euthalia... Euthalia...   Malakas na tawag ng isang maitim na anino kay Euthalia na isang goddess of time and space. Nakapangingilabot ang boses nito. Tumakbo siya ng mabilis para hindi mahuli. Dahil gusto nitong kunin ang kanyang orasa, ang makapangyarihang gamit na kaya makapaglakbay sa ibang dimension at kaya rin nitong kontrolin ang oras. Nagmadali siyang tumakbo upang makatakas sa humahabol sa kanya.   Ilang matatarik at maputik na daanan ang kanyang tinahak, nadulas at nadapa, puno ng galos ang kanyang katawan na kanina'y makinis at maganda. Hindi siya sumuko at nagmadali siyang tumakbo; at doon niya natakasan ang humahabol sa kanyang itim na anino.   Napunta siya sa gitna ng kagubatan, gamit ang kanyang mahika, itinago niya ang kanyang orasa sa walang sinuman ang makakakita. Ang kanyang plano ay hindi na magpakita kahit kinino man.   "Maghihintay ako sa nilalang na sinasaad sa propesiya." Sambit niya sa kanyang sarili, siya'y nagbukas ng isang mahiwagang lagusan, pumasok dito at mabilis na nilamon ng lagusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD