Sophia POV
Gaya ng nakasanayan ko maaga akong nagising. Tinignan ko muna ang oras sa aking cellphone ala sais palang ng umaga. Nilingon ko ang katabi ko na mahimbing oa rin na natutulog. Malaya kong napagmasdan ang maamo niyang mukha. Makakapal na kilay, matangos na ilong at natural na mapupulang labi. Natural dark brown din ang kulay ng kanyang buhok. Ang kulay green niyang mga mata ang madalas kong pagmasdan sa tuwing magkausap kaming dalawa.
"Love the view babe?" Wika niya na ikinagulat ko naman. Ang akala ko ay tulog pa din siya. Hindi ko na kasi namalayang kung gaana ko katagal pinagmasdan ang kanyang mukaha. Kinabig niya ako palapit sa kanya at hinalikan sa noo.
"Good morning." Bati ko sa kanya. Bahagya niya akong inilayo sa kanya at tinitigan ako sa mga mata.
"This is one of my best morning with you babe. Good morning." Bati rin niya sa akin.
"Let's stay like this for a while." Aniya. Saka muli akong kinabig palapit sa kanya. Kaya yumakap na rin ako sa kanya. Hindi ko naman namalayan na nakatulog ako ulit.
Nang magising ako ay wala na sa tabi ko si Jackson. Mabilis naman akong pumasok ng bathroom para maligo. Nagmamadali akong nagbihis at nagpatuyo ng buhok. Kailangan ko pa kasing magluto ng breakfast namin ni Jackson. Palabas na sana ako ng kwarto ng pumasok si Jackson bitbit ang tray na puno ng pagkain.
"Hi babe, nagprepare na ako ng breakfast natin." Wika niya at dumiteso sa veranda ng kwarto namin. Inayos niya ang pagkain namin sa coffee table.
"Bakit hindi mo ako ginising? Ako dapat ang nagluluto ng breakfast natin eh." Sabi ko.
"Mahimbing ang tulog mo babe ayaw ko namang gisingin ka. Come on let's have our breakfast." Wika niya.
"Marunong ka palang magluto? At masarap pa." Bulalas ko ng matikman ko ang niluto niyang fried rice at daing na bangus.
"You like it?" Tanong niya sa akin. "Oo naman ang sarap kaya." Sagot ko naman.
"Anong iras nga pala dadating si Tito Larry?" Tanong ko sa kanya.
"After lunch pa daw." Sabi niya. Oatapos na kaming kumain ng kumatok ang isa pa sa mga kasambahay namin. Si Jackson na ang tumayo para buksan ang pinto.
"Sir nasa baba po si sir Phoenix." Dinig kong wika niya.
"Pakisabi bababa na rin kamin." Sabi ni Jackson.
"Baka importante yung sasabihin niya babe, puntahan na natin." Sabi ko. Inayos ko na ang mga pinagkainan namin at ibinalik sa tray. Kinuha naman ito ni Jackson at siya na ang nagdala ng bumaba kami. Kaagad namang kinuha ni manang ang tray na dala ni Jackson ng makita niya kaming lumabas ng elevator.
"Oh, bro ang aga mo yata?" Bati ni Jackson kay Phoenix.
"Oo bro, may pinadalang report ang agent natin sa ospital kung saan dinala ang daddy ni Sophia." Sabi ni Phoenix. Iniabot niya ang isang envelop na naglalaman ng medical records ni daddy.
"Kung ganon at hindi heart attack ang totoong ikinamatay ni daady?" Nangingunig ang mga kamay ko habang hawak ang mga medical records ni daady.
"Unti unti siyang nilalason hanggang hindi na nga kayanin ng puso niya. Kailangan nalang nating makahanap ng mas matibay pang ebidensya na magdidiin kay Vera. Maaring isa sa mga kasambahay ninyo o mismong si Vera ang naglalagay ng lason sa pagkain at inumin ng daddy mo." Sabi ni Phoenix.
"Paano tayong makakahanap ng ebidensya gayong doon siya nakatira sa mansion. Siguradong hindi ko mapapasok ang kwarto nila ni daddy kung nandoon siya." Sabi ko.
"Then pwede mo siyang palayasin sa mansion. You have all the rights to do that. Wala siyang magagawa dahil ikaw ang nagiisang nagmamay-ari ng lahat ng iyon." Sabi ni Phoenix.
"We can go there after the wedding babe. We have one week vacation." Sabi ni Jackson.
"We will go with you bro. Mas mabuti ng nakakasiguro tayo. Maraming tauhan si Vera. Hindi kayo pwedeng pumunta doon ng kayo lang." Sabi naman ni Phoenix.
"Pero marami pa tayong aasikasuhin, may charity auction pa sa company two weeks nalang ang preparation para doon." Sabi ko naman.
"Tama si Sophia bro, for now hayaan muna nating isipin ni Vera na wala pa ring nalalaman si Sophia. Ang importante alam na natin ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng daddy ni Sophia. Kailangan lang nating bantayan ang mga kilos ni Vera, lalo ngayon na nandito siya sa Manila." Sabi ni Phoenix.
"Nakita na nya si Sophia bro, habang namimili kami sa Emerald Mall kagabi. Iniwan ko yung kotse ko sa emerald hotel kagabi dahil baka may nakasunod sa amin ni Sophia." Sabi ni Jackson.
"Kung ganoon kailangan nyo na talaga ng bodygurad. Bukas ay magpapadala na ako ng bodygurad ninyo. Don't worry Sophia hindi naman mapapansin na mga bodygurads mo sila dahil hindi naman sila didikit sa inyo." Sabi ni Phoenix.
"Oo nga pala bro, pinasasabi ni Hera na maagang dadating ang mga tauhan niya dito bukas para mag set up ng venue para sa kasal nyo." Sabi pa niya kay Jackson.
"Ok bro, sina manang na mag aassist sa kanila bukas." Sagot naman ni Jackson. Maya maya naman ay dumating si King at si Alex.
"Good morning." Bati ni Alex sa amin. "Nakalipat na pala kayo. Kung di pa sinabi ni Maria na dito pala idedeliver ang mga pinamili nyo kagabi hindi namin malalaman na nakalipat na kayo." Sabi ni Alex.
"Pasensya na gabi na rin kasi kami dumating kagabi. Nagyaya pa kasi magmall si Jackson kagabi." Sabi ko naman.
"Hayaan mo nalang yan Sophia, first time nya kasi na magshopping na may kasamang date. Puro bar at hotel lang kasi madalas tambayan nyan dati." Sabi naman ni King.
"Bro, wala naman pg laglagan. Nagbago na ko." Depensa naman ni Jackson sa sarili.
"Dala ko na nga rin pala yung isusuot nyong dalawa para bukas. Jackson yung usapan natin kayo ang model sa June bride collection ko." Sabi pa ni Alex.
"Oo nga no problem. Kung gusto mo imodel pa namin pati yung ibang collections para sa prenup photo shoot namin." Hamon naman ni Jackson.
"Maganda yang naisip mo bro, mukang mapapalaban kayo sa modeling." Sabi naman ni Phoenix.
"Hindi lang sila, kasama kayo. Baka nakakalimutan nyo exclusive models kayo ng Elite Fashion." Sabi naman ni Alex.
"Sabi ko nga kasali kami." Sabi naman ni Phoenix.
"Sige na aalis na kami hinatid lang namin ang mga damit nyo. See you tomorrow." Sabi ni Alex sa akin saka bumeso. Sumaludo lang naman si Jackson kay King.
"Bro aalis na rin ako. Kailangan kong kausapin yung mga magiging bodygurads nyo." Sabi naman ni Phoenix.
"Sige bro ingat." Sbi naman ni Jackson. Nag makaalis sila ay inilibot naman ako ni Jackson sa buong kabahayan. Nasa Second floor pala ang mga guest room at library. Mayroon anim na guestrooms doon. Sa third floor naman ang masters bedroom, ang kwarto namin ni Jackson at dalawang room. Nasa third floor din ang office ni Jackson. Katabi lang iyon ng kwarto namin at may connecting door iyon.
Nasa ground floor naman ang entertainment room at ang gym. Sa likurang bahagi naman ng bahay ay my swimming pool, may mga table at lounger din doon.
Sa garden naman ay may gazebo sa gitna at maganda rin ang pagkaka landscape. Nanatili muna kami sa garden at pumasok lang kami ng bahay nang malapit ng mananghalian.