Chapter 1

1458 Words
Sophia POV Pag baba ko palang ng barko mula sa aming probinsya ay natanaw ko na ang kaibigan kong si Bella. Sa kanya ako titira pansamantala dahil wala pa akong matutuluyan dito sa Manila at hindi ko pa rin kabisado ang lugar. "Sophia dito." Tawag niya sa akin kaya kaagad naman akong lumapit sa kanya. Isang maliit na maleta at isang back pack lamang ang dala kong gamit na pahirapan ko pang ipinuslit palabas ng mansion. Mabuti na lamang ay tinulungan ko ni yaya Lucy na makatakas. "Mabuti at ligtas kang nakarating Sophia. Kamusta naman ang naging byahe mo?" Tanong niya. "Nakakapagod pero okay lang dahil nakaalis ako sa madrasta kong mukang pera." Sabi ko naman. "Huwag kang mag alala makakabawi ka rin sa bruha mong step mother na yan friend sa ngayon kailangan muna nating makauwi para makapagpahinga ka muna ng maayos." Sabi niya. Inaya niya ako sa kanyang sasakyan at tinulungan akong isakay sa likod ng kotse niya ang mga gamit ko. "Bella, salamat sa tulong mo ha. Huwag kang mag alala babawi ako kapag nakahanap na ako ng trabaho." Sabi ko sa kanya. "Wag kang mag alala Sophia tamang tama ang dating mo magli-leave ang secretary ng CEo namin kaya hiring ngayon, mabuti pa ibigay mo sa akin yung résumé mo irerecomend kita kay Sir." Sabi niya. "Talaga ba? Nako thank you, the best ka talaga. Kaya ika ang nag iisang best friend ko eh!" Masayang wika ko. "Asus nambola ka pa. Ako lang naman talaga ang kaibigan mo napaka mapili mo rin kasi sa nangiging kaclose mo eh!" Sabi naman niya. "Kaya nga the best ka eh!. Sabi komnaman na ikinatawa naman niya. Nakarating kami sa kanyang condo sa Makati. Mayroon itong dalawang kwarto at talagang mahahalata g babae ang nakatira. Maaliwalas din dahil minimalist ang design nito. "Pasensya ka na sa unit ko Sophia hindi sya ganon kalaki pero sigurado namang magiging komportable ka dito." Sabi ni Bella. "Ano ka ba, ang ganda kaya nitong unit mo. Saka dapat nga magpasalamat pa ako dahil pinapatira mo ako dito." Sabi ko naman. "Alam mo namang kapatid na ang turing ko sayo, at baka nakakalimuta mo magbest friend din ang mommy mo at si mommy." Sabi niya. "Ah, Bella okay lang ba kung wag mong sasabihin kay tita Yssa na nandito ako sayo. Baka kasi tanungin sya ni Tita Vera. Siguradong lahat ng oaraan gagawin non para hanapin ako." Sabi ko. "Huwag kang mag alala Sophia, alam ni mama ang sitwasyon mo. Sya nga ang nagsabi sa akin na dito ka patuluyin. Alam niyang may hindi magandang binabalak sayo ang madrasta mo." Sabi niya. "Ganon ba? Nagpupunta ba dito sila tita Yssa?" Tanong ko. "Minsan, kapag hindi ako makauwi sa atin sila ang pumupunta dito." Sabi naman niya. "Oh sya, ang mabuti pa ayusin mo na ang mga gamit mo sa closet. Iyon left side ang magigin kwarto mo. Magluluto na muna ako ng dinner natin." Sabi niya. Nagpunta n ako sa magiging kwarto ko apara ayusin ang mga gamit ko. Simple lang ang kwarto na ito, white ang paint ng wall at combination naman ng white and pink ang kurtina nito. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay naligo na muna ako bago lumabas ng kwarto. Nagsuot lang ako ng shorts at loose shirt na kadalasan kong suot kapag nasa bahay lang. "Oh nandyan kana pala, kakain na tayo para makapahinga ka. Dadalhin ko bukas yung resume mo para direct ko ng ibibigay sa secretary ng boss namin." Sabi niya. "Thanks, may mga nakaready naman na akong resume ibibigay ko nalang sayo mamaya." Sabi ko. "Oo nga pala Sophia, ito yung spare code ng pinto nitong unit. May malapit na mall dito pwede kang maglibot doon bukas kapag nainip ka. Tatawagan kita mamaya kapag pauwi na ako tapos mag grocery tayo, bilhin natin kung ano pa ang mga kailangan mo." Sabi niya. "Thank you, wala nga akong masyadong dalang gamit. Hindi rin ganon kalaki ang nadala kong pera dahil baka mahalata nila kapag nagwidraw ako ng malaki." Sabi ko. "Wag mo munang isipin ang gastos, ako muna ang bahala sayo habang wala ka pang income okay?" Sabi naman niya. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresintang magliligpit ng mga oinagkainan namin. Pagkatapos ay saka ko ibinigay muna sa kanya ang resume na ipapasa niya sa opisina nila bukas. Kinabukasan naman ay maaga akong nagising kaya naisipan kong magkuto na lang ng almusal para sa amin ni Bella. Nagluto ng scrambled egg, bacon at hotdog ska fried rice. Papatapos na akong mag ayos ng mesa ng lumabas ng kwarto niya si Bella na nakabihis na. "Wow sa wakas makakatikim ako ng matinong breakfast." Sabi ni Bella kaya natawa ako sa sinabi niya. "Bakit, hindi ka ba nagluluto ng breakfast mo?" Tanong ko sa kanya. "Alam mo namang pahirapan akong gumising sa umaga diba? Kung magluluto pa ako siguradong malelate na ako kaya madalas bumibili nalang ako ng coffee at bread sa café sa cafeteria ng company." Sabi niya. "Sige mula ngayon magluluto ako ng breakfast natin para hindi ouro kape at tinapay ang laman ng tiyan mo sa umaga." Sabi ko naman. "Dali na kumain na tayo at baka malate ka pa sa work mo. Maupo ka na jan gagawa lang ako ng coffe natin." Sabi ko. Pagkatapos namin mag almusal ay agad na ring umalis si Bella dahil malelate nanaman siya. Pagkatapos kong maglinis ng kusina ay naglinis na din ako ng sala. Sanay ako sa gawaing bahay dahil ilang taon din akong namuhay ng mag isa sa America. Wala akong mapaglibangan kundi ang manood ng tv at maglinis ng bahay dahil lahat ng social media account ko ay nadelete ko na. Ayaw ko kasing malaman nila kung nasaan ako hanggat maaari. Matanggap sana ako sa aaplyan ko para naman makapagbigay manlang ako ng share sa gastos dito sa condo ni Bella. Mag-aala Sinco ng hapon ng tawagan ako ni Bella. Mahkita nalang daw kami sa baba nitong condo. Kaya naman kaaga akong nagbihis at bumaba. Hinintay ko nalang siya sa lobby nitong building. Nang dumating siya ay agad rin akong sumakay ng kotse niya para pumunta sa mall na malapit dito. Doon nalang rin daw kami magdinner pagkatapos namin mamili ng mga kailangan namin. Nagpunta muna kami sa isang boutique para bumili ng gagamitin ko bukas sa interview. Saka na ako bibili ng damit kapag natanggap na ako sa trabaho. Magaganda ang mga dress sa boutique na yon, affordable pa ang presyo. "Ang gaganda design ng mga tinda nila dito, saka maganda ang quality at mura pa." Sabi ko. Nahihirapan kasi akong pumili dahil magaganda talaga ang lahat ng design. "Magaganda talaga ang mga damit dito Sophia, ang pagkaka alam ko asawa ng kaibigan ng CEO namin ang nagmamay-ari nito. At sa sikat ang brand nila kahit sa ibang bansa." Sabi ni Bella. "Kapag may trabaho na ako balik tayo dito. Ang gaganda kasi talaga kung pwde ko lang gamitin ang cards ko dadamihan ko na ang bibilhin ko." Sabi ko pa. "Nako next time na tayo magshopping mahirap na baka matunton ka ng bruha." Sabi naman ni Bella. Pagkatapos namin bumili ng damit ay dumiretso na muna kami sa super market para mag grocery ng stock namin at oara bumili na rin ng ilang personal kong gamit. Bumili na rin ako ng mga gulay at prutas dahil karamihan ng nakita kong stocks ni Bella ay mg processed foods. Nang makapagbayad kami sa cashier ay nilagay muna namin sa kotse ang mga pinamili namin bago pumunta sa isang fast food restaurant dito rin sa mall. "Sa palagay mo Bella matatanggap ako sa company nyo?" Tanong ko sa kanya. "Ano ka ba Sophia magtiwala ka nga sa sarili mo. Hello sa U.S ka po nag aral at sa kilalang university pa. Sigurado ako matatanggap ka doon." Sabi naman niya. "Bukas ng 9:00 am ang interview nyo, kung gusto mo sumabay ka nalang sa akin para hindi ka na mag taxi." Sabi niya. "Sige, wala namang problema kahit maaga akong pumunta doon. Mainam nga yon mauuna akong ma interview." Sabi ko naman. Pagkatapos namin kumain ay agad rin kamin umuwi sa condo ni Bella. "Sige na Bella, ako na ang bahala sa mga pinamili natin. Konti lang naman ito kaya kayang kaya ko na ito." Sabi ko. Sigurado kasing pagod rin siya sa maghapon niyang trabaho sa opisina. Sa finance department kasi siya kaya siguradong maraming gawain dahil mahirap magkamali pagdating sa mga report nila. "Sige Sophia, magpahinga ka narin pagkatapos mo dyan." Wika niya saka dumiretso na sa kwarto niya. Pagkatapos kong maiayos ang mga pinamili namin ay inayos ko naman ang mga personal kong gamit na binili rin kanina. Nag shower narin ako at nagpatuyo ng buhok saka agad na natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD