"Oh apo, nandito ka na pala. Mabuti naman at isinama mo na ang nobya mo." Napatingin ako sa pinang galingan ng bises dahil pamilyar sa akin ang boses na iyon.
"Lolo James?" Tawag ko dito na makilala ko ito.
"Sophia? Ikaw ang nobya nitong apo ko? Ikaw ba talaga iyan?" Natutuwang tanong ni lolo. Si Jackson naman ay tila naguguluhan.
"Opo lolo ako nga po ito. Pasensya na po kayo hindi ako nakapag paalam nung biglaang pag uwi ko." Sabi niya.
"Wait, babe? Lolo magkakilala kayo ni Sophia?" Tanong ni Jackson.
"Oo apo, kapit bahay ko siya sa US. Madalas kaming magkakwentuhan kapag naglalakad ako sa park tuwing umaga. Natutuwa ako at ikaw pala ang nobya na sinasabi nitong si Jackson." Sabi ni lolo.
"Namiss ko po kayo lolo. Kamusta na po kayo? Kaya pala bigla ko kayong naalala kanina, magkikita po pala tayo ngayon." Masayang wika ko.
"Namiss din kita apo, paano nga pala kayo nagkakilala nitong apo ko?" Tanong ni lolo.
"Ah, ako po ang bagong secretary niya. Nakaleave po kasi yung secretary nya talaga." Sagot ko naman.
"Hindi ka naman ba pinahihirapan nitong si Jackson sa trabaho? Kapag pinahirapan ka o sinasaktan malilintikas sa akin yang batang yan." Sabi pa ni lolo.
"Lolo naman ako ang apo nyo, saka bakit ko naman pahihirapan at sasaktan ang babaeng mahal ko." Sabi naman ni Jackson.
"Sinisiguro ko lang na hindi mo sasaktan itong si Sophia, alam natin pareho na playboy ka apo kaya hindi mo ako masisisi kung protektahan ko si Sophia mula sayo. Sinasabi ko sayo Jackson pag nahuli kitang may ibang babae ilalayo ko sayo si Sophia." Banta pa sa kanya ni lolo James.
"Mabuti pa po tayo na sa dinning area may dala po kaming pochero, tinulungan po akong magluto ni Jackson kanina." Sabi ko para mabago ang usapan.
"Talaga apo. Nako matitikman ko nanaman ang paborito kong pochero." Sabi niya at lumakad na latungong dinning area. Lumapit naman sa akin si Jackson.
"Thank you babe, you saved me from lolo's rant." Bulong niya sa akin.
"Tara na baka marinig ka pa ni lolo James." Bulong ko sa kanya saka siya hinila papunta sa dinning area.
"Oo nga po pala lolo nandito po kami oara ipaalam rin sa inyo na engaged na kami ni sophia." Masayang wika ni Jackson.
"Mabuti kung ganon. Gusto kong i-announce ang engagement ninyo sa darating na charity event." Sabi ni lolo.
"But lolo we can't do that for now, hindi safe para kay Sophia." Sabi ni Jackson na kinakunot ng noo ni lolo.
"What do you mean by that?. Tanong ni lolo. Ikinuwento namin ni Jackson ang lahat kay lolo James, gaya ng sinabi ni Jackson wala siyang inilihim kahit na ang plano niya dapat na magbayad ng babae para lang ipakilala sa lolo niya. Hindi naman nagalit si lolo sa ginawa ni Jackson lalo at nalaman niyang ako pa ang napili ni Jackson dahil kung sakali ngang natuloy iyon ay ipapakasal rin naman daw talaga niya kami kapag nagkataon.
"Kakausapin ko rin si Phoenix lolo para natulungan kami. Sigurado akong gagawing ng stepmother ni Sophia ang lahat maipakasal lang siya sa pamangkin nito." Sabi ni Jackson.
"Engaged naman na kayo hindi ba? Bakit hindi pa kayo magpakasal bago ang event?" Sabi naman ni lolo James. Kaya napatingin sa akin si Jackson.
"Kagabi lang ako nagpropose lolo baka mabigla naman si Sophia nyan." Sabi ni Jackson.
"Kahit sa civil muna kayo magpakasal. Then we have your grand wedding kapag natapos na ang problema sa stepmother ni Sophia. Ano apo papayag ka ba? Yun lang ang paraan lara kahit ano ang gawin ng stepmother mo ay hindi ka maikakasal sa pamangkin niya." Baling sa akin ni lolo James.
"K-kung ano po ang mas makakabuti lolo, ayaw kompo talagang makasal sa lalaking iyon. Baka mangyari din kasi sa akin ang nangyari kay daady." Nag aalalang pahayag ko.
"Kung ganon magpapakasal kayo this weekend. Imbitahan nyo nalang ang mga malalapit na kaibigan nyo. Ako na ang bahala sa lahat. Jackson mula bukas ay magkakaroon na kayo ng mga bodygurads dahil siguradong magiging laman ng news ang mangyayari sa event." Sabi ni lolo.
"Yan nga rin po ang dahilan kaya kakausapin ko si Phoenix, magrerequest po sana ako ng mga bodygurads sa kanya. Gusto ko po talaga na magkaroon ng bodygurad si Sophia oras na inumoisahan namin ang pag iimbestiga sa stepmother niya." Sabi naman ni Jackson.
"Huwag kang mag alala apo hindi ka namin pababayaan." Paninigurado ni lolo James.
"Lolo sa bahay ko nalang natin ganapin ang kasal namin ni Sophia, doon na rin naman po kami titira pagkatapos ng kasal." Sabi ni Jackson. Pagkatapos ng masinsina g pakikipag usap namin kay lolo James ay nagpaalam na din kami dahil pupunta pa kami sa bahay ng kaibigan niya.
Habang nagdadrive si Jackson ay hawak naman ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko.
"Hindi ako makapaniwala na magkakilala pala kayo ni lolo." Aniya.
"Kahit ako naman hindi ko akalain na magkikita ulit kami ni lolo James. Sya lang madalas kong makausap noong nag aaral pa ako sa US. Hindi kasi ako mahilig lumabas noon. Madalas lang ako sa pa k malapit sa bahay. Don ko nakilala si Lolo at nagkataon nga na magkatabi lang yung bahay natinitirhan namin doon." Sabi ko.
"Nagpupunta rin ako doon, pero bakit hindi kita nakikita doon. Madalas nasa loob lang ako ng bahay kapag walang pasok. Hindi ako pinauuwi ng Pilipinas ni daddy noon. Ang sabi lang niya ay ayaw niya akong mapahamak. Nagtataka nga ako noon dahil graduate na ako at ayaw pa rin niya akong pabalikin ng Pilipinas. Yung bahay sa US si daddy lang ang nakakaalam. Yung abogado lang din ni daady ang tumawag sa akin at sinabing inatake si daddy." Kwento ko sa kanya.
"I think we need to talk to you lawyer, I'm sure He know something about it." Sabi niya.
"I'll try to contact him, hindi rin kasi niya naipaliwanag ang lahat nung binasa ang will ni dad dahil nagalit si Tita Vera nung nalaman niyang walang mapupunta sa kanya kaya hindi na tinapos ang pagbasa ng will. Nung sinabi ni Attorney na kalahati ng mamanahin ko ay mapupunta sa mapapangasawa ko ay ipinipilit kaagad ni tita Vera na ipakasal ako sa pamangkin niya. Sabi ni attorney hahanap sya ng paraan para maipaliwanag nya sa akin kung ano talaga ang nasa will ni daddy." Mahabang paliwanag ko.
Makalipas ang halos isang oras ay nakarating kami sa isang exclusive subdivision. Ang gaganda ng mga bahay. Halatang mayayaman talaga ang mga nakatira dito. Huminto kami sa isang glasshouse, actually mansion ito dahil sobrang laki. Kalahati lang ang mansion namin sa Cebu.
"Let's go babe." Aya sa aking ni Jackson ng mapagbuksan niya ako ng ointo ng kotse. Dumiretso kami sa pool side sa bandang likuran ng mansion.
"Bro, buti dumating na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay." Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Jackson na may buhat na baby.
"Si lolo kasi napasarap makipag kwentuhan kay Sophia. Oo nga pala mga guys this is Sophia my soon to be wife." Pakilala ko sa kanila.
"And babe they are my friends yung may hawak ng newborn baby ay si Phoenix and his wife is Hera yung may hawak din na newborn baby, kambal ang mga anak nila. Siya naman si Travis, he is a doctor. At yung may hawak din na baby girl ay si King and his wife Alex. Yung dalawang boys na yon mga anak din nila. Sila naman sina Calli, Maria and Rita." Pakilala niya sa mga kaibigan nya.
"Hello sa inyo. Nice to meet you all." Bati ko naman sa kanilang kahat.
"OMG! Ate Alex natatandaan mo po yung kinukwento ko sayo na pwedeng pwedeng moden ng wedding gown collection natin na parang manyika. Sya po yun, yung customer namin weeks ago." Bulalas ni Rita.
"Talaga? What a small world. Hello Sophia welcome to our circle of friends." Bati sa akin ni Alex. Lahat sila ay binati ako, ang babait nila at ang gaganda rin.
"Small world talaga guys, dahil magkakilala rin pala sila ni lolo. At magkapitbahay pa sila sa US dati." Sabi naman ni Jackson.
"Meant to be talaga kayo, dahil kahit anong gawin nyo ay connected kayo sa isa't isa." Sabi naman ni Hera.
"Sabi ko sayo eh makakatagpo ka ng magpapatino sayo." Dagdag pa nito.
"Grabe ka talaga sa akin Hera, naglilihi ka pa rin ba? Nakalabas na nga iyang kambal savage ka pa rin pagdating sa akin." Sabi naman ni Jackson.
"By the way, sa weekend na ang kasal namin. Minamadali ni lolo dahil kailangan naming maunahan ang plano ng stepmother niya. Gusto kasi ni lolo na ipakilala na siya sa mismong Charity event. Palagay ko ay may binabalak si lolo para maexpose ang plano ng stepmother ni Sophia. Kaya clear nyo mga schedule nyo this weekend okay." Sabi pa ni Jackson.
"Talaga? Paano ang preparation? Maraming kailangang ayusin Jackson." Sabi ni Hera.
"Civil wedding palang naman. Gusto lang ni lolo na kasal na kami bago lumantad si Sophia para wala ng habol ang Stepmother niya. Alam nyo naman na ang dahilan ng pag alis ni Sophia sa kanila diba? Lolo wants to make sure na magiging safe si Sophia. Kaya bro kailangan namin ng security para sa amin." Sabi ni Jackson.
"Hulaan ko bro mas apo pa ang turing ni lolo James kay Sophia kesa sayo." Natatawang komento ni Traviz.
"Tama ka bro, binantaan nga ako na once masaktan si Sophia mananagot ako sa kanya." Sabi naman ni Jackson na ikinatawa ng lahat.
"Saan gaganapin ang wedding nyo. Ako na bahala sa catering." Sabi ni Hera.
"Ako na sa susuotin nyo." Sabi naman ni Alex. "Basta papayag kayong maging model ng wedding collection namin." Sabi naman ni Alex.
"No problem, yun lang pala. Saka model nyo pa rin naman ako hanggang ngayon ah." Sabi naman ni Jackson.
"Diyan sa bahay namin gaganapin ang wedding namin." Dagdag pa niya.
"So dito ka na rin titira nyan bro. Sa wakas ay mag titira na sa pinagawa mong mansion." Sabi naman ni King.
"Oo bro mas safe kasi kung dito kami although safe din naman sa condo." Sabi ni Jackson.
"Mas mabuti nga kung dito kayo para hindi maiinip si Sophia dahil magkakapit bahay lang naman tayo." Sabi naman ni Alex.
"Pano ba yan Traviz, ikaw nalang ang single, dalin mo kaya sa Isla si Amara bro. Pwede kayo sa Paradiso free na para sayo. Ipapahiram ko na din yung chopper sayo." Kantyaw ni Phoenix kay Traviz.
"Mukang magandan idea yan bro." Sabi naman ni Traviz.
"Sabihan mo lang ako bro kung kailang ipapahanda ko yung isla." Sabi pa ni Phoenix at nag apir pa ang dalawa.
"Phoenix hiramin muna namin si Sophia ha. Tuturuan lang namin kung paano ang gagawin nya once na mahuli nyang may babae." Sabi ni Hera.
"Hoy Hera baka kung ano ano ituro mo sa babe ko magaya sa pagiging amazona mo." Sabi naman ni Jackson na tinawanan lang ni Hera.
"Hindi naman amazona ang sweetie ko bro. Sayo lang naman." Sabi ni Phoenix na sinabayan pa ng tawa.