The Stepmother

1504 Words
4:00 P. M. at Dark Stone’s Medical Center Lahat ng mga doktor, nurses, staffs at mga pasyenteng nasa corridor ng pagamutan ay biglang napahinto nang pumasok sa loob ng building na iyon ang nakamaskarang Alpha Mayor na si Zacria Reid. Kasunod nito si Beta Vice Mayor Magnum Sasha habang nasa likuran ang limang matatangkad na pack warriors ng Dark Stone na naka-backup sa dalawang pinuno ng siyudad. Dumiretso ang tila mga bathalang kalalakihang iyon sa pangalawang palapag, kung saan iniwan kanina ni Alpha Mayor Zacria ang matapang na she-wolf na nadamay sa insidente ng barilan sa Mating Season’s Parade. The brave woman was shot right through her left chest. Agad na isinugod ito ng binate sa pagamutang iyon at mabilis namang nilunasan ng isa sa mga pinakamagaling na doctor ng medical center ang babae. According to Dr. Trece, lumampas ang bala ng baril sa katawan ng she-wolf. Hindi naman nadamay ang puso nito, (which is the most vital organ sa lahat ng parte ng katawan ng isang asong lobo) kaya wala ng dapat ipag-alala pa. And being a werewolf, the wound will surely heal in no time. Still, Zacria couldn’t help but to feel madly enraged. Kahit nadakip na ang gunman kalahating oras ang lumipas, hindi pa rin maalis sa isip ng binata ang kauna-unahang pagtatangka sa kaniyang buhay. Plus, one of the civilians was shot dahil sa kapabayaan ng security team na nasa area ng parade. Siya ang responsable sa kaguluhang nangyari dahil siya ang mayor at alpha ng Dark Stone. Dapat kaligtasan ng nasasakupan niya ang kaniyang kauna-unahang priority, ngunit binigo niya ang mga ito. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Zacria Reid at huminto sa tapat ng private room 25-A. Awtomatikong kumilos si Magnum Sasha upang buksan ang pinto ng silid. Inayos ni Zacria ang itim na maskara sa kaniyang mukha saka humakbang papasok sa loob. He was surprised to see Dr. Trece and a chubby nurse waiting for them inside the room. Pero hindi lang iyon ang kumuha sa atensyon ng binata kung ‘di ang walang laman na puting kama sa gitna ng silid. “Where is she?!” he growled and asked the doctor feeling a little disappointment. Inaasahan niyang makakausap muna ang she-wolf na nag-distract sa gunman na nagtangkang bumaril sa kaniya. Nais niya sanang personal na mapasalamatan ito. Nagkibit-balikat ang manggagamot. “I’ve no idea, Alpha Mayor. I was only checking the other patient a while ago, but when I came back she’s already gone.” Frustrated na napabuga ng hangin ang binata. “Calm down, bro.” Tinapik ni Sasha sa balikat ang binata. “I want a background check on her. That woman, I haven’t notice or seen her before around Dark Stone, except in the parade.” Nagpamulsa ang Alpha Mayor. “Make sure to send her one of our special invitations. Gusto ko siyang makilala ng personal sa ball,” utos ni Zacria sa beta. “Copy, bro!” tugon naman agad ng second-in-command nito. Satisfied na tumango ang binata. At least, kahit sa ganoong paraan ay mapasalamatan niya ang babaeng iyon sa ginawang kabayanihan nito sa Mating Season’s Parade. *** Lucy’s POV 5:00 P. M. at Ranch del Romance I shifted back into my human form saka kinuha mula sa gilid ng isang puno na nasa likuran ng malaking bahay ng pamilya del Romance ang nakatago kong pang-emergency na damit. “Juice ko pie, naman o!” Kalat na ang dilim at ngayon pa lang ako nakauwi. Kailangang i-ready ko na ang aking sarili sa mag-inang mangkukulam na tiyak na naghihintay sa akin ngayon. “Those witchy witches will surely kill me!” Sampung oras na akong wala sa rancho. Ibig sabihin, dalawang beses na akong hindi nakapaghanda ng pagkain ng mga ito. I winced at that thought. Seriously, Auntie Selene and Katrina are major lazy ass! Walang alam ang mga ito sa buhay kung ‘di magpaganda, kumain at humilata maghapon. Ang pinakalibangan lang ng mga ito ay ang utusan at pahirapan ang kawawang si Lucy del Romance na walang iba kung ‘di ako. Sa taglay na katamaran ng dalawang iyon, tiyak namumuti na ang kanilang mga mata dahil sa gutom. Imposible na maisipang magluto ng dalawang iyon para sa kanilang sarili. Tss! Nandito pa lang ako alam ko nang matindi-tinding parusa ang isasalubong sa akin ng aking stepmom pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay. I took a very deep breath. Kung may iba nga lang akong maaaring puntahan, noon ko pa sana nilayasan ang mga ito. Kaya lang, bukod sa mahal ko ang Ranch del Romance, being a low rank werewolf, walang kakayahan ang mga tulad ko na mag-possess ng kahit munting kubol lang. Omegas are supposed to be just mere slaves and servants. Haist! Sa bagay, may iba pang silbi ang mga low rank na tulad ko. Iyon ay ang magtrabaho sa mga bahay-aliwan na nasa sentrong bayan. Ang pasayahin ang mga amoy lupa ng male werewolves. Yay! ‘Di pa ako ready sa ganoong klaseng buhay. Isipin ko pa lang na hawakan ako ng isang estranghero, pinananayuan na ako ng balahibo. I only want my future mate to touch me. Iyon ay kung magkakaroon pa ako ng chance na makakilala ng tatanggap sa isang mababang ranggo na katulad ko. O kung magagawa ko lang na maka-attend sa Mating Season’s Ball at makakilala roon ng isang prinsipe. Napailing ako. Kalokohan! Huwag na akong umasa na mag-kakahimala at mangyayari iyon. Bukod sa nasa librong pambata na lamang si Prince Charming, may mga kontrabida pa sa buhay ko. Anyway, thinking back to those omega entertainers, hindi naman ako against sa mga ito. Kaniya-kaniya lang tayo ng pinag-daraanan sa buhay. Paraan lang ng mga ito ang maging taga-aliw upang makalaya sa pang-aalipin. Hindi ko sila masisisi lalo na’t karamihan sa mga mayayamang pamilya sa Dark Stone ay malulupit sa mga omega. Tulad na lang ng dalawang bruha na may mga pangalang Selene at Katrina. Kaya tama na muna ang dada, kailangan ko ng bilisan bago pa ako tuluyang mapalayas sa rancho. Tinapos ko na ang pagbi-bihis at patingkayad akong humakbang patungo sa back door ng bahay kung saan naroon ang kitchen. Kagat labing pinihit ko ang hawakan ng pinto at maingat na binuksan iyon. Tahimik akong naglakad papasok sa loob nang walang anumang kaluskos. Geez! Napakalakas ng kabog ng aking dibdib. Halos hindi na rin ako humihinga sa takot na makagawa ng kahit anong klaseng ingay na makatatawag sa atensyon ng dalawang bruha. Dahil mas malakas kay sa ordinaryong asong lobo ang senses ng aking madrasta. Kaya kailangan kong mag-ingat nang sobra! Kinapa ko sa dingding ang switch ng ilaw at ini-on iyon. “Lucy del Romance! Where have you been, slut?!” Duma-gundong sa buong rancho ang malakas na bulyaw ng aking stepmother. At halos umabot hanggang sa kisame ang talon ko dahil sa pagkagulat nang bumulaga sa akin ang mga naka-mud cream na mga mukha nina Auntie Selene at Katrina. Grabe! Napasingap ako sa takot. Halloween na ba?! Bakit nakakakita na ako ng mga zombie witches?! These two creepy women were standing at the door frame na nagkokonekta sa kusina at dinning room. Parehong nakapamaywang at nanlilisik ang mga matang nakatuon sa aking namutlang pigura. “Care to explain kung bakit ngayon ka lang?! Ano’ng oras na?! Saan ka nanggaling, malandi ka?!” histerikal na bulyaw sa akin ng aking stepsister. Napalunok ako. Gustuhin ko mang sumagot ay alam kong mas ikagagalit lang ng mga ito ang totoong dahilan kung bakit ginabi ako ng uwi. “Alam mo na siguro ang parusa sa ginawa mo, hindi ba?” wika ni Auntie Selene nang ilang segundo ang lumipas ay hindi pa rin ako sumasagot. Napalunok akong muli sabay tango. indis, Auntie.” I saw her get the whip which was hanging on the kitchen wall. “On your back, slut!” utos nito. Dahil ginamitan ako nito ng superior voice, wala akong nagawa kung ‘di sumunod at tumalikod. A minute later, maririnig na sa buong rancho ang malakas na hagupit ng latigo at ang impit kong pagdaing dahil sa sakit. Sa gitna ng pagpaparusa ni Auntie Selene, isang imahe ng lalaking nakasuot ng itim na maskara ang lumitaw sa aking isipan. Ito ba ang kapalit ng kaunting pagnanasa ko sa Alpha Mayor na iyon? I gritted my teeth as my stepmother struck me with the whip once again. Heck! Maybe it's time upang gumising na sa katotohanan. Oras na upang tuluyan ko ng kalimutan ang paghanga ko kay Zacria Reid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD