Chapter 10

1172 Words
Jackson POV "Ano update tauhan mo sa Cebu bro?" Tanong ko kay Phoenix. "Positive bro, kumikilos na si Vera. Naghire na sila ng tao na hahanap kay Sophia." Sabi ni Phoenix. "Kailangan mo na talagang ng mahigpit na security para kay Sophia lalo na kung plano ni lolo James na ipakilala siya." Sabi naman ni King. "Tatawagan namin yung abogado ng daddy ni Sophia, kailangan muna nating malaman kung ano talaga ang nilalamang ng Will ng daddy nya. Nabanggit ni Sophia na hindi inilabas lahat ng abogado ng daddy nya ang will. Dahil nagalit ang stepmother nya ng malaman na wala siyang makukuhang mana." Sabi ko. "Kung ganon kailangan natin siyang makausap. Palagay ko ay may nalalaman ang daddy ni Sophia tungkol sa plano ni Vera kaya gumawa ng ganyang will. Nasa abogado nila ang susi para malaman din ang totoong ikinamatay ng daddy ni Sophia." Pahayag ni Phoenix. "Bukas na bukas bro susubukan naming kausapin ang abogado ng daddy nya." Sabi ko. "Oo nga pala bro ayos na ba yung security system ng bahay ko? Balak ko kasing lumipat na rin bago ang kasal namin." Tanong ko kay Phoenix. "Ayos na bro. I-set mo nalang ang code at biometrics nyon. Ayos na rin ang mga security camera pa paligit ng bahay mo pati na rin sa mga hallway." Sagot ni Phoenix. "Ano bro, masarap ang mainlove hindi ba?" Wika ni King. "Tama ka bro. Basta kasama ko si Sophia kontento na ako, masaya na ako." Sabi ko naman. "Sa wakas talaga bro natagpuan mo na ang magpapatibok ng puso mo. Sabi naman kasi sayo kapag natagpuan mo na ang babaeng mamahalin mo kusa kang magtitino. Makakalimutan mong ayaw mo ng commitment." S abi naman ni Traviz. "Bro, bilisan mo na rin ang kilos. Kita mo nga naunahan ka pa ni Jackson." Sabi naman ng Phoenix. "Ako nanaman nakita nyo." Angal naman ni Traviz. "Bro, mukang kinukulit nina Maria at Rita si Sophia na maging model ng Elite. Noong nakaraang Linggo pa nila bukang bibug yung customer daw nila na parang doll. Akalain mong si Sophia pala yung sinasabi nila." Wika ni King. "Sigurado akong maraming nagkakagusto dyan kay Sophia bro." Banat naman ni Traviz. "Kaya nga pakakasalan ko kaagad mahirap na baka maunahan pa. Saka hindi rin ako makakaoayag na yung pamangkin ng madrasta nya ang ipakasal sa kanya." Sabi ko. "Wala na 'to mga bro malala talaga tama kay Sophia. Padeny deny ka pa nung isang araw, hindi mo pa niligawan kasal agad. Matindi ka bro." Sabi ni King. "Mana lang ako sayo King, dinaan sa apurahan." Balik pangangantyaw ko naman sa kanya. "Ganyan talaga pag true love bro, hindi na pinagtatagal ang kigawan kasal na kaagad." Sabi naman ni King. "Gaya nina Alex at Hera mukang independent rin na klase ng babae si Sophia, payo lang bro wag mo siyang pipigilan sa gusto niya. Ang mga babae hindi yan basta umaasa lang sa mga partner nila. At tayong mga lalaki dapat nakasuporta sa kung ano man ang gusto nila." Payo ni Phoenix sa akin. "Of course I will support her bro, wala akong balak na pangunahan sya sa mga gusto nya sa buhay. Ang gusto ko lang naman ay safe sya at maging masaya sa piling ko." Sagot ko naman. "Nagbago ka na nga talaga bro. Congratulations." Banat nanaman ni King. "Tama ka bro, but I've changed for the better." Sabi ko naman. "Pero seryoso bro, masaya kami na nahanap mo na ang the one mo." Sabi naman ni Traviz. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumapit na sa amin si Rita. "Mga kuya ready na po ang dinner, pinapatawag na po kayo nila ate Alex." Ani Rita. "Sige Rita susunod na kami. Let's go mga bro, hindi dapat pinaghihintay ang mga babae." Sabi ni King. Nagpunta na kami kung saan nadoon ang mga girls. Lumapit kaagad ako kay Sophia na buhat buhat ang anak ni King na si Snow. "Ang cute niya, small version sya ni Alex." Sabi ni Sophia. "You also like kids?" Tanong ko sa kanya. Tumabi ako sa inuupuan niya at nilaro ko si baby Snow. "Oo, kaya madalas ako sa mga park sa US ntutuwa kasi ako sa mga bata na madalas ipinapasyal ng mga parents nila doon." Sagot naman niya. "What do you want to eat ako nalang ang kukuha ng food para sa ating dalawa." Sabi ko sa kanya. "Ikaw na bahala, hindi naman ako mapili sa pagkain." Aniya. "Okay, tatawagin ko na rin yung yaya ni Snow para makakain ka ng maayos mamaya." Sabi ko saka nagpunta na sa table kung nasaan ang mga pagkain na ipinahanda ni Phoenix. Tinawag ko na rin si ate Gina para kuhanin kay Sophia si baby Snow. Kumuha lang ako ng inihaw na pusit, barbecue, rice, kare-kare at drinks. Kumuha na rin ako ng fruit salad at macaroons para sa desert. "Ang dami naman nyan." Sabi ni Sophia ng makabalik ako sa westo namin. "Konti lang yan babe, share naman tayo eh." Sabi ko. May dala rin kasi akong extra plate. "Kamusta naman bonding nyo nila Hera? Kinulit ka ba nila na magmodel din." Tanong ko. "Okay nama, mababait silang lahat. Kayong magkakaibigan din pala ang model ng Elite dito sa Pilipinas?" Namamanghang tanong niya. "Yes babe, exclusive lang naman kami sa elite. Maeenjoy naman namin pagmomodel sa mga designs ni Alex at ng iba pang designers ng elite." Sabi ko. "At sigurado akong sa susunod na launching ng bagong mga collections ni Alex, isa ka na rin sa mga mukha ng Elite Fashion." Dagdag ko pa. "Nakaka tuwa siguro kapag photo shoot noh, kasi kayong magkakaibigan din ang magkakatrabaho." Wika niya. "Masaya babe, siguradong maeenjoy mo iyon kapag kasama ka na namin sa photo shoot." Sabi ko naman. "Oo nga pala babe, lilipat na tayo sa bahay natin ngayong week kaya ayusin mo na yung mga gamit mo." Sabi ko. "Lilipat na tayo kaagad?" Tanong niya. "Oo babe, mas safe ka kasi kung dito na tayo titira. Kailangan natin mag ingat dahil ipinahahanap ka na ng stepmother mo. Naipaayos ko na yung security system ng bahay natin, nagrequest na rin ako ng bodygurads natin kay Phoenix." Paliwanag ko sa kanya. "Salamat Jackson." Sabi niya. "Para saan?" Tanong ko. "Sa pagprotekta mo sa akin, sa pagtulong mo at higit sa lahat sa pagmamahal mo. Kahit na ilang Linggo palang tayong magkakilala." Sabi niya. "Babe hindi sa tagal ng pagkakakilala nasusukat ang pagmamahal. Saka pinoprotektahan kita kasi mahalaga ka sa akin at mahal kita." Paliwanag ko sa kanya. Pasado alas otso na ng gabi ng magpaalam kaming umuwi. Ayaw kasing mag absent ulet ni Sophia kahit pa sabihin kong ako naman ang boss. Inihatid ko muna sya sa unit nila saka ako umakyat sa penthouse. “Good night babe, I love you.” paalam ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa lips. “I love you too. good night.” aniya. Natigilan ako sa sinabi niya. Agad niyang isinara ang pinto pagkasabi niya noon kaya wala akong nagawa kundi ang umakyat na sa penthouse ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD