Chapter 8

1126 Words
Sophia POV "Sigurado ka bang hindi tayo papasok bukas? Pwede naman tayong sa hapon nalang pumunta di ba? Marami pa kasi akong tatapusin sa office saka yung sa charity auction hindi ko pa napamigay yung ibang mga invitation." Sabi ko. "I can handle that. May may inutusan na ako para doon. At yung mga tatapusin mong reports hindi mo kailangang madaliin yon okay?" Sabi niya. "Ano nalang sasabihin ng mga empleyado mo? Na inaabuso ko kabaitan mo bilang boss ko? Na inakit kita?" Tanong ko sa kanya. "Wala akong paki alam sa mga sasabihin nila babe, wag ka mag alala ako ang bahala." Paniniguro niya. Hinigit niya ako palapit sa kanya at isinandig ang ulo ko sa dibdib niya. "Ang dapat nating isipin ngayon ay kung paano natin mailalabas ang mga itinatago ng madrasta mo." Sabi niya. "Ano nga ba ang dapat nating gawin? Hindi ko rin alam kung saan magsisimula. Lahat ng mga tauhan sa mansion ay mga tauhan nya. Mula ng mamatay si daddy ay isa isa na niyang tinanggal ang mga dati naming tauhan. Ang yaya ko nalang ang natitira. Sigurado ako na kapag tinawagan ko si yaya malalaman nilang kasabwat ko sya sa pagtakas ko." Mahabang pahayag ko. "Pagkagaling natin kay lolo, pupunta tayo sa mga kaibigan ko para mapagplanuhan kung ano ang mabuti nating gawin." Sabi ni Jackson. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagpaalam nang uuwi si Jackson. "Aakyat na ako sa penthouse oara makapagpahinga ka na rin. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. See you tomorrow." Aniya. "Okay, see you tomorrow. Good night!" Paalam ko sa kanya. "Goodnight." Sabi niya saka ako hinalikas sa noo. Napaka gentleman niya pagdating sa akin. Kaya hindi ako makapaniwala na kilala siyang playboy at ayaw sa commitment. Pagkaalis niya ay sinigurado kong naisara ko ng mabuti ang pinto. Kaagad akong naligo at nagpatuyo ng buhok par matulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Napatingin ako sa kaliwa kong kamay at tinitigan ang engagement ring na ibinigay ni Jackson. Napangiti naman ako ng maalala ko ang confession niya kagabi. Hindi ko talaga akalain na magkakagusto at mamahalin namin ang isa't isa sa maikling oanahon na magkakilala kami. Mabilis akong bumangon at ginawa ang aking morning routine para sana magluto ng breakfast namin ni Bella. Ngunit saktong paglabas ko naman ay may nagdoor bell kaya agad ko naman tinignan kung sino. "Good morning babe, I brought breakfast for us." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "Good morning." Sabi ko saka ko nilakihan ang bukas ng pinto pra makapasok sya. "Kagigising mo lang?" Tanong niya. "Oo, magluluto palang sana ako ng breakfast namin ni Bella. Maupo kana dyan, aayusin ko muna ang pagkain sa mesa." Wika ko. "Tulungan na kita." Sabi niy kaya hindi na ako tumutol. Pagkatapos naming maayos ang mga pagkain ay lumabas naman ng kwarto nya si Bell. "Good morning." Bati niya sa amin. "Wow ang dami mo namang niluto Sophia." Bulalas niya. "Dala ni Jackson lahat yan, maupo kana at kumain para hindi ka malate." Sabi ko naman. Kanya kanya na kami ng pwesto sa hapag kainan at sinimulang kumain. "Oo nga pala Bella, natanggap ko ang report ng mga evaluation sa lahat ng employee. And you are one of the top employees sa finance department. Keep it up you have a chance to be promoted as head of the department dahil magreretire na rin naman si Mrs. Diaz." Sabi ni Jackson na ikina excite naman ni Bella. "Talaga Sir. Promise pagbubutihan ko pa po ang trabaho." Sabi naman ni Bella. "Oo, kaya agahan mo na gumising sa umaga oara di ka nalelate." Sabi ko naman. "Grabe ka sa akin friend. Maaga naman na akong gumigising simula ng dumating ka diba?" Aniya. "Oo na nga lang." Pang aasar ko sa kanya. Natawa naman si Jackson sa inasal naming dalawa. "You can call me Jackson if we are not in the company. And Bella thank you for bringging Sophia in my company. Kung hindi mo sya tinulungan mag apply doon baka hindi pa rin kami magkakilala ngayon." Sabi ni Jackson. "Isa lang ibig sabihin non sir, I mean Jackson. You are destined for each other."sabi naman ni Bella. Matapos kumain ay nagpaalam nang aalis si Bella. Maraming dalang pagkain si Jackson kaya binaon nalang ni Bella ang iba para hindi na sya bababa sa cafeteria para maglunch. Niligpit ko na rin kaagad ang mga oinagkainan namin. Nandito kami ngayon sa veranda ng condo ni Bella, maaga pa rin kasi para pumunta sa mansion ng lolo niya. "Anong oras ba tayo pupunta sa lolo mo?" Tanong ko sa kanya? "Before lunch babe, nasabi ko na kasi kay lolo na doon tayo maglalunch." Sabi naman niya. "Ano kaya ang pwede kong dalhin para sa kanya? Ah, alam ko na! Magluluto nalang ako ng pochero." Sabi ko. Naalala ko kasi si lolo James na naging kapit bahay ko sa US nung nag aaral pa ako. Gustong gusto nya yung luto ko ng pochero. "Halika dali magluluto ako ng Pochero para naman may madala ako pagpunta sa lolo mo." Excited na wika ko. Sumama naman siya sa kusina at tinulungan ako na magprepare ng mga ingredients. "Luto na ito. Maliligo lang muna ko ha, sandali lang ako." Paalam ko kay Jackson. "Take your time maaga pa naman." Sabi niya. Halos 10:00 am na ng matapos ako magluto kaya nagmamadali na akong magshower at gumayak oara magpunta sa lolo niya. Nagsuot lang ako ng simpleng peach dress na hanggang tuhod ko ang haba saka pinarisan ko ng white sandals na 2 inches ang heels. Hinayaan ko nalang na nakalugay ang mahaba kong buhok. Nagmamadali na akong lumabas ng kwarto at oumunta sa kusina para isalin ang niluto ko sa isang container. Pero naisalin na pala iyon ni Jackson. Kumuha nalang ako ng isang oaper bag at inilagay doon ang container na pinaglagyan ng niluto naming pochero. "Let's go? Ani Jackson, binitbit na niya ang paper bag at inakay naman niya ako gamit ang kaliwang kamay niya. Dumiretso na kami sa basement kung nasaan ang kotse nya. Isang oras din ang naging byahe namin bago makarating sa mansion dahil matrafic na din. Nang dumatingnkami sa mansion ay sinalubong kami na kasambahay ng lolo niya. "Manang Len nasaan po si lolo?" Tanong ni Jackson. "Nasa library, pababa na rin iyon. Ito na ba ang nobra mo anak? Ay napakagandang bata. Masaya ako at may nobya ka na rin sa wakas." Sabi ni manang Len. "Opo manang, si Sophia po fiancé ko." Pakilala niya sa akin. "Nako matutuwa ang lolo mo panigurado. Sige at maupo muna kayo kukuha ako ng maiinom ninyo." Sabi niya. Iniabot sa kanya ni Jackson ang paper bag na bitbit niya. "Manang pakihain na rin po ito sa m sa." Bilin niya kay manang Len.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD