MARIE Hindi ako nakapagsalita nang pagmulat ng aking mga mata ay nasa labas si Lawrence. Seryoso ang kaniyang guwapong mukha. “Good morning,” bati niya sa akin. “Good morning din, naparito ka?” taka kong tanong. “Let's talk, but not here, sumama ka sa akin,” aniya at sininyasan ang isa sa mga police na naroroon upang pagbuksan ako sa kulungan. “Hindi puwede, bawal itong ginagawa mo. Wala akong check-up ngayon, kaya walang dahilan para lumabas ako. At masyado pang maaga para sa pagdalaw,” giit ko. “Just follow me,” seryoso niyang wika. “Hindi naman kita dadalhin sa kung saan,” aniya. Nagtataka man, ay nagawa ko pa rin ang sumunod sa nais niya. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong sa visitation area lang pala niya ako dadalhin. Napansi

