Chapter 14

1144 Words
Sophia POV "Babe, ayos na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Jackson ng oumasok siya sa kwarto ko. "Yeah, konti lang naman gamit ko. Mga pamasok at ilang pambahay lang naman ang gamit ko. Hindi naman ako nakapagdala ng maraming gamit ko dahil mahurap tumakas ng maraming dala." Sabi ko naman. "We can buy new, babe. We will go to Alex's boutique before we go home." Sabi naman niya. "Hindi naman na kailangan, halos kabinili ko lang din naman ng mga ito." Sabi ko naman. "Hayaan mo na ako babe, basta magshopping muna tayo bago umuwi. Kailangan ko rin kasing bumili ng mga personal kong gamit." Pamilit niya. "Sige na, magshoshopping na." Sabi ko. Nang maisara ko na yung maletang pinaglagyan ko ng mga gamit ko ay impnilabas na iyon ng kwarto ni Jackson. "Oh lovebirds magmeryenda muna kayo bago umalis." Tawag sa amin ni Bella ng makalabas kami ng kwarto. "Bella thank you sa pagpapatira sa akin dito ha. Kung hindi dahil sayo hindi ko alam kung san ako pupulutin nung umalis ako sa amin." Wika ko habang nagmemeryenda kami. "Ano kaba friend, sabi ko naman sayo masaya ako na nakatulong ako sayo. Malaki rin ang utang na loob namin sa family mo kung tutuusin maliit na bagay lang ang ginawa ko." Sabi naman niya. "Anong oras nga pala dadating sila tita bukas?" Tanong ko sa kanya. Mga 2pm arrival nila. Kaya Sir Jackson mag half day ako bukas." Sabi naman ni Bella. "No problem. Pwede ka naman mag leave kung gusto mo." Sabi naman ni Jackson. "Ay okay na ako sa halfday, saka may tatapusin pa akong weekly report at friday bukas kailangan maisubmit ko yun before lunch." Ani Balle. "Pano Bella, aalis na kami baka kasi gabihin na kami ng uuwi. Nag aaya pa kasi sa mall si Jackson." Paalam ko kay Bella. "Sige, ingat kayo ha. See sa weekend." Sabi ni Bella. Kinuha na ni Jackson ang maleta ko at lumabas na kami sa unit ni Bella. "Yung mga gamit mo nga pala hindi mo kukuhanin?" Tanong ko kay Jackson. "Ipapakuha ko nalang yan bukas. May mga damit naman na ako sa bahay natin." Sabi niya. Pagdating namin sa parking lot at pinagbuksan muna niya ako ng pinto ng sasakyan. Nang makaupo na ako ng maayos ay saka niya inilagay sa likod ng sasakyan ang maleta ko. Pagdating namin sa mall ay dumiretso na kami sa Ellite Fashion Boutique na pag aari ni Alex. Pumili lang ako ng ilang pambahay at mga pwedeng pampasok sa office. "Maria, give her your new designs in her size from casual to formal pati pambahay na rin. Oati mga shoes sand sandals girls pakikuha yung size nya.. And don't forget her undergarments." Wika ni Jackson. "Tama na yung kinuha ko marami na yon." Sabi ko. "Mas maraming kang choices mas maganda." Sabi niya. "Maria charge everything to me saka padeliver mo nalang bukas sa bahay namin." Sabi pa ni Jackson. "No problem. Ipapadeliver ko first thing in the morning." Sabi naman ni Maria. "Bye girls. Quota na kayo pwede na kayong magsara." Biro naman ni Jackson sa kanila. Natawa lang si Maria sa kumaway sa amin nung palabas na kami. Nagpunta naman kami sa isang shop para sa mga cosmetics. "Pili ka na ng mga kailangan mo babe dun lang ako sa men's section." Wika ni Jackson. "Okay." Sagot ko. Namimili ako ng perfume ng maramdaman kong may lumapit sa akin. Akala ko ay si Jackson ngunit ng mag angat ako ng tingin ay biglang kumabog ng malakas ng dibdib ko dahil si tita vera ang nasa harap ko. "Walang hiya kang babae ka dito lang pala kita mahahanap. Akala mo ba makakatakas ka pa sa akin ngayon?" Wika niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko. "Ano ba tita Vera nasasaktan ako. Bitwanan nyo nga po ako." Pagpupumiglas ko. Hinihila na ako ni tita Vera palabas ng shop ng dumating si Jackson. "Let go if my wife." Malamig na wika ni Jackson. "Wife? Pinaglololoko mo ba ako? Fiancé sya ng pamangkin ko papaano mo magiging asawa ha?" Galit na wika ni tita Vera. "Fiancé? Sigurado ka?" Tanong ni Jackson. "Kung ako sayo bitawan mo na ang asawa ko kung ayaw mong kaladkarin ka ng mga tauhan ko palabas ng mall na ito. Oo nga pala I'm Jackson Madrigal Sophia's husband." Wika ni Jackson. Lumapit naman ang ilang security guard na tinawag ng staff ng shop para ilabas ng shop si tita Vera. "Teka, anak ko si Sophia may karapatan akong iuwi sya sa bahay namin." Galit na wika ni tita Vera. "Ang pagkakaalam ko ay stepmother ka lang niya at nasa legal age na si Sophia so hindi niya kailangan ng legal guardian. In short wala kang karapatan na panghimasukan ang buhay ng asawa ko." Mapang asar pang wika ni Jackson. "Mawawala sayo ang lahat Sophina dahil nagpakasal ka sa maling lalaki.!" Wika ni tuta Vera. "Talaga ba tita Vera? Mawawala ang lahat sa akin o sa inyo? Hindi nyo ako mapipilit na magpakasal kay Bryan kahit ano ang gawin nyo. At wala na rin kayong magagawa dahil may asawa na ako." Sabi ko. "Tigilan nyo na ang asawa ko kung ayaw nyong idemanda ko kayo." Wika ni Jackson. Tila natakot naman si tita Vera sa sinabi ni Jackson. "Hindi pa tayo tapos Sophia, siguradong babalik ka sa akin kapag nawala na sayo lahat ng mana mo. Baka nakakalimuta mutan mo ang nakasaad sa last will ng daddy mo. Mapupunta lang sa lalaking iyan ang kalahati ng mana mo. Kung si Bryan ang oakakasalan mo sigurado kang mapupunta sa iyo ang lahat." Gigil na wika ni Tita Vera. "Hindi kailangan ni Jackson ang anu mang mamanahin ko dahil higit oa sa mga iyon ang kung ano man na mayroon siya ngayon." Sagot ko sa kanya. "Ano naman sa inyo kung mapunta kay Jackson ang kalahati ng manang iniwan ng mga magulang ko sa akin? Mabuti nga iyon mapupunta sa mabuting tao kesa naman mapunta sa mga gold digger na kagaya nyo!" Wika ko. "Aba at marunong ka nang lumaban ngayon! Sino ipinagmamalaki mo iyang lalaki mo? Hindi pa tayo tapos Sophia kay Ikakasal ka kay Bryan sa ayaw at sa gusto mo!" Sabi niya. "Magkita nalang tayo sa korte Mrs. Vera Fuentes or should I say Vera Lopez? Kasi hindi naman kayo talaga kasal ng ama ni Sophia. Tama ba ako?" Pareho kaming nagulat ni tita Vera sa sinabi ni Jackson. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni tita Vera. Nagkibit balikat lang si Jackson at iginiya na ako palayo kay tita Vera. Tinawag niya ang isang sales lady ng shop. At iniabot ang basket na pinaglagyan namin ng mga bibilhin namin. "Here, paki ayos nalang ng mga pinamili namin." Sabi ni Jackson at iniabot niya ang kanyang black card. Pagkatapos namin mabayaran ang mga pinamili namin ay lumabas na kami ng shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD