bc

Ang Ganti Ng Pusong Inapi

book_age18+
1.1K
FOLLOW
7.1K
READ
murder
revenge
love-triangle
brave
self-improved
twisted
cheating
lies
secrets
affair
like
intro-logo
Blurb

RATED SPG

Saan nga ba hahantong ang pagkakaroon ng galit at poot sa kapwa?

Isang malaking pagkakamali ang paglalagay ng batas sa sariling mga kamay.

Siya si Marie Gold, ang babaeng nakagawa ng mortal na kasalanan, dahil lamang sa matinding pagmamahal para kay Kent, ang lalaking inakala n'yang dapat niyang mahalin. Ang lalaking mismong tumulak sa kan'ya sa mga Pulis.

Nakulong siya at pinagdusahan ang nagawa niyang kasalanan sa loob ng mainit at masikip na selda.

Paghihiganti ang alam niyang paraan.

Paano nga ba niya ipatitikim kay Kent Ang Ganti Ng Pusong Inapi?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
KENT “What?” hindi ko makapaniwalang tanong dahil sa biglaang pagtawag sa akin ng Warden, kung saan nakakulong si Marie Gold. Nakatakas daw kasi ito sa kulungan at hindi na mahagilap ng mga pulis. Ayon dito, nagkaroon daw ng sunog sa loob ng selda at nagkaroon ng pagkakataon ang mga preso na makalabas at kabilang na doon si Marie Gold. Marie Gold is my ex-girlfriend. I admit, I hate thinking of her inside the Jail, but what should I do? She committed a sin and needed to pay those sins. But deep inside, alam ko kung saan siya nanggagaling at naiintindihan ko ang sakit na pinagdadaanan niya at dahil iyon sa akin. Dahil iyon sa kataksilan ko. But I still can't believe that she will put herself into a complicated situation and that is to be a murderer and leads her inside the Jail. Simula pa noong mga bata pa kami, kilalang-kilala ko na si Marie Gold. Noong umpisa, hindi ako makapaniwala na nakapatay siya ng tao dahil sa galit. Mabait at mapagmahal sa kapwa, iyon ang Marie Gold na kilala ko dati. Pero nang mapatunayan na totoo nga ang ibinebentang sa kanya, nag-iba na ang tingin ko sa kan'ya. At inaamin kong kasalanan ko kung bakit siya nagtanim ng galit sa akin, at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko na ang bagay na'yon. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya, pero paano ko gagawin iyon, kung hindi na siya nagpapakita. Marahil ay natukso lang din ako kay Monica noon. Hindi ko alam kung paano at gaano kabilis ang lahat sa amin ni Monica. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko noon, upang patulan ito. Hindi ko namalayan, na sinasaktan ko na pala ang babaeng totoo kong mahal, nasasaktan ko na pala si Marie Gold. Ang laki kong gago, dahil nagpadala ako sa tukso ni Monica. Monica is beautiful and smart. She's rich and most of all, she's expert in driving me crazy when we're having an s****l intercourse. Unlike Marie Gold, aside from being simple girl, she's so innocent at walang karanasan sa s*x. Hindi niya naibibigay ang pangangailangan ko bilang isang lalaki. Alam ko naman kung gaano kabait ni Marie Gold. She's also sweet at kung sa physical appearance ang pag-uusapan, may maganda siyang mukha sa kabila man ng pagiging old fashioned nito, at may kulang sa kaniya at iyon ay napupunan ni Monica. s*x, iyon ay hindi niya maibigay sa akin. Pero huli na, para marealize kong hindi ko pala dapat hinahanapan nang ganoong bagay ang isang babae, kung talagang mahal ko ito. Kaya siya nakulong dahil, ako mismo ang nagpakulong sa kan'ya, dahil pinatay niya si Monica. She always keep on denying na hindi niya magagawa ang bagay na 'yon. Oo masakit para sa akin na ako mismo ang nagtulak sa kanya papasok ng kulungan, pero may kasalanan siya, at kailangan niyang pagbayaran. Ang pagtataksil ko sa dalaga ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa aking buhay. Lahat ay pinagsisihan ko na. Ilang beses na rin akong humingi ng tawad sa harapan ng puntod ni Monica. Dahil kahit anong gawin ko, si Marie Gold pa rin pala ang hinahanap ng puso ko. “How can we find Marie Gold?” tanong ko sa Warden na siyang nakabantay sa dating kulungan ni Marie Gold. “Currently, hinahanap na po siya ng mga awtoridad. Huwag po kayong mag-alala makikita po natin siya kaagad,” MARIE GOLD “Pulis! Magnanakaw!” Kumaripas ako ng takbo ng marinig ko ang pagsigaw ng nagmamay-ari na ginang sa loob ng ukay-ukayan. Pumuslit kasi ako ng isang pares ng damit upang palitan ang sout kong damit pangpreso. Dalawang araw na akong nagtatago at kung saan-saan napapadpad mula sa aking pagkakatakas sa loob ng kulungan. Gutom na gutom na rin ako. Sa tuwing nakakakita at nakakasalubong ako ng mga pulis sa lansangan, kinakabahan ako baka kasi mahuli nila ako. Kumakalat na kasi sa balita sa iilang mga news reports at mga diyaryo ang mga presong nakatakas at kabilang na ako doon. Dahil nabigyan na ako ng pagkakataon na makawala sa impiyernong buhay sa loob ng selda, ipinapangako kong hinding-hindi na ako babalik doon. Halos lumabas ang puso ko dahil sa bilis ng aking pagtakbo mula sa mga Pulis na humahabol sa akin. Nang mapagtanto kong nakalayo na ako sa mga Pulis na iyon, nagkubli ako sa tabi ng isang garbage truck na nakaparada sa gilid ng kalsada. Hinihingal na nakapahinuhod habang bitbit pa rin ang damit na ninakaw ko. Luminga-linga ako sa paligid. Nang mapagtanto kong walang masyadong tao, hinubad ko ang amoy suka kong damit pangpreso. Isang loose T-shirt na kulay pula at black pajamas pala ang nakuha ko mula sa ukay-ukayan na iyon. “Sayang, hindi ako nakakuha ng panty!” nanghihinayang kong bulong sa aking sarili. Hindi na ako magpapalit ng panty, siguro bukas ulit, magnanakaw ako ulit ng panty o hindi kaya ay bra. Wala na kasi akong cellphone para makontak si Aling Merceda, ang aming katulong sa bahay. Hindi rin ako puwedeng umuwi ng bahay dahil nasisiguro kong doon ako unang-una mahahanap ng mga Pulis, lalo na ang pamilya ni Monica at si Kent. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng aking mga palad ng maalala ang dalawang tao na naging dahilan ng pagkakakulong ko. Idagdag pa ang lahat ng pananakit nila sa puso ko. Ipinapangako ko sa aking sarili na balang araw, makakaganti rin ako kay Kent. Yes, Monica and I are blood related but at this point, I don't feel any or a little mercy on her. I've never blamed my self of her early death. She pushed me to be one of the demons family member. “Sir, puwede po bang mag-cr?” Tanong ko sa pulis na nakabantay sa tapat ng seldang kinaroroonan ko. Tinapunan ako ng pulis ng nagdududang mga tingin. “Siguraduhin mo lang na babalik ka kaagad!” matigas nitong saad sabay bukas ng kulungan ko. Hindi mapigilan ang mapangiti ng palihim at kapagkuwan ay hindi ako dumiritso na sa loob ng Cr. Bagkus, nagtungo ako sa kitchen na hindi nalalayo sa kinaroroonan ng Cr. Maraming guwardiya ang nakabantay pero, laking pasasalamat ko na hindi nila ako napansin o namataan man lang. Pinagplanuhan namin ng mga kasamahan ko ang pagtakas. Sa loob ng kitchen ay sobrang tahimik kaya, nagkaroon ako ng pagkakataon upang maisakatuparan ang mga plano ko. Ibinuhos ko sa sahig ang lahat ng laman ng container ng gasolina at sinindihan iyon sabay pindot ng fire alarm at sumigaw ng sunog! Dahil sa biglang paglaki ng apoy, Nagkagulo ang lahat. Pinalabas sa kani-kanilang kulungan ang nasa loob upang maisalba sa mala-impyernong apoy ngunit, hindi inaasahan ng mga guwardiya na may iilang mga preso ang kumaripas ng takbo at nagtagumpay na tumakas kabilang na ako sa mga iyon. Tila bigla akong nagbalik sa kasalukuyan ng marinig ko ang sunod-sunod na pagbusina ng isang sasakyan. Hindi ko namalayan na nasa gilid na pala ako ng kalsada tahimik na naglalakad. Yumuko ako upang ikubli ang aking mukha . Ilang sandali lang, napangiti ako ng makita ang isang tindahan ng mga sombrero at sun glasses. Pasimple akong humakbang patungo doon at muling pinag-aralan ang aking paligid. Mas mabilis pa sa alas-kwatro na kumaripas ako ng takbo pagkatapos kong hablutin ang isang sombrerong kulay itim at isang sunglasses. Hindi ako magnanakaw pero, sa mga pagkakataong iyon ay naging instant thief ako. Dahil sa sunod-sunod na pagkulo ng sikmura ko, isa nanamang maitim na balak ang pumasok sa isipan ko. Naglakad ako patungo sa isang karenderyang may maraming kustomer. Upang pagtakpan ang mukha ko, siyempre, sout ko ang ninakaw kong sombrero at sunglasses. “Miss, isang pritong isda at isang bulalo nga,” saad ko sa tindera. Walang kapantay naman ang pagtambol ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Paano kung sa pagkakataong iyon ay matiyempuhan na ako ng may-ari ng karenderya at ipadakip sa mga Pulis? “No! I won't let it happen!” bulong ko. “ I still have missions and it is to take a revenge from those people na nanakit sa akin. Hindi ako masamang tao pero, ginawa nila akong maging kabilang sa mga taong iyon. Lahat ay ginawa ko para kay Kent at para maging strong ang relasyon namin. Pero bakit parang hindi pa sapat? Bakit nagawa niya pa akong ipagpalit sa ibang babae? Oo alam kong hindi ko natutugunan ang pangangailangan niya bilang isang lalaki, pero, nangako siya eh! Nangako siyang hindi niya ako ipagpapalit at iiwan. Nakangiting pinagsilbihan ako ng tindera. Pagkatapos kong kumain, dahan-dahan akong naglakad palabas ngunit, ganoon na lang ang kaba ko ng magsalita mula sa aking likuran ang tindera. “Miss, saan ka pupunta? Hindi ka pa bayad!” Dahan-dahan akong lumingon sabay kamot sa aking ulo. “Sorry po, wala po akong pambayad.” tugon ko sabay karipas ng takbo. “Hoy! Hoy!” Iyon ang boses na narinig ko mula sa tindera. “Mamatay ka sana!” Nagdidilim na. Nag-umpisa nanaman akong kabahan. Hindi ako sanay matulog sa lansangan. Malambot na kama, malamig na klima sa loob ng aking kwarto dahil sa aircon, tapos sa isang iglap, matutulog na ako sa gilid ng kalsada gamit ang karton na nagsisilbing banig sa paghiga ko. Napabuntong-hininga na lang ako habang inaayos ang karton na hihigaan ko. Handa kong pagtiisan ang kahirapan sa labas huwag lang sa loob ng kulungan. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha ng maalala si Daddy. Miss na miss ko na ito. Alam kong nabalitaan nito ang nangyari sa loob ng selda. Hindi ko lang maiwasang mag-alala dahil, alam kong may sakit itong dinadala na maaaring makapagpalala dahil sa mga nangyayari sa akin. Noong makita ako nitong inaaresto ng mga pulis dahil sa ginawa kong pag-kidnap at pagkakapatay ko kay Monica noon, inatake ito sa puso. At nang huli kong nakausap ito sa telepono noong nasa kulungan na ako, ay naka-confine na pala ito sa ospital. Sana nasa maayos na siyang kalagayan ngayon. “I miss you, Dad.” Patawarin n'yo po ako, dahil nakagawa ako ng masama dahil sa pagmamahal ko kay Kent,” bulong ko habang pinapahid ng mga palad ko ang aking mga luha. “Hindi ko po sinasadya ang lahat, siguro nadala lang ako dahil sa sobrang galit at poot,” bulong ko. “Sana nasa maayos na po kayong kalagayan, Dad.” “Hoy! Teritoryo namin ito!” Bigla akong napalingon at kinabahan nang biglang may nagsidatingan na mga batang lalaki na marahil ay nasa dose anyos pa lamang. Tatlo sila at halatang mga batang lansangan. “Magandang gabi, teritoryo ninyo pala ito? Pasensiya na kayo, wala kasi akong matutulugan. Pero huwag kayong mag-alala, bukas na bukas, aalis din ako kaagad dito,” saad ko na hindi ipinapahalata ang labis na kaba sa aking dibdib. Nakita kong nagkatinginan ang tatlong batang lalaki. “Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi, malilintikan ka sa amin!” saad ng isa sa tatlong bata. Nakahinga na ako ng maluwag ng sa wakas ay lumakad na sila palayo sa kinaroroonan ko. Paglipas ng ilang minuto, napabalikwas ako ng bangon ng mamataan ang tatlong batang lalaki kanina na papalapit sa kinaroroonan ko. “Miss, ikaw ba ito?” wika ng isa sa mga batang lalaking may hawak ng diyaryo. Kinabahan ako ng mapagtantong ako nga ang larawang nasa diyaryo. “Tumakas ka pala sa kulungan!” wika ng Isa pang bata. Napalunok ako at nakaisip na lumayo na lang sa lugar na iyon. “Naku! Galingan mo ang pagtatago mo, hinahanap ka pala ng mga Pulis at…” saad ng pangatlong bata sabay tingin sa nakasulat sa diyaryo. “Ayon dito sa headlines, kalahating milyon ang sinumang makakahanap kay Marie Gold Martinez!” nakangising saad nito at makahulugang nagkatinginan ang mga ito. “Jackpot!” Hindi pa man sila nakakalapit ng tuluyan sa kinaroroonan ko, kumaripas na ako ng takbo. Pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Nagtungo ako sa mataong lugar upang mas mabilis na mailihis ang mga loko-lokong mga batang lalaki na iyon. Humihingal akong nakapahinuhod nang sa wakas ay malayo na ako sa mga batang humahabol sa akin. Saan ako matutulog? Hindi na ako safe lalo at nakakalat na ang mukha ko sa mga social media at sa mga newspaper. Sa hirap ng buhay ngayon, maraming magkakainteres sa kalahating milyon na pabuya ni Kent. Natampal ko na lang ang aking noo nang maalalang, hindi ko pala nabitbit ang sombrero at sunglasses na ninakaw ko. Kailangan ko nanamang magnakaw ng bago para maitago ang mukha ko. Sa totoo lang, hirap na hirap na ako sa ganitong sitwasyon. Ang hirap pala maging mahirap. Wala akong pera pambili ng pagkain, wala akong maayos na matutulugan. Gusto ko nang maranasan ang buhay na maginhawa. Pero paano? Kailan?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook