Chapter 11

1277 Words
Sophia POV Ihinatid ako ni Jackson sa Unit ni Bella bago siya umakyat sa Unit niya. "Good night babe, I love you." Aniya. Saka niya ako saka sabay halik sa akin. "I love you too. Good night." Sabi ko. Nakita kong natigilan siya. Sinamantala ko naman iyon at mabilis na isinara ang pinto. Bigla kasi akong nahiya sa isinagot ko sa kanya. Aminado naman ako na nahuhulog na din ako sa kanya dahil mula nung nagsimula akong magtrabaho sa kanya ay maganda ang trato niya sa akin. At sadyang gentleman siya pagdating sa akin. Napasandal ako sa pinto sa kaba, sa wakas ay nasabi ko na rin sa kanya ang totoong nararamdaman kompara sa kanya. "Ehhhem. Ano ang ganap friend bakit may pasandal pa diyan sa likod ng pinto?" Sabi ni Bella. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala sya. "K-kanina ka pa diyan?" Tanong ko sa kanya. "Kararating ko lang rin, kamusta naman yung pagbisita nyo sa lolo ni Jackson?" Tanong muli niya. "Okay naman, katunayan ay matagal komnang kakilala ang lolo ni Jackson, apo pala sya ni lolo James na kapitbahay ko dati sa US." Kwento ko sa kanya. "Wow! Sinasabi ko na nga ba nakatadhana talaga kayo friend." Bulalas niya. "Ahm, Bella. Hindi ba engaged na kami ni Jackson?" Panimula ko. "Oo friend, wag mo sabihing hindi ka pa din makapaniwala." Sabi niya. "Kasi Bella gusto ni lolo James na magpakasal na kami at sa weekend na kaagad." Sabi ko. "Oh, ano naman ang problema don Sophia. Nasa tamang edad ka naman na. Nakikita ko naman na inlove kayo sa isa't isa. Alam mo friend hindi basehan ng pagmamahal ang haba o higsi ng pagkakakilala ng dalawang nagmamahalan. Marami nga dyan nagpapakasal dahil lang nabuntis ang babae kayo pa kayang dalawa na pareho nyo namang mahal ang isa't isa." Mahabang paliwanag niya. "I know Bella, gusto ko lang na ipaalam kaagad sa iyo ksi ikaw nalang naman ang pamilya ko at nagiisang kaibigan ko." Sabi ko. "Awww na touch naman ako ng bongga friend. Kahit ano pa maging desisyon mo sa buhay, susuportahan kita kasi kapatid na rin naman ang turing ko sayo." Sabi naman niya. "Lilipat na rin kami sa pinagawang bahay ni Jackson ngayong week, doon daw gaganapin yung kasal namin. Pwde mo bang tawagan sina tito at tita para sila ang tatayong magulang ko sa kasal?" Pakiusap ko sa kanya. "No problem. Matutuwa sigurado si mommy at daddy. Bukas na natin sila tawagan, baka tulog na ang mga yon ngayon." Sabi niya. "Thank you Bella, I'm so lucky that you are my friend." Sabi ko saka siya niyakap. "Nandito lang ako palagi friend khit ano ang mangyari." Aniya. "Magpahinga na tayo may pasok pa tayo bukas. Baka malate pa tayo pareho ng gising." Sabi ko. "Good night bff." Ani Bella. "Good night." Pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Kumuha muha kaagad ako ng damit na pantulog bago pumasok sa bathroom. Mabilis lang akong naligo at pinatuyo ang aking buhok gamit ang hair dryer. Nang mahiga ako sa kama ko ay kaagad rin akong nakatulog. Nagising ako dahil sa tunog ng isinet kong alarm sa cellphone ko. Inabot ko ang cellphone ko mula sa bedside table at agad na inioff ang alarm. Nagtignan ko ang phone ko ay may missed calls ako mula kay Jackson. Agad ko naman akong nag send ng message sa kanya. "Good morning." Hindi nagtagal ay tumawag naman kaagad siya. "Hello babe." Bati kaagad niya ng sagutin ko ang tawag. "Good morning, I'm sorry di ko na nasagot yung tawag mo kagabi nakatulog kasi ako kaagad pagkatapis magshower." Hingi ko ng paumanhin sa kanya. "That's fine babe. good morning too." Sabi niya. "Nagbreakfast ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Not yet, kakagising ko lang din." Aniya. "I will cook breakfast dito kana lang kumain para hindi kana magluluto." Pag aaya ko sa kanya. "Okay babe. See you later." Sabi niya. "Ok, bumaba ka na agad dito pagka nakagayak ka na." Bilin ko sa kanya. "Yes Boss." Masiglang wika naman nya. "Sige na maluluto na muna ako. Bye." Pinatay ko na din kaagad ang tawag. Binilisan ko nalang ang pag shower saka nagsuot muna ako ng pambahay na damit. Dumiretso na ako sa kusina at nagluto ng breakfast naming tatlo. Egg omelette, bacon, chicken sausage, toast and pancakes. Nagprepare na rin ako ng butter, jam at sause. Gumawa na rin ako ng coffee para sa aming tatlo. "Bella, breakfast is ready." Tawag ko kay Bella. Sakto naman lumabas siya ng kwarto ng may mag doorbell. "Ako na magbunukas ng pinto, si Jackson na siguro yon. Maupo ka na jan. Good morning!" Masayang bati kompa sa kanya. "Good morning, thank you sa marasap na breakfast. Sige na baka gutom na ang prince charming mo." Sabi pa niya. Agad naman akong nagtungo sa pintuan para buksa iyon. "Good morning. Pasok ka na, tamang tama kakatapos ko lang magluto." Sabi ko. "Good morning babe." Sabi niya ng makapasok na siya sa loob ng unit saka niya ako ginawaran ng halik sa lips. Hinila ko na siya papuntang kusina. "Good morning Bella." Bati niya kay Bella. "Good morning Boss." Bati rin niya kay Jackson. Naupo na rin kami sa upuan na katapat ni Bella. "Babe, nagpaalam ka na ba kay Bella na lilipat na tayo sa bahay nati?" Tanong sa akin ni Jackson. "Oo, kailan ba tayo lilipat? Konti lang naman ang gamit ko kaya madali nalang ayusin yon kapag lilipat na tayo." Sabi ko. "Sa Thursday na. Bukas palang kasi dadating yung mga kinuha kong Kasambahay." Sabi niya. "Lonely nanaman pala ako dito kapag lumipat ka na friend." Sabi naman ni Bella. "You can visit us in our house, sama ka na din sa amin sa Thursday doon ka muna mag stay hanggang sa kasal namin." Sabi ni Jackson. "Pupunta nalang kami nila mommy sa wedding day nyo, sa Friday morning kasi dating nila dito sa Manila susunduin ko pa sila sa Airport." Sabi naman ni Bella. "Doon nalang kayo dumiretso nila tita sa bahay kapag sinundo mo sila." Sabi ko naman. "Okay, ibigay mo nalang yung address sa akin bff. Nagpadala nga pala ako ng lechon Cebu, I'm sure namimiss mo na din yon." Sabi pa ni Bella. "Padagdagan mo na yung dadalin nila tita, saka padala rin ng mga delicacies from Cebu siguradong mgugustuhan yon ni lolo James." Sabi ko naman. "You're right, lolo always tell me that delicacies of Cebu are best especially the lechon." Wika ni Jackson. "Oo nga pala babe we need to contact your dad's lawyer. We need some information that can help us put your stepmother in jail, I have this feeling that she's the ones who are accountable to your father's death." Pa ni Jackson. "Tawagan nalang natin mamaya pagdating sa office." Sabi ko. "Sige na Sophia, ako na magliligpit nito gumayak kana din." Sabi ni Bella ng matapos kaming kumain. "Okay. Magbibihis na muna ako." Paalam ko kay Jackson. Nagsuot lang ako ng off white sleeveless dress saka ko pinatungan ng blazer. Nagsuot lang din ako ng black stilettos. Pagkalabas ko ng pinto ay nakatitig naman sa akin si Jackson. "M-may problema ba sa suot ko?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at nagmamadaling lumapit sa akin. "Nothing. You're beautiful in any dress you wear." Sabi naman niya. "Bolero ka. Tara na nga baka malate pa tayo." Sabi ko. "Bella let's go." Baling ko naman kay Bella. Sabay sabay na kaming bumama sa basement parking. Nauna ng sumakay si Bella sa kotse nya. Ako naman sa sa kotse na ni Jackson sumakay. Sa kanya na raw kasi ako lagi sasabay sa pag pasok at sa pag uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD