Chapter 19

1333 Words
Sophia POV "Hind na tayo magkakahiwalay pa babe, lalo na ngayon kasal ka na sa akin kaya wala ka na talagang kawala." Sabi niya na ikinapula nu buong mukha ko. "Hoy kayong dalawa, panay ang lambingan nyo dyan bakit di kaya kayo doon sa kwarto nyo maglambingan. May kasama kayo dito baka nakakalimutan nyo." Maya-maya naman ay wika ni Phoenix. "Pabayaan mo nalang Phoenix, matagal hindi nagkita ang dalawang yan. Halos hindi naghihiwalay noon ang mya yan kahit palagi naman nagaaway." Sabi naman ni daddy. "Kaya po siguro hindi nagseryoso sa babae itong si Jackson dahil kay Sophia.. Sabi naman ni Phoenix. "Nung nakaraang buwan lang araw araw ibang babae kasama nyan tito, pero nung nakilala si Sophia himalang hindi na talaga nagpunta ng bar at walang flavor of the day. Akalain mo sa loob ng tatlong Linggo hindi nangbabae." Dagdag pang pang aasar ni Phoenix kay Jackson. "Bro naman wag mo naman akong siraan sa father in-law ko." Reklamo ni Jackson. Natawa naman si daddy sa sinabi ni Jackson. "Ang lalaki kusang nagtitino kapag nakilala na ng puso niya ang babaeng para sa kanya. Naaalala kompa noong maliliit sila, laging napapaiyak ni Sophia si Jackson. Hindi namin malaman kung ano ang sinasabi ni Sophia na kinaiiyak ni Jackson." Kwento ni daddy. "Ano nga ba bro?" Tanong naman ni Phoenix. Biglang manula ang tenga ni Jackson, ganito pala syang mahiya namumula ang tenga niya, ang cute nyang tignan. "Ano nga ba yung sinasabi ko noon babe? Hindi ko na rin matandaan eh." Tanong ko. Wala na rin naman talaga akong maalala na napapaiyak ko sya noon. "Wag nyo nang alamin aasarin nyo lang ako." Sabi naman ni Jackson nakinatawa nila tito Larry. "Mabuti pa po maglunch na tayo para makapagpahinga na kayo daddy, tito Larry dito na po kayo maglunch. At ikaw bro, umuwi ka na lagot ka nanaman mamaya sa amazona mong asawa." Litanya naman ni Jackson. "Pag yang si Sophia naglihi tignan natin kung sino mas amasona." Wika naman ni Phoenix nasinabayan pa ng tawa. "Sige po mga tito uuwi na po ako." Paalam niya kina daddy. "Sophia pag naalala mo kung ano nagpapaiyak kay Jackson, ikwento mo sa akin ha." Mapang asar na sabi ni Phoenix saka tumakbo na pauwi sa kanila. Iiling iling naman si Jackson na inakay ako papuntang dinning room, si tito Larry naman ang nagtulak sa wheelchair ni daddy. Pagkatapos namin maglunch ay nagtungo muna si Jackson at sila daddy sa garden. Umakyat muna ako sa kwarto namin para magbihis. Makalipas ang mahigit kalahating oras ay sumunod din sa akin si Jackson. "Oh, babe nasan sila daddy?" Tanong ko sa kanya. "Nasa kwarto na niya babe, umuwi na rin kasi si tito Larry." Sabi niya. Tumabi sa sofa na inuupuan ko si Jackson. Nandito kasi ako sa veranda ng kwarto namin. "Babe, ano nga pala yung sinasabi ko sayo datin na kinakaiyak mo? Seryoso komg tanong sa kanya. "Hindi ko talaga matandaan eh." Sabi ko. "Ah yon ba? Lagi mo kasi akong sinasanihan na ayaw mo akong mapangasawa pag lumaki na tayo dahil payatot ako." Natatawang sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi nya. "Talaga ba? Sinasabi ko yon dati?" Tanong ko sa kanya at tumango lamang siya bilang tugon. "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin na ikaw pala yung kababata ko noon. Di sana hindi ako pumayag na magpakasal sayo." Sabi ko. "Kaya nga di ko sinabi kaagad baka takasan mo ako eh." Natatawang sabi niya. "Ngayon kahit umayaw ka pa wala ka ng magagawa dahil kasal na tayo." Sabi naman niya. Yumakap ako sa kanya at isinanding ang ulo ko sa dibdib nya. "Yung pag takas ko at ang pagpapakasal ko sayo ang pinaka magandang desisyon na nagawa ko sa buhay ko babe. Noong umalis kami ng Manila lagi kong sinasabi sa sarili ko na hahanapin kita. Dito sa ako mag aaral ng college noon at pagkakataon ko na sanang hanapin ka pero ipinadala ako sa US ni daddy kaya wala na ako ng pag-asa na mahahanap kita. Ikinuwento ni Jackson ang mga kalokohang pinaggagawa niya mula noong nag high school siya hanggang sa bago niya ako nakilala. Inamin niya na takagang marami siyang babaeng nakasama pero ni isa sa kanila ay hindi siya nagkaroon ng interes na seryosohin niya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang nakasandig sa dibdib niya. Nagising ako na nakahiga na ako sa kama, tulog na tulog rin si Jackson sa tabi ko. Ala sinco na pala ng hapon, maingat kong inalis ang kamay ni Jackson na nakayakap sa bewang ko. Nagmamadali akong bumangon at naghilamos pagkatapos ay bumaba na ako nag dumiretso sa kusina gusto kong magluto ng dinner para kay Jackson at daddy. Masaya ako at nakasama ko na muli ang dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko. Nagluto lang ako ng beef broccoli at sinigang na hipon. Saka lang ako gumawa ng vegetable salad. Napansin ko kasing laging may vegetable salad si Jackson tuwing kumakain kami sa labas o di kaya ay nag oorder ako ng pagkain niya sa office. Ala sais na ng matapos akong magluto kaya umakyat muna ako sa kwarto para gisingin si Jackson. Pag pasok ko sa kwarto namin siya namang paglabas ni Jackson sa walk-in closet namin at kaagad naman sumalubong ng yakap sa akin. "Anong nangyari sayo, bakit parang sa pung taon mo akong hindi nakita?" Tanong ko sa kanya. "Namiss lang kita, saka napanaginipan ko kasing umalis ka dahil nalaman mong ako yungnoayatot mong kababata noon." Sabi niya. "Ano ka ba, nagluto lang ako ng dinner natin. Tara na sa baba lalamig ang mga niluto kong pagkain." Sabi ko. "Sunduin ko muna sa kwarto niya si daddy." Sabi naman ni Jackson. Nauna na akong bumaba dahil iaayos ko pa ang mesa. Maya maya naman ay kasunod na rin sina Jackson at daddy. Nagustuhan naman ni Jackson ang niluto ko. Nag prequest pa na ipagluto komulit siya ng ganon sa susunod. Pagkatapos namin magdinner ay nagpaiwan nalang si daddy sa baba, magpapatulong nalang daw siya kay yaya mamaya. Ibinilin nalang rin namin siya kay Lisa. "Babe mauuna na akong magshower ha." Paalam ko kay Jackson. "Okay babe." Aniya. Kumuha muna ako ng pantulog kong damit bago pumasok ng bathroom. Pagkatapos kong magshower ay inabutan ko naman si jackson n nakatayo sa pintuan palabas ng veranda at may kausap sa cellphone. "Babe." Tawag ko sa kanya. Agad naman siyan lumingon sa akin at nagpaalam sa kausap niya. "Sige bro sabihan mo lang kami kung kailangan mo ng tulong." Aniya sa kausap. Maya maya ay ibinaba na niya ang tawag. "May problema ba? Parang seryoso ang usapan ninyo ng kausap mo." Tanong ko sa kanya. "That's Traviz babe, mukang balak niya talagang dalin sa isla si Amara. Nalaman kasi niyang nakikipagbalikan kay Amara yung ex niya." Sabi ni Jackson. "Ano naman ang gagawin nyo para madala ng isla si Amara? Kikidnapin nyo talaga?" Tanong mo naman. "Kung hindi na talaga mahal ni Amara yung ex nya hindi na yun makikipag balikan kahit ano pa ang gawin ng lalaki." Sabi ko pa. "Babe masyado rin kasing mailap si Amara, kung Amasona sa akin si Hera masamasona yung si Amara pagdating kay Traviz." Sabi naman ni Jackson. "Baka naman may hindi magandang nangyari sa kanila ng ex niya kaya ganun siya sa mga nanliligaw sa kanya." Sabi ko naman. "Maligo ka na nga, nakaready na yung m water mo sa bathtub." Sabi ko sa kanya "Thank you babe." Aniya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako bago nagtungo sa bathroom. "Wag ka munang matutulog babe, gagawa pa tayo ng baby. Mahirap na baka unahan pa ako ni Traviz." Aniya. Bago pumasok ng bathroom. "Jackson James Madrigal napaka mapang asar mo pa rin talaga!" Sigaw ko sa kanya. Narinig ko siyang tawa ng tawa sa loob ng bathroom. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Naalala ko na madalas niya akong asarin noon dahil maliit nga ako noon bata ako. Hindi ko akalain na yung payatot na kababata ko noon ang mapapangasawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD