Meira High: The traitor's wish TRAYDOR talaga kahit kailan ang puso. Ilang beses kong pinaniwala ang sarili ko na wala akong gusto sa kanya. Ilang beses kong pinigilan na huwag pansinin ang nararamdaman ko. Pero pagkatapos ng nangyari kanina, wala na akong kawala. Kaunting tulak pa at baka mahulog na ako ng tuluyan. There’s no going back. Pagkatapos ng sinabi ni Aiden, ayaw na kumalma ng puso ko. Pilit kong kinakalma ang naghuhuramentado kong puso. Pero dahil malapit lang siya, hindi ko mapigilan. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Aiden sa gubat. Dito kami dinala ng portal na pinasukan namin, no’ng naroon kami sa Belkiara. Ako ang unang naglalakad habang nakasunod sa aking likuran si Aiden. Pagkatapos ng sinabi niya kanina, hindi na kami nag-usap pa. Ayoko rin namang magi

