Chapter 15

1072 Words
Sophia POV "Ayos ka lang babe? Sinaktan ka ba niya?" Nag aalalang tanong ni Jackson nang makasakay kami ng sasakyan. "Ayos lang ako, sakto lang ang dating mo kanina." Sagot ko. "Sa hotel na muna tayo dumiretso, mahirap na baka may tauhan si Vera na nakasunod sa atin. Magpapasundo nalang tayo sa Hotel." Hindi kami dumiretso sa bahay at pumunta muna kami kina Sa Emerald Hotel para magdinner. Pagkatapos namin magdinner sa ay bumaba kami sa basement parking gamit ang private elevator. Sa basement parking na kami dumiretso at may sasakyan na rin na nakaabang sa amin doon. "Nakuha mo ba lahat ng gamit namin sa kotse ko" tanong ni Jackson. "Yes Sir, nasa likod na po lahat." Sagot ng driver ni lolo James. "Sa bahay na tayo." Utos niya sa driver, agad naman iton nagdrive paalis ng hote.. Iniwan muna namin ang sasakyan niya ipapakuha na lamang daw niya ito sa driver. Matapos ang mahigit kalahating oras ng aming byahe ay pumasok ang sasakyan namin sa loob ng isang Exclusive subdivision. Ito din ang subdivision kung saan nakatira ang mga kaibigan ni Jackson. Huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng mataas na gate. Inilabas ni Jackson ang isang remote at binukn niya ang gate sa pamamagitan noon. Pagpasok namin sa loob ay bumungad kaagan ang napakagandang bahay na may tatlong palapag. Halos kasing laki rin ito ng bahay ni Phoenix. Maluwang rin ang bakuran at maganda ang pagkakaayos ng garden nito. Inalalayan akong bumaba ng sasakyan ni Jackson. "This will be our home babe." Wika niya. "Ang ganda, ikaw lang ang nakatira dito?" Tanong ko sa kanya. "Tayong dalawa babe. Ngayon palang din ako lilipat dito. Noong ipagawa ko ang bahay na ito, sinabi ko sa sarili ko na ang babaeng mamahalin at pakakasalan ko lang ang babaeng makakasama ko sa bahay na ito." Sabi niya. "Kaya kahit matagal ko nang naipagawa ito, hindi ako dito tumira. Kay lolo pa rin ako umuuwi kapag hindi busy sa office." Kwento niya. "Manang paki akyat na po sa kwarto namin yung mga gamit, saka paki ayos na rin po." Utos ni Jackson sa kasambahay. "Good evening sir at ma'am." Bati ng kasambahay sa amin. "Good evening po, Sophia nalang po itawag nyo sa akin manang. Parang nanay ko na rin naman po kayo." Magalang kong wika sa kanya. "Oh sige anak, Sophia nalang ang itatawag ko sa iyo." Sabi naman niya. "Hindi ka lang pala maganda, mabait ka pang bata." Dagdag pa niya. "Salamat po." Sabi ko naman. "Do You want to tour around our house o sa ibanag araw nalang?" Tanong sa akin ni Jackson. "Sa ibang araw nalang siguro. Gabi na din naman saka may pasok pa tayo bukas." Sabi ko naman. "Nagfile na ako ng leave natin babe. Hindi muna tayo papasok sa trabaho ng one week." Sabi niya. "Pero paano yung mga naiwan kong trabaho sa office saka may mga meetings ka pa bukas di ba?" Sabi ko. "Naayos ko na lahat babe, naire-schedule ko na lahat kaya wag ka ng mag alala okay." Sabi niya. "Ikaw ang bahala. Ahm, babe?" Tawag komkay Jackson. "Yes babe?" Tanong niya. "Yung sinabi mo nga pala kanina na hindi talaga kasal si tuta Vera at daddy, totoo ba yon?" Tanong ko. "Yes babe, mula nung naikwento mo ang dahilan ng pagtakas mo nagsimula na rin akong magpa imbestiga. Si Attorney Lopez at Vera ang may gawa ng lahat. Simula palang ay plano na nila ang lahat." Sabi ni Jackson. "Natatakot ako ngayon na alam na ni tita Vera na nandito ako sa Manila baka pilitin pa rin nya ako sa gusto nilang magyari." Sabi ko. "Wala na silang magagawa babe, ikakasal na tayo at higit sa lahat naisampa na ang unang dalawang kaso laban kina Attorney Lopez at kay Vera." Sabi ni Jackson. Mag rerequest din tayo ng TRO laban kina Vera. Bukas naman ay pupunta dito si Attorney Rodriguez. Ibibigay niya sayo yung mga kailangan mong documents para tuluyan ng malilat sa iyo ang pamamahala ng Rancho at farm ninyo sa Cebu." Abi niya. "Kayanin ko kayang pamahalaan iyon babe?" Tanong ko sa kanya. "Kaya mo babe, magtiwala ka sa kakayahan mo, nandito kami ni lolo para tulungan ka." Pagpapalakas ng loob sa akin ni Jackson. "Let's got to our room, you need to rest. Wag mo munang isipin ang mga problema at trabaho. Ayaw kong ma stress ka." Sabi pa ni Jackson. Inakay niya ako papunta sa elevator sa tabi ng hagdanan. Hindi ko napansin kanina na may elevator dito. Nang makarating kami sa third floor ay iginiya niya ako papunta sa magiging kwarto namin. Sakto naman na palabas na rin si manang. "Salamat po manang." Wika ko sa kanya ng makalapit siya sa amin. "Walang ano man, nasa walk in closet na ang mga gamit ninyo at naiayos ko na rin ang mga pinamili nyo.. Wika niya. "Salamat po manang, magpahinga na rin po kayo." Sabi naman ni Jackson. "Let's go babe." Aya niya sa akin. Pumasok kami sa magiging kwarto namin. Mayroon itong King size bed, may couch sa gawing paanan ng bed at may malaking smart tv na nakakabit sa pader. Gawa sa glass and isang side ng kwarto kung nsaan ng veranda. Malaki rin ang walk in closet at ang bathroom. Combination ng white and grey ang paint ng wall. Halos puti rin ang lahat ng gamit dito. "Babe mauna ka ng magshower, tatawagan ko lang si Phoenix." Sabi niya. Kumuha muna ako ng damit bago ako pumasok sa bathroom. Mahigit kalahating oras don't n ang itinagal ko sa pagligo. "Babe may hair dryer ka ba?" Tanong ko kay Jackson ng makalabas ako ng bathroom. Lumapit naman si Jackson sa akin bitbit ang hairdryer na kinuha niya sa walk in closet. "Thank you." Sabi ko pagkabigay niya nito sa akin. "Shower lang ako babe, you can sleep first if you want." sabi niya. "Okay." Sabi ko. Pumasok na siya ng bathroom at ako naman ay nagpatuyo na ng aking buhok pagkatapos ay nahiga na rin ako sa kama dahil nakakaramdam na rin ako ng antok. Ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman ko ang pag lundo ng isang side ng kama. Nahiga si Jackson sa tabi at inayos ang kumot namin. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. "Good night babe." Wika niya bago ako hinalikan sa noo. "Good night I love you." Nakapikit kong sagot sa kanya. Nakatulog akong nakasiksik sa matipuno niyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD