Chapter 17

1212 Words
Sophia POV Bandang alas dos ng hapon ay dumating si tito Larry dala ang mga documents at ang code ng volt sa banko kung saan itinago ni daddy ang mga original copy ng lahat ng properties niya. Hindi ko akalain na hindi lang pala sa Cebu ang mga properties niya. Nakalagay sa last will niya na sa akin din mapupunta ang isang resort sa Batangas na hindi ko alam na nakapangalan pala sa akin noon pang bago ako ipadala ni daddy sa US. Sa akin na rin nakapangalan ang mga negosyo. Marami pang mga nakalagay na properties ang iba ay wala akong idea na mayroon pala noon si daddy. "Tito, ganito na ba karami ang mga properties ni daddy? Ang alam ko ay ang farm at ranch lang ang properties namin at ang ilang negosyo sa Cebu." Wika ko. "Malihim ang daddy mo pagdating sa mga binibili niyang proerties. Maingat din sya kaya pinanatili niyang sekreto ang lahat ng iyan. Noong nalaman niyang hindi legal ang naging kasal nila ni Vera ay unti unti na niyang inililat sa pangalan mo ang bawat naipupundar niyang properties. Kung mapapansin mo ay halos walang pinagbago ang kumpanya sa Cebu. Dahil hindi na niya initeres na palaguin iyon, ang iba sa mga iyan ay mana pa ng mommy mo sa mga magulang niya. Hindi alam ni Vera ang mga tagong yaman ng daddy at mommy mo kaya ang Kumpanya at rancho ang gusto niyang makuha." Paliwanag ni tito Larry. "Bakit hindi pa niya hiniwalayan si tita Vera nung nalaman niyang hindi pala sila kasal?" Tanong ko. "Dahil ikaw ang pupuntiryahin ni Vera kapag nalaman niyang alam ng daddy mo ang mga plano niya. Yon ang dahilan kung bakit ka ipinadala ng daddy mo sa America. Kung paano ka napapadalan ng allowance ng daddy mo iyon ay mula sa isang accounting firm na nakapangalan na sa iyo. Ang kita ng kumpanya na iyon ay diretsong pumapasok sa savings account mo kaya hindi nalalaman ni Vera ang location mo sa America dahil hindi na dumadaan sa account ng daddy mo ang oerang oumapasok sa bank account mo. Safe mong gamiting ang mga bank cards mo dahil siniguro ng daddy mo na secured ang lahat ng iyan." Paliwanag niya. "Matalino ang daddy mo Sophia, Hindi sya papayag na maisahan siya ni Vera. Pinaniwala lang niya sina Vera at attorney Lopez na wala syang alam sa mga pinaplano nila para maialis ka niya ng bansa." Sabi ni tito Larry. Marami pang ipinaliwanag si tito Larry. Kami naman ni Jackson ay nakikinig lang sa kanya. "Tito bukas na po ang kasal namin ni Jackson aasahan ko po na darating kayo bukas." Paalala ko sa kanya. "Oo naman, mahalagang araw mo iyon maya darating kami." Sabi niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang kami. Pero naisip ko na baka isama niya ang kanyang pamilya bukas. "I have to go, may meeting pa kasi ako sa isang client ko. See you tomorrow." Paalam niya. "Ingat po kayo tito." Paalam ko sa kanya. "Thank you attorney." Wika naman ni Jackson. Umalis din kaagad si tito Larry ng maibigay na niya ang lahat ng mga documents na ipinatago sa kanya ni daddy. Makalipas ang ilang sandali ay nagmessage naman si Bella na paalis na papunta na sila dito. "Babe nagmessage si Bella, malapit na raw sila dito." Sabi ko sa kanya. "Okay babe ready naman na yung tutuluyan nilang mga kwarto. Naipaayos ko na kay manang yung dalawang guestroom sa second floor." Aniya. Hindi nga nagtagal ay dumating na sina Bella. Laking gulat ko ng bumaba rin ng sasakyan si yaya. Agad akong sinalubong ng yakap ni yaya. "Mabuti at ligtas ka anak, nagaalala ako sayo mula ng umalis ka sa mansion." Wika niya. "Ang mabuti po siguro ay oumasok na tayo sa loob ng makaoag meryenda at makapagpahinga muna sila babe." Sabi naman ni Jackson. "Tita, tito salamat po at nakarating kayo." Sabi ko kina tita habang naglalakad kami papasok ng bahay. "Mabuti naman ang kalagayan ko dito yaya, paano po kayong nakasama sa kanila?" Wika ko. "Tumakas ako sa mansion ng lumuwas ng Manila si Vera. Tinawagan ko ang mga magulang ni Bella ng malaman kong paluwas sila ng Manila para bisitahin si Bella. Sobra na ang ginagawa ni Vera, marami nang mga tauhan sa farm at sa rancho ang tinanggalan niya ng tranaho. Dahil nga ang alam ng mga tauhan ng daddy mo ay wala ka na at si Vera na ang namamahala sa lahat walang magawa ang mga kawawang trabahador ng hacienda." Wika ni yaya. Napatingin ako kay Jackson. "Babe kailangan na nga siguro nating kumilos. Walang ibang hanap buhay ang mga tao sa lugar namin kundi ang pagsasaka at pagtatrabaho sa rancho." Wika ko. "Don't worry babe, kakausapin ko si Phoenix at si attorney Rodriguez para mas mapadali ang pagsasampa ng mga kaso laban kay Vera. Pagkatapos ng Charity event sisimulan na natin ang pagbawi mo sa kung anong nararapan na oara sa'yo." Sabi niya. "Thank you." Bulong ko sa kanya. "Anything for you babe." Sagot naman niya. "Oo nga po pala tito, tita at yaya si Jackson po, ang mapapangasawa ko." Pagpapakilala ko kay Jackson sa kanila. "Nice to meet you po." Wika ni Jackson. "Anak, ang gwapo naman pala nitong mapapangasawa mo at magalang pa." Sabi ni yaya. "Opo yaya sya po ang tumulong sa akin dito sa Manila bukod kay Bella." Sabi ko naman. "Sa kumpanya nya rin po ako nagtatrabaho ngayon." Dagdag ko pa. "Ang laki naman nitong bahay nyo Sir Jackson." Bulalas ni Bella. "Anong sabi ko sayo pag wala tayo sa office?" Tanong ni Jackson kay Bella. "Ooops sorry Jackson, nasanay na kasi ako na sir o kaya boss ang tawag namin sa iyo." Sabi naman ni Bella na tinawanan lang ni Jackson. "Ang ganda at ang laki nitong bahay nyo Sophia, kayong dalawa lang ang nakatira dito?" Tanong ni tita. "Opo, sila manang lang din po ang mga kasama namin dito. Saka kalilioat lang din po namin kagabi." Sabi ko naman. "Oo nga pala Sophia, nakuha ko ito sa kwarto ni Vera nung minsang pinaglinis niya ako ng kwarto niya pagkamatay ng daddy mo. Matagal kong itinago iyan hindi ko magawang ilabas nung mga panahong iyon dahil natatakot akong baka pati ang pamilya ko ay gawan ng masama ni Vera." Wika ni yaya ng iabot sa akin ang isang plastic na naglalaman ng mga maliliit na bite ng gamot. Kinuha ito ni Jackson at tinignan kung anong nilalaman ng mga ito. "Baka ito na ang kailangan natin para tuluyan na nating maipakulong sina Vera. Tatawagan ko si Phoenix at Traviz para alamin kung ano ang mga ito." Wika ni Jackson. "Mabuti pa po magpahinga na muna kayo ipapatawag nalang po namin kayo mamaya sa dinner." Sabi ko. "Lisa, paki samahan naman sila sa guestroom saka pakiayos din ng isa pang guestroom para kay yaya." Utos ni Jackson kay Lisa. "Sige na po magpahinga na muna kayo." Baling naman ni Jackson sa kanila. "Salamat. Wika nina tito, at tita." Nagpaiwan si Bella sa baba hindi naman daw siya pagod kaya nagtungo nalang kami sa pool area para magpalipas ng oras. Si Jackson naman ay nagpunta muna sa office niya sa taas para tawagan ang mga kaibigan niya pati na rin si tito Larry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD