Sophia POV Nagpahangin muna ako sa veranda ng kwarto namin habang naliligo si Jackson. Naalala konnoong bata kami madalas siyang pumunta sa bahay namin para lang asarin ako. Dahil pareho kami ng pinapasukang school madalas niyang takutin ang mga kaklase kong lumalaoit sa akin lalo na kapag mga kaklase kong lalaki ang lumalaoit sa akin. Sya ang dahilan kung bakit hindi rin ako naging palakaibigan. Ayaw niya kasing may iba akong nakakasama kahit kapag nasa school kami. Natawa akong mag isa ng maalala ko yung sinabi niya kanina kung paano ko sya napapaiyak noon. Ngayon ko lang na realize na bata palang pala kami ay binabakyran na niya ako. At iniisip niya talagang ako ang pakakasalan niya kapag lumaki kami. Na natupad naman niya. Nagulat ako ng biglang may pumalupot na braso sa bewang ko,

