Chapter 1: The Beginning

997 Words
Meira High The Beginning     NOONG unang panahon, kung saan ang mahika ay pinapalaganap at pinagyayabong. May isang dragon god na nagngangalang Igneous. Siya ang nagbabantay sa mundo na tinatawag na Meira. Mayroon itong apat na tarangkahan na nagpapanatili ng balanse sa mundong ito. Upang hindi makapasok ang kasamaan.     Nagtalaga siya ng mamumuno rito. Mula sa kanyang mga kristal na kaliskis, kumuha siya ng dalawa. At nilikha niya ang mamumunong hari at reyna sa Meira. Pinangalanan niya itong Alquiron at Himena. Kawangis sila ng mga nilalang na nakatira sa ibang dimension na tinatawag na planetang Earth.     Magaling at matalinong hari si Alquiron. Kaakit-akit naman ang kagandahan ni Himena. Biniyayaan sila ng apat na anak. Labis na natuwa si Igneous. At ang mga batang ito; ang kanyang itinilaga sa apat na kaharian.     Kaya bilang regalo: kinuha niya ang kanyang puso at hinati ito sa apat. Naging kwintas ito at bawat kwintas ay may kapangyarihang elemental. Bawat isa rin sa mga bata ay may tagapagtanggol na dragon.     Apoy, ang napunta kay Heligion. Ang pinakamatanda sa magkakapatid. Magaling siya makipaglaban, ngunit sakim. Siya ang hari sa Olyzera (Hilaga). Ang kanyang dragon ay si Fyron, mabangis at umaapoyang mata nito.     Lupa, ang napunta kay Ittirael na pangalawang anak. Magaling siya gumawa ng mga sandata. Ngunit siya'y may itinatagong ugali na pagkatuso. Siya ang hari ng Esolune (Kanluran). Ang kanyang dragon ay si Casmoth. Kulay berde ito at bumubuga ng lava na parang bulkan.     Hangin, ang napunta kay Daratheos. Siya ang mabait na lalaking anak. Matalino siya at magaling sa salamangka. Siya ang hari ng Aeros (Silangan). Ang kanyang dragon ay si Raziel. Nagbubuga ito ng apoy at kulay bughaw ito kahalintulad sa langit.     Tubig, ang napunta kay Archaelya. Ang kaisa-isang babaeng anak ng hari at reyna. Maganda, mabait at magaling din ito sa salamangka. Dahil siya ay tinuturuan ng kanyang kuya Daratheos. Siya ang reyna ng Alloira (Timog). Ang kanyang dragon ay si Venia. Kulay puti ito at nagbubuga ng yelo.     NAGMASID si haring Alquiron, no’ng minsan niyang makita na naglalaro ang tatlong lalaki niyang anak. Sa una ay nagpapagalingan sila sa kani-kanilang mga elemento. At palaging nanalo si Daratheos. Hindi manalo-nalo sina Heligion at Ittirael sa kanya. Nang tumalikod na si Daratheos, biglang nagpaulan ng apoy si Heligion. At natamaan sa likuran si Daratheos. Hindi niya ‘yon inaasahan. Kaya isang malaking sugat ang kanyang natamo.     Agad na tumakbo si haring Alquiron papunta sa gawi ng kanyang mga anak. “Daratheos anak, ayos lang ba ang iyong lagay?” wika ng hari. Sobra siyang nag-aalala sa tinamong sugat ng anak.     “Kakayanin ko ito, aking amang hari. Magpapahinga na muna ako sa aking silid.”     “Ittirael!” sigaw ni haring Alquiron. “Samahan mo ang kapatid mo. At mag-uusap kami ni Heligion.”     Mabilis na inalalayan ni Ittirael ang kapatid na si Daratheos. “Sumunod ka sa akin. Sa loob tayo ng palasyo mag-uusap.” Pinagalitan ni haring Alquiron si Heligion. At dito na pala magsisimula, ang masidhing galit ni Heligion sa kanyang ama’t mga kapatid.     MASAGANA ang Meira nang magsimulang mamuno, ang mga anak ng hari at reyna. Malaya ang bawat nilalang na gawin ang kanilang nais. Masayang nakakapaglaro ang mga bata at mapayapa silang nakakapag-aral. Nagsasanay din sila, upang mahasa pa ang kani-kanilang mga kakayahan. At sa oras ng pangangailangan, nandiyan sila para sa isa’t –isa.     Pero hindi pala magtatagal ang tinatamasa nilang kasaganaan. Isang ganid at sakim sa kapangyarihan, ang wawasak sa ilang daang taong kapayapaan.     Sa kagustuhan ni Heligion na maging makapangyarihan sa buong Meira: nagsimula siya ng isang himagsikan. Dumanak ang dugo at nagdilim ang buong paligid. Pinatay niya ang kanyang mga magulang, dahil hadlang ang mga ito sa mga plano niya. Sumapi sa kanya si Ittirael, dahil alam niya ang ugali nito. Una nilang sinugod ang Aeros, para patayin si Daratheos. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Pinalibutan ni Daratheos ang kanyang kaharian ng isang malakas na salamangka. Upang walang sinuman ang makapasok dito.     Sa kabiguan na mapasok ang Aeros, sunod na sinugod nila ang Alloira. Nag-alala si Daratheos sa kapatid niya na si Archaelya. Kaya naman pinadala niya ang pinakamagaling niyang kawal na si Eirion. Kababata nila Daratheos at Archaelya ang nasabing kawal. Matagal na may lihim na pagtingin si Eirion sa reyna. Ngunit ng oras na sasabihin niya na ang nararamdaman sa dalaga, bigla silang nagkalayo.     Madasalin si Archaelya sa mga diyos, kaya prinotektahan siya nila Igneous at Euthalia. No'ng parating na ang mga kawal ni Ittirael at Heligion, tinusok ni Igneous ang kanyang hawak na tungkod sa lupa. Yumanig ang lupa at nagdulot ng lindol sa buong mundo. Nahati ang Meira sa dalawa. Nagbukas ng isang lagusan si Euthalia. At nadala niya ang kalahati ng Meira sa isang dimension na tinatawag na Pilipinas.     Nagkawatak-watak ang mga nilalang sa Meira. At dating mga batang naglalaro, ngayon ay wala na. Ang dating asul na kalangitan ay napalitan ng kadiliman. Ang dating mga panatag na nilalang ay naglaho. Maraming nagbuwis ng buhay, para sa isang hangarin. Ang maging makapangyarihan. Bakit hindi magawang makutento ng isang nilalang, sa kung anong mayroon siya? Hindi pa ba sapat ang tinatamasa niyang kalayaan? Bakit kailangan pa niyang dungisan ang kanyang mga kamay ng sariling dugo ng kanyang mga magulang?     Dahil sa pangyayaring ito, napunta sila sa iba't ibang panig ng mundo o bansa. Wala na rin ang reyna at si Eirion. Mangilan-ngilan na lang silang natira.     HINILING ni Euthalia kay Igneous na patulugin siya nito. Dahil alam niya na maaaring guluhin nila Heligion at Ittirael ang kasalukuyan, nakaraan at hinaharap. Masyadong makapangyarihan ang orasa.At kapag ito’y napunta sa maling kamay, ay siguradong delubyo at wala ng Meira na masisilayan. Kaya naman, inilagay siya ni Igneous sa isang banga. Magigising lamang siya kapag hinawakan ito ni Archaelya, ang reyna ng Alloira. Nasa kanya ang hiyas na makakapagpagising sa natutulog na diyosa ng oras at paglalakbay.     Para maibalik muli ang mga nilalang na nakatira doon. Ginawa ni Igneous na isang institusyon ang kalahati ng Meira at tinawag itong Meira High. Dito magsasanay ang mga dating naninirahan dito. Upang labanan ang kasamaan nila Heligion at Ittirael.At ito rin ay paghahanda sa muling pagbalik ng kanilang reyna. Isa itong hakbang sa pagbuo at pagpapanumbalik ng kagandahan ng kanilang mundo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD