Chapter 18

1157 Words
Sophia POV Simple lang ang naging kasal namin ni Jackson, mga kaibigan at pamilya laamng ang dumalo. Kasalukuyan ng nakakainan ang mga bisita ng dumating si tito Larry. "Congratulations. Pasensya na at nahuli ako ng dating may sinundo pa kasi ako. Sandali lang at susunduin ko sa sasakyan" Sabi ni tito Larry. Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si tito Larry na tulak tulak ang isang wheelchair. Nangunot ang noo ko sa pamilyar na mukha ng taong nakaupo doon. Kaagad na tumulo ang aking luha ng makilala ko ang kasama ni tito Larry. "D-daddy?" Tanging nasambit ko ng makalapit na sila sa amin at kaagad ko namang niyakap si daddy. "Tito, paanong buhay si daddy? Saka ano ang nangyari sa kanya?" Tanong ko.p ng hindi kumilos si daddy ng yakapin ko siya. "I'm sorry princes kung ngayon lang ako nakabalik. Masaya ako at ikakasal ka na." Wika ni daddy. Muli kong niyakap si daddy. "Masaya ako at buhay ka daddy. Ano po ang nangyari?" Tanong ko ulit. "Kamusta po, ako po si Jackson, your daughter's husband." Pagpapakilala ni Jackson at nag mano pa sya kay daddy. "Glad to meet you son. Call me dad from now on" wika naman ni daddy. "Okay dad. Tara na po muna ng maipakilala po namin kayo sa mga kaibigan namin ni Sophia at sa lolo ko." Ani Jackson. Ipinakilala namin sina daddy at tito Larry kina lolo. Tuwang tuwa naman sina tita Yssa dahil nakaligtas pala si daddy. Naging masaya ang araw ng kasal namin dahil nandito ang mga taong mahalaga sa amin. Sinabi ni Jackson na dumito nalang sa amin si daddy para makasama namin siya. Kukuha na lang kami ng nurse o therapist na mag aalaga sa kanya. Gabi na ng matapos ang celebration ng aming kasal. Maaga naming pinagpahinga si daddy dahil hindi pa siya gaanong nakakarecover mulang ng magising siya mula sa pagkakacoma niya. Nasa kwarto na kami ni Jackson at nagpapahinga may magmessage sa akin. "IKAW NA ANG SUSUNOD!" Nabitawan ko ang cellphone ko ng mabawa ang message. Kaya kinuha iyon ni Jackson. Agad niya tinawagan nsi Phoenix para paimbestigahan kung kanino nanggaling ang message na iyon. "Rest for now babe. Nandito kaming lahat para protektahan ka pati na rin ang daddy mo." Wika ni Jackson sa niya ako niyakap. "Paano kung magtagumpay siya sa balak niya sa akin?" Sabi ko. "Hinding hindi ko hahayaang mangyari yon babe. Magpahinga ka na okay? Bukas ay dadalhin natin sa ospital nina Traviz si dad para sa therapy niya, ng sa ganon ay mas mapadali ang pagrecover niya." Wika ni Jackson. "Thank you. Hindi ko na alam ang gagawin kung wala ka" sabi ko naman. "Let's sleep babe, simula bukas ay aasikasuhin na natin ang kaso laban kay Hera. Hindi ko hahayaan na may masaktan pa supiya sa inyo." Sabi niya. Kinabukasan ay maagang naming dinala si dad sa hospital. Si Traviz mismo ang kasama ng ilan pang mga domtor na tumingin sa kalagayan ni dad dumaan siya sa ibat ibang test. Ang sabi kasi ni tito Larry ay halos wala ng buhay si dad ng abutan niya sa ospital, mabuti nalang at kakilala niya ang isang doktor doon at tinulungan silang maialis doon si daddy ay pinalabas nilang namatay si daddy. Hindi nahalata dahil kaagad niyang ipinacremate at katawan para hindi malaman ang panlalason na ginawa nila kay daddy. "Sa ngayon ay maayos ang kalagayan ni tito, kailangan nalang ng physical therapy para muli siyang makalakad. Yung Cardiac arrest, paralysis at pagiging comatose ng halos isang taon ay epekto ng lason na na intake niya. Swerte parin at nakaligtas siya pagkatapos ng atakihin siya. Kadalasan sa mga ganyan case ay hindi kinakaya ng puso ng pasyente ang epekto ng lason sa katawan niya. Mabuti din na hindi naapektuhan ang pagsasalita ni tito." Paliwanag ni Traviz. "Pwede bang sa bahay nalang itherapy si dad?" Tanong ni Jackson. "Oo naman bro, I will assign someone para maging therapist ni tito." Sabi ni Traviz. "May ilang vitamins at gamot lang na kailangang bilin para kay tito. Mas makakabuti rin sa kanya kung makasagap siya ng sariwang hangin." Sabi pa ni Traviz. "Thank you bro./thank you." Sabay naming wika ni Jackson. "Pwede nyo nang iuwi si tito, kami nalang ang oupunta sa bahay ninyo oara sa check up niya." Dagdag pa ni Traviz. Pagkauwi ng bahay ay naabutan namin doon si Phoenix at si tito Larry. "Kamusta ang check up ng daddy mo?" Tanong ni tito Larry. "Mabuti naman po tito, kailangan lang nya ng physical therapy para makalakad siya muli." Sabi ko. "Matagal rin bago nakapagsalita ang daddy mo mula ng magising siya. Pasensya na kung hindi ko kaagad nasabi na buhay ang daddy mo, natatakot kasi ako na malaman ni Vera na buhay ang daddy mo. Pinaniwala namin siyang patay ang daddy mo para magkaroon kami ng pagkakataon na makapag imbestiga. Ang totoo nyan ay sa agency ni Phoenix kami lumapit habang nasa coma pa ang daddy mo. Mahirap makahanap ng matibay na ebidensya dahil masyadong maingat sina Vera at attorney Lopez." Kwento ni tito Larry. "Kung ganon ay alam mo na bro bago pa ako magpatulong sa iyo?. Tanong ni Jackson kay Phoenix. "Yes, hindi ko pwedeng sabihin sa iyo dahil confidential iyo, at hiniling nilang wala munang makaalam. Matagal nang nagmamanman ang tauhan ko kay Vera. Hinihintay lang din namin na maging maayos ang lagay ni tito para masimulan ang pagpapabagsak kina Vera at Attorney Lopez." Paliwanag naman ni Phoenix. "Ang mahalaga ngayon ay buhay si daddy at may sapat na tayong ebidensya laban sa kanila." Sabi ko naman. "Siguradong may binabalak si Vera para makuha ang gusto niya mula kay Sophia, Kaya kailangan nating maging handa bro, siguradong mapapalaban tayo oras na umatake ang mga tauhan ni Vera." Sabi naman ni Phoenix. "I'm always ready bro, matagal na din akong hindi napapalaban." Sabi naman ni Jackson. "Wag mo sabihing makikipaglaban ka rin kina Vera?" Baling ko naman kay Jackson. "Gagawin ko ang lahat wag ka lang masaktan ni Vera, hindi ko kakayanin kung mawawala ka. Matagal bago tayo mulang nagkita my doll." Wika niya na kinagulat ko. "Doll?" Ulit ko sa huling sinabi niya. "Yes babe, you really don't remember me right?" Aniya. Umiling naman ako. "We're neighbors before your family moved to Cebu. Lolo told me me that he met my childhood crush in US kaya nung pinakilala kita kay lolo at sinabi niyang magkapit bahay kayo sa US nalaman ko ng ikaw yung cute na batang lagi kong kalaro sa park noon." Paliwanag niya. Speechless ako sa mga sinabi ni Jackson. "Jj?" Taning nasabi ko. "Yes babe, It's me Jj." Aniya. "Oh, God. I'm so sorry babe, hindi talaga kita nakilala." Paghingi ko ng pasensya sa kanya. "It's okay babe, napakabata mo pa noon kaya hindi mo ako nakilala kaagad." Sabi niya. Agad naman akong yumakap sa kanya. "Namiss kita Jj, akala ko di na tayo magkikita." Wika ko habang nakayakap pa din sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD