Chapter 2

1358 Words
Jackson POV Weekend ngayon kaya nandito kami sa bahay ni Phoenix. Madalas dito ang tambayan namin o di kaya naman ay sa bahay ni King. May bahay rin ako dito pero madalang lang ako mag stay doon. May penthouse din kasi ako sa Malapit sa opisina namin. Pag aari rin nina King ang Condominium Building na iyon sa Makati. "Bro, ano ngayon ang gagawin mo, nasabi mo na pala sa lolo mo na ipapakilala mo ang girl friend mo sa kanya bago ang 31st birthday mo eh less than two months nalang yon ah!" Sabi ni Traviz. "Kaya nga nga bro, kinukulit nanaman kasi ako ni lolo kaya sinabi ko na meron na akong girlfriend." Sabi ko. "Bakit hindi ka maghire ng babae bro para ipakilala sa kanya." Sabi naman ni King. "Hindi ako pwedeng kumuha ng basta lang bro, sigurado akong kapag may ipinakilala ako sa kanya ay ipipilit nyan ipakasal kaagad sa akin. Alam nyo naman si lolo gusto pang ngang ipakasal sa akin yung apo ng kaibigan nya na halos hubad na sa sobrang nipis at higsi kung manamit." Sabi ko naman. "Problema nga yan bro. May mahigit isang buwan ka pa naman malay mo makahanap ka na ng makakapagpatibok ng puso mo." Sabi naman ni Phoenix. "Akalain mo yon sa ating apat ikaw ang pinakamaraming naging babae pero ikaw ngayon ang nahihirapan maghanap ng matinong mapapangasawa." Natatawang sabi ni Traviz. "Karma yan bro, KARMA!" Kantyaw naman ni King na sinang ayunan pa nina Phoenix at Traviz. "Pero maiba ako bro, napanood mo ba yung balita tungkol sa nagiisang anak ni Don Samuel Fuentes? Yung pinakamayamang businessman sa Cebu na namatay three years ago. Ang sabi sa balita ay lumayas ito kagabi at nabalitang naaksidente ang sinakyang bus." Sabi ni Traviz. "Baka naman pinalabas lang na naaksidente, kung titignan mo yung sinasabi g katawan na natagpuan at sinasabing katawan niya bakit hindi naman na nila inilabas yung dna or kahit anong pwedeng pagkakakilanlan ng katawan nito. Hindi ba at bigla lang din ang pagkamatay ng don. Inatake daw sa puso gayong wala namang napabalita na nagkasakit noon." Sabi naman ni Phoenix. "Teka nga bakit an napunta ang usapan, malaki ang oroblema ko mga bro. Dahil baka totohanin ni lolo na ipakasal ako sa Ingrid na yon." Maktol ko naman sa kanila. "Sige bro susubukan namin maghanap ng pwde mong pag panggapin na girlfriend." Sabi naman ni Phoenix. Sakto naman na dumating si Hera. "At sino naman ang may kailangan ng magpapanggap na girlfriend?" Tanong ni Hera. "Ayan sweetie, si Jackson. Kapag wala syang naipakilala sa lolo nya ipapakasal sya sa apo ng kaibigan ng lolo nya. You know Ingrid right? Yung batchmate nyo nung high school." Natatawang kwento ni Phoenix kay Hera. "Ayan kasi napapala ng babaero, wala sanang pumayag na magpapanggap na girlfriend mo para makasal ka sa babaeng hipon na yon!" Sabi naman ni Hera na mas lalong ikinatawa nila King. "Grabe ka naman sa akin Hera, hindi ka naman na sana naglilihi dahil lumabas na ang mga inaanak ko." Sabi ko naman. "Magseryoso ka na kase sa babae Jackson, mahirap kapag binalikan ka talaga ng Karma." Dagdag pa ni Hera. "Well good luck nalang sayo. Sige balik na ako sa taas baka gising na yung kambal." Paalam niya saka umalis na sa sala kung nasaan kami nagkukwentuhan. "Mauuna na akong umuwi sa inyo, may schedule pa ako ng operation mamayang 4:00 pm." Paalam ni Traviz. "Sabay na ako palabas bro, uuwi na rin ako." Sabi ko. "Aba ngayon ka lang yata uuwi ng maaga bro, dati dumidiretso ka kaagad sa bar ah!" Sabi ni King. "Wala ako sa mood na lumabas ngayon bro. Sige uwi na rin ako." Palaama ko na sa kanila. "Ingat kayo bro." Si Phoenix. Tinaas lang ni Traviz isang kamay nya habang papalabas na rin ng bahay. Pagdating ko sa penthouse ay pasalampak akong naupo sa couch at binuksan ang tv. Sakto naman na nagflash ang mukha ng isang napakagdang babae. Ito siguro yung sinasabi nila Traviz kanina. Maamo ang mukha ng babae at mukhang bata pa. Hugis puso ng mukha at malalantik ang pilik mata. Mamulamula rin ang mga pisngi niya at may kissable lips.matangos at maliit ang kanyang kanyang ilong na bumagay naman sa kanyang mukha. Para siyang manyika. Kawawa naman siya kung talagang nakasama siya sa naaksidente. 'Maria Sophia Fuentes, pala ang pangalan niya. Nang gabing iyon ay hindi mawala sa isip ko yung mukha ng babaeng nakita ko sa balita. Napanaginipan ko pa. Anu ba yan nagkagusto pa yata ako sa babaeng sumakabilang buhay na. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina kahit na napuyat ako dahil laging pumapasok sa isipan ko ang magandang mukha ng babaeng iyon. "Good morning Sir." Bati sa akin ng secretary ko na nakatakdang magleave sa susunod na linggo dahil malapit na itong manganak. "Good morning Jane, may mga applicant naba tayo para sa magiging pansamantang kapalit mo?" Tanong ko sa kanya. "Yes, sir ito na po yung mga CV ng mga applicant." Iniabot niya sa akin ang mga folder na may lamang information ng mga Applicant. "Thank you. Ako na ang mag iinterview sa kanila bukas. Sabihan mo nalang yung HR na dito na paakyatin ang mga applicant bukas." Bilin komsa kanya bago ako pumasok sa opisina ko. Inilapag ko ang mga ito sa table ko saka sinimula na ang mga daoat kong gawin. Hindi ko alam kung anu ang nagtulak sa akin na tignan ang mga CV ng mga applicant. Inisa isa ko ang mga qualifications nila, halos lahat naman ay magaganda ang mga qualifications pero napako ang atensyon ko sa hung CV na binuksan ko. "Maria Sophia Garcia-Fuentes." Basa ko sa pangalan niya. Siya yung babaeng nakita ko sa balita kagabi. Pero bakit pinalabas na posibleng siya ang babaeng namatay sa aksidente gayong buhay naman pala ito. Agad kong tinawagan si Phoenix para sabihin sa kanya ang tungkol sa babaeng nabalita kahapon. Manuti nalang at nadoon siya sa opisina niya kaya nagpunta nalang ako doon, dinala ko na din ang CV ng babae para ipakita sa kanya. "Bro tignan mo ito. Hindi ba at siya ang babae sa news? Mag aapply sa sa kumpanya ko bro. Hindi kaya may ginagawang kababalaghan ang madrasta ng babaeng yan? Hindi ba at ipyoon ang guardian niya ngayon?" Magkakasunod na tanong ko sa kanya. "May point ka dyan bro. Malalaman natin yan kung makakausap natin yung babae." Sabi naman ni Phoenix. "Teka bro, bakit naging interesado ka yata sa babaeng yan hindi ba kahapon ay ayaw mong pagusapan yon?" Sabi ni Phoenix. "Napanood ko nga kasi sa balita kagabi, tapos hindi na mawala sa isip ko yung itsura nya bro. Tapos ayan kanina nakita ko na isa sya sa applicant oara maging secretary ko." Sagot ko naman. "Mukang nahanap mo na ang katapat mo bro. Kaya lang mukhang magulo ang buhay ng babaeng yan. Ano balak mo ngayon wag mo sabihing ihahire mo bilang secretary mo?" Sabi ni Phoenix. "Hindi ko pa alam bro, naguguluhan pa ako kung bakit parang nag aalala ako sa kanya." Sabi ko naman. "Nako bro mukang tinamaan ka sa babaeng yan." Sabi naman ni Phoenix. "Pero kung pagbabasihan mo naman ang CV niya qualified naman, papasa pa ito s mas mataas na position kung mag aapply sya." Dagdag p ni Phoenix. Pagkatapos naming mag usap ay bumalik n ako sa office at ibinigay sa kanya ang list ng mga qualified for final interview bukas. "9:00 am ang interview bukas, tawagan mo na ung mga napili ko for final interview." Utos ko kay Jane. "Right away sir. Yun po palang charity auction na gaganapin sa birthday nyo mtutuloy po ba?" Tanong niya. "Yes, kaya ituro mo rin sa papalit sayo ang bawat detail ng kailangan niyang malaman doon. Diretso training n rin bukas ang gawin mo to follow nalng ang mga requirements niya para hindi ka kulangin sa oras ng pag train s papalit sayo pansamantala." Mahabang pahayag ko. "Okay po sir." Sabi niya bago lumabas ng office ko. Napatingin naman ako sa article na binabasa ko tungkol sa balitang aksidente sa Cebu. Mukang napaniwala nga ng mga ito na totoong kasama siya sa aksidenteng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD