Meira High: The truth AKALA ko makakabalik na kami sa Meira High. Akala ko makakapagpahinga na ang utak ko. Akala ko matatapos na takot, pangamba na nararamdaman ko. Nagkamali na naman ako. Takot na takot ako ngayon. Hindi ko na nais pa siyang makita. Bakit pa siya pumunta rito? Ano ba ang pakay niya? Iyong lalaking nakatayo malapit sa portal: siya ‘yong sumakal sa akin at tumawag sa aking ‘my dear child.’ When Paul abducted me. Puti na ang kanyang buhok at nanlilisik ang pula niyang mga mata. "Kumusta na Eirion?" Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses niya. "Niall. Or should I call you Leonille?" Nang marinig ko ang pangalan na ‘yon, parang pamilyar ito sa aking pandinig. Pero hindi ko lang maalala, kung saan ko ‘yon narinig. "Enough! I want you to give back what belong

