Background Check

1464 Words
Zacria’s POV February 9 (5 days before Mating Season’s Ball) 8:00 A. M. at Dark Stone’s City Hall Napakunot-noo ako nang ilapag ni Sasha ang isang folder sa aking harapan. “Lucy del Romance. 18 years old. Daughter of the deceased wealthy businessman, Edward del Romance. But after her father’s death five years ago, she became an omega.” Tumaas ang isang sulok ng aking labi bago nagsalita. “Do I really need to open the folder?” Napakamot ito sa pisngi. “Sorry, bro. Na-curious din kasi ako sa nabanggit na impormasyon ng isa sa mga pack officers na siyang nagsagawa ng background check kay Miss Lucy del Romance.” Umupo ito sa sofa na nasa kaliwang sulok ng may kalawakan kong opisina. “Mayamang omega pala ang savior mo, bro!” bulalas ni Sasha ngunit biglang napahawak ito sa kaniyang baba at tumitig sa kisame na tila napapa-isip. “Pero paano nangyaring naging low rank ang anak ng isang mayamang businessman?” I smirked but didn’t comment any further. Sanay na ako sa pagiging pakialamero ni Magnum Sasha at sa pagiging mas curious pa nito kay sa hindi mapakaling pusa. That’s his past time anyway—to butt in, in someone’s business. I sighed and decided to open the folder in front of me. Agad napako ang aking paningin sa wallet sized picture na naka-attach sa puting papel na kinasusulatan ng mga personal files tungkol sa matapang na babaeng nagligtas sa akin kahapon sa Mating Season’s Parade. A simple red haired beauty and a fiery she-wolf—Lucy del Romance. Birthday: February 14, 1997 So, she will be nineteen five days from now. Exactly at the day of Mating Season’s Ball. Napahilig ako sa aking leather chair. Interesting. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. Age: 18 years old Parents: Edward del Romance and Anastacia del Romance Status: Single I simply smiled. Well, it’s good to know that she’s still single. It means there’s a chance that she will accept the invitation card that I’ll send to her for the ball. Occupation/Rank: Omega at Ranch del Romance. Personal Information: Living with her stepmother, Selene del Romance (Edward del Romance’s second mate), and stepsister, Katrina Clayton. Agad nabura ang ngiti sa aking labi at bumalik ang kunot sa aking noo. Nasapo ko ang aking noo sabay tapon sa folder sa ere. Lumipad sa hangin ang mga papel na nasa loob niyon, but the picture of Lucy del Romance fell down on the table facing me. “What the hell?! Only daughter of a rich businessman but serving as an omega in her own house?! Is she stupid?!” Magnum Sasha snickered, “Seems like another Cinderella story, bro.” Awtomatiko akong napatayo saka hinubad ang black leather mask na tumatakip sa aking mukha. “Ikaw na muna ang bahala rito, Sasha. I’ll be back before lunch.” He gave me a knowing look, but then nod. “Sure, Alpha Zacria.” I threw my mask in his direction and walked towards the door. “Uhm, bro! Ano’ng gagawin ko rito?” takang tanong sa ‘kin ng aking beta. “Wear it for me. May meeting ako with the pack’s councilors thirty minutes from now. Attend and play my role for the meantime.” “WHAT?!” Hindi ko na hinintay na makatutol pa ito. Agad akong humakbang palabas ng aking opisina at agad na dumiretso palabas. I don’t really know what crawled up in my ass, but something annoys me. At may kinalaman iyon sa low rank she-wolf na kahapon pa lumiligalig sa aking isipan. I need to get to an omega named Lucy del Romance, then knock some senses in her idiotic brain. Bakit pumapayag ang babaeng iyon na magpaalipin sa sarili nitong pamamahay?! I thought she’s tough and fearless. Nagawa nga nitong pigilan ang gunman sa pag-assassinate sa akin kahapon hindi ba?! And those abusive werewolves, may dapat ipaliwanag ang mga ito sa akin. I am the Alpha Mayor at ang pinakakina-mumuhian ko ay ang mga pack members ng Dark Stone na mapanlamang sa kapwa! Lucy del Romance saved my life, now it is my turn to return the favor. *** Lucy’s POV 8:15 A. M. at Ranch del Romance “LUCY!” Sh*t! Muntik ng tamaan ang aking paa ng hawak kong palakol. Nakatuon kasi ang buo kong konsentrasyon sa pagsisibak ng kahoy nang marinig ko ang mala-sirenang bumberong sigaw ni Auntie Selene. Awtomatikong binitiwan ko ang palakol na hawak ko at mabilis na tumakbo sa kung nasaan ang aking evil stepmother. Natagpuan ko ito sa front yard na bihis na bihis with her beautiful moss green dress. Ganoon din si Katrina na naka-floral sexy fitted dress. “Yes, Auntie?” tugon ko nang makalapit ako sa mga ito. Ano’ng meron? May witch party ba? Saan na naman kaya ang punta ng mag-inang bruhilda? Napapaisip na hindi ko maialis ang aking paningin sa magagandang damit ng mga ito. Well, pangarap ko rin kasing makapagsuot nang ganoon. Noong bata ako, may mga maga-ganda rin akong dress tulad ng mga suot ng mga ito. My father always bought me one as a gift ‘pag dumarating ito galing sa mga successful business trip nito. Pero mula nang mabaliktad ang aking mundo, tanging sa panaginip na lang ako nakakapagsuot no’n. Auntie Selene always told me na wala akong pera. Wala raw iniwang pamana sa akin ang aking ama dahil sa sama ng loob na idinulot ko sa kaniya bago ito namayapa. Pasalamat pa nga raw ako dahil kinukupkop pa ako nito kahit wala na itong obligasyon pa sa akin. Tss! Come on! Kung inaakala ng mga itong maniniwala ako na hindi ako pinamanahan ng aking ama, well they better think twice. Minsan ko ng nakita ang last will ni Dad na nasa pag-iingat ng aking madrasta. Alam ko na sa akin ipinamana lahat ng aking ama ang lahat ng mga kayamanan nito. But the second time na hanapin ko ang last will ay wala na ito sa drawer ni Auntie Selene. Gustuhin ko mang maghabol, ngunit ano ang magiging pruweba ko na sa akin nakapangalan lahat ng mga ari-arian ni Edward del Romance? Isa na lang akong omega ngayon. Paano ko kakalabanin ang mag-inang witches na iyon na maraming kakilala na nasa matataas na posisyon sa Dark Stone? Haist! Mas mabuting manahimik na lang at maki-ayon sa agos. Ayaw kong mawalan ng tirahan at mas lalong hindi pa ako handang maging omega entertainer. No choice kung ‘di pagtiisan ang dalawang bruha na nasa harap ko ngayon. “Hey, slut! Nakikinig ka ba?!” Napapitlag ako nang muling marinig ang masakit sa taingang sigaw ng aking stepmom. “Pasensiya na po Auntie Selene, ang ganda po kasi ng suot n’yo.” Iyong dress lang ha, hindi kasama ang nagsusuot! Napataas ang kilay nito. “Talagang maganda ito! Dahil ang pinakamagaling na designer sa Dark Stone ang gumawa nito! Mahal ang damit na ito at tanging ‘yung mga may afford lang ang nakakapagsuot!” I almost huff in front of her. Yeah?! “Kung hindi ko pa alam, tiyak pera ko ang pinambayad ninyo sa mga ‘yan!” gusto kong itugon dito ngunit sinarili na lang iyon. Mahirap na baka kung ano na naman ang gawin sa akin. I saw Katrina smirked mockingly. “Naiinggit ka ba, slut? Hanggang pangarap ka na lang ngayon, dahil matagal ng natapos ang pagiging prinsesa mo.” Ibinaba ko ang aking mga mata, bago pa pukulan ito nang matalim na tingin. “Alam ko ang bagay na iyon, Katrina.” “Mabuti naman at naiintindihan mo na ngayon.” Auntie Selene snickered. “Anyway, paalis kami kaya ikaw na muna ang bahala rito. May darating na plumberman na kukumpuni sa mga baradong tubo,” wika nito habang tinitingan ako ng may babala. “Tandaan mo Lucy, oras na gumawa ka na naman nang hindi ko nagugustuhan ay alam mo na siguro na mas matindi pa sa kaparusahang ibinigay ko sa ‘yo kagabi ang matitikman mo!” dagdag pa niya. Napalunok na lang ako sabay tango. “Yes Auntie! Hindi na po ako uulit sa ginawa ko.” Kuntentong umismid ito. “Now, get your ugly face out of my sight. Nasisira ang araw ko ‘pag nakikita kita, alam mo ba ‘yon?” I mentally rolled my eyes. “The feeling is mutual, stepmother!” Gusto ko mang isaboses iyon ay minabuti ko na lang na kumilos paalis sa harapan ng mga ito. Geez! Mas enjoy pa akong magpalakol na lang maghapon kay sa panoorin ang pagmamaganda ng mag-inang iyon ‘no! Kiniki-labutan tuloy ako. Pero in fairness, ang ganda talaga ng mga dress nila. Sa Mating Season’s Ball kaya, mas bongga pa roon ang isusuot ng mga mangkukulam na iyon? Alam ko na imposibleng makadalo ako sa Mating Season’s Ball, but I’m just an ordinary she-wolf na nangangarap ding maka-attend sa okasyong iyon at maisayaw ng aking prince charming. Tsk! Kung totoo lang sana si Fairy Godmother, kaso asa na naman ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD