EBOMFH3: A Bet

1873 Words
Talagang pinagplanuhan na nina Nia at Nichollo ang lahat kaya pagkalipas ng tatlong araw ay nakahanda na silang magkakaibigan na magtungo sa Hawaii. Nang malaman naman ng mga magulang niya kung saan siya pupunta ay hindi na naman maiwasang mag-aalala ng mga ito. “Madel, sigurado ka na ba sa gagawin mo?” tanong ng Poppy niya. “Pops, I’m okay. You don’t need to worry about me,” natatawa niyang sabi dito. “Handa ka na bang harapin siya, ‘te?” tanong naman ni Bubu na nasa mukha din ang pag-aalala. Sa edad nitong disisiete ay halatang binata na talaga ito, malayong-malayo sa matabang kapatid niya, five years ago. At dahil nga nagbibinata na din ay may pagka-matured na din kung mag-isip. “May mangyayari ba kapag nagkaharap kami?” naiiling na tanong niya saka pagak na tumawa. “Come on guys, kailangan ko din namang gawin ito. Malay niyo naman makatulong pa sa nararamdaman kong sakit.” “Paano kung lumalala lang ang sakit niyan?” tanong naman ni Ren-Ren na nakataas ang kilay. “May magagawa ka pa ba kapag lumala iyan, Ate?” Hindi siya nakaimik. Tatlong araw na rin niyang tinatanong iyan sa sarili niya at hindi siya pinapatulog ng maayos at hanggang ngayon ay wala siyang maapuhap na sagot. Huminga siya ng malalim. “At wala ding mangyayari kung iiwasan ko ‘to. Kahit naman hindi mangyari ito ngayon ay mangyayari pa rin ito in the future, so bakit ko pa patatagalin, ‘di ba?” “Sige na, we trust you, anak,” sabi naman ng mommy niya at lumapit sa kanya para yakapin siya. “Mag-iingat ka doon at lagi kaming tatawag para kumustahin ka kaya lagi mo dapat hawak ang phone mo.” “Mm,” sagot niya at sunod-sunod namang yumakap ang Poppy niya’t mga kapatid. Pagkalipas lang ng ilang sandali ay narinig na nila ang busina ng isang sasakyan. That was her cue, it was Troy. “Good afternoon po,” magalang na bati ni Troy sa mga magulang niya. “Good afternoon too, mag-ingat kayo sa biyahe, okay?” bilin ulit ng Poppy niya. “Makakasa po kayo,” nakangiting sagot ni Troy at kinuha ang maletang hawak niya. Ilang sandali pa ay umalis na sila, ramdam niya ang panaka-nakang pagsulyap sa kanya ni Troy kaya nang hindi na siya makatiis ay inis siyang napasinghal at nagsalita. “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Pero kung katulad lang din ng mga sasabihin nila, shut your—” “I’ll always be with you, Madel, so don’t worry if ever you saw him,” putol nito sa sinasabi niya. Natigilan siya at matagal na napatingin lang kay Troy, ilang sandali pa ay napangiti siya. “I know, I can count on you. Thanks.” Minsan na silang napagkamalang magnobyo ni Troy, dahil sa lahat ng mga kaibigan niya ay ito ang laging nasa tabi niya at hindi siya iniiwan pero alam ng binata kung hanggang saan lang ang kaya niyang maibigay dito. Troy never mentioned of courting her or expressing strange feelings towards her. He always offers his shoulder and let her lean on it kahit na minsan ay nahihiya na siya dahil pakiramdam niya ay hindi na tama. Pero ang binata na mismo ang nagsabi na wala itong ibang gusto kundi ang makatulong na maghilom siya at maging okay, kaya ang tanging hiling lang din niya rito ay makahanap ito ng babaeng papahalagahan at mamahalin ito ng tapat. Pagdating nila sa airport ay nandoon na ang mga kaibigan nila at tanging sila na lang ang hinihintay. “Ang buong akala ko’y nag-date muna kayo,” nakangising sabi ni Theo at lumapit sa kanya para yakapin siya. Sa kanilang magkakaibigan tanging ito na lang at si Troy ang walang nobya, siyempre, excempted siya kasi kagagaling niya lang sa … Ipinilig niya ang kanyang ulo at iwinaksi iyon sa isip niya. “Magugulat ka ba kapag sinabi kong nag-date talaga kami?” nakangising sabi naman ni Troy. Tumawa lang si Theo at umiling. “It won’t happen, not even in your dreams, dude.” Sininghalan lang ito ni Troy, tinulungan ni Theo ang una na magbaba ng mga maleta nila at ibinigay sa staff na naroon para dalhin sa private plane na sasakyan nila. “Let’s go?” tanong ni Troy sa kanya. “Mukhang okay ka naman na, ah,” sabi ni Theo na tiningnan siya mula ulo hanggang paa tasa sunod-sunod na tumango. “Tama iyan, ipakita mo sa kanyang hindi ka na apektado. Kung puwede nga lang pagselosin iyon gagawin ko, eh,” nakangising sabi pa nito at kinindatan siya. Natawa naman siya, ibang klase talaga itong lalaking ito. He was the second person who says like that instead of worrying of how she felt. May mga ganitong klaseng kaibigan talaga sa mundo and for that, napaka-thankful niya. “Ang problema, kung kakagat ba ang bugok kapag pagselosin natin?” nakangising sabi naman ni Troy na nasa tabi niya at inalalayan siyang makaaktyat sa plane. “Wanna bet?” ani Theo na kumindat pa. “What’s your bet?” ani Troy na tila nasiyahan sa plano ni Theo. “Baka gusto niyo muna akong tanungin kung gusto ko ba iyang kalokohan niyo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila pero nakaukit ang magandang ngiti sa mga labi niya. Nagtawanan ang dalawang lalaki habang inaalalayan siya papasok ng eroplano. “O, bakit ang sayo niyo naman?” puna ni Dave sa mga kasama niya. “Nakaisip ng kalokahan,” naiiling na sagot niya at naghanap ng mauupuan. “Here, you’ll sit with me,” sabi sa kanya ni Troy. Tumango naman siya at umupo sa mahabang sofa. Nagsisunod naman ang mga kaibigan nila at umupo sa mga blankong upuan. Ang ikinaganda sa private plane na pag-aari ni Troy ay para lang isang maluwag na living room na may kanya-kanyang maliliit na mesa sa gilid ng mga sofa. May malaking flat-screen naman sa tabi ng pinto at sa dulo ay katapat ng lavatory ay maliit na bar counter at maliit na kicthen. “Ano’ng kalokohan iyon?” ani Jackson na tila naging interesado. “A bet,” nakangising sagot ni Theo. “A bet?” kunot ang noong pag-uulit ni Jackson. “What bet?” tanong din ni Jacque. Natawa naman si Theo at kakaiba ang kislap ng mga mata nito nang tumingin sa kanya. Napailing na lang siya at hinayaan ito sa gusto nito dahil sa kaibuturan ng puso niya ay gusto niya ring malaman kung talagang magseselos si Jeru sa gagawin ng mga ito. “Naisip ko lang naman na papagselosin ang gunggong,” nakatawa pang turan ni Theo. “That’s a good idea!” ani Dina na tumingin pa sa kanya. “Tch. Ang kapal naman ng apog niya kung magseselos pa siya pagkatapos ng ginawa niya kay Madel?” singhal ni Esteban. “Come on, Brad. Hindi mas matindi iyong resbak ‘pag nagkataon?” nakangising wika ni Troy. “Until now, we still don’t know his fcking reason why he did it and who the hell cares about it now? Let’s just try.” “At kapag napatunayan nating nagseselos siya? Anong susunod?” tanong naman ni Nia na nakisali na sa usapan nila. “Huwag niyong sabihing hahayaan niyong makalapit ulit iyong gagong iyon kay Madel?” salubong ang kilay na sabi pa nito. Nagkatinginan naman silang lahat at lahat ng mga mata ay napatingin sa kanya. “Bakit kayo nakatingin sa akin?” nakataas ang kilay na tanong niya sa mga ito. “Ano’ng gagawin mo kapag napatunayan nating nagseselos siya na may lalaking umaaligid sa’yo?” diretsahang tanong sa kanya ni Mesha. Huminga siya ng malalim at nagkamot ng ulo. “I don’t know,” sagot niya at nagkibit ng balikat. “Mahal mo pa?” tanong ulit ni Esteban. “Tinatanong pa ba iyan?” sabi naman ni Jacque. “Halata naman ‘di ba?” nakataas ang kilay na sabi naman ni Dina. Marahas siyang muling nagbuga ng hangin. “Alam niyo, kung alam niyo naman ang sagot, wag na kayo magtanong, okay?” “So, babalikan mo nga,” nakangiting sabi ni Nia. “Wala namang masama kung humantong sa ga—” “No way!” “Hell, no!” Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan niya. “Easy,” natatawang sabi ni Nia na itinaas ang dalawang kamay sa ere. “Hindi ako papayag na gano’n-gano’n lang iyon, ‘no!” nakahalukipkip na wika ni Dina. “Magdusa muna siya!” nakairap naman na sabi ni Jacque. “Guys, ang mabuti pang gawin natin ay tingnan muna natin ang sitwasyon. Baka naman kasi naka-move on na at nagiging OA lang tayo,” sabi niya pero sa kaibuturan ng puso niya ay ramdam niya ang pagbulusok ng matatalim na punyal sa duguan pa niyang puso. Huminga siya ng malalim. “She’s right,” sabat naman ni Nichollo. “But I like your plan—‘yung pagselosin si Jeru. Hindi ko alam kung matutuwa ba kayo o hindi sa sasabihin ko pero nang sinabi ko ang achievements ni Madel for almost five years ay may nakita akong kakaibang kislap sa mga mata niya. And he’s still single at minsan kong narinig ang personal assistant niya habang kausap ang butler ni Jeru na may sinaktang babae si Jeru dahil sa pagtangkang lumapit sa binata.” Hindi niya napigilang mapaklang tumawa sa narinig, muling nanariwa sa isip niya ang natagpuang senaryo nang surpresahin niya ito, five years ago. Maniniwala ba siya sa sinasabi nito? Ha! Like hell, I believe him! Umiling siya saka nagsalita. “Kung gusto niyong ituloy iyang plano niyong kalokohan, bahala kayo. I’ll just go with it, magiging ipokrita naman ako kung sasabihin kong wala na akong pakialam sa kanya at hindi ko na kailangan pang malaman ang dahilan ng ginawa niya sa akin. Pero kung anuman ang mangyari after we confirmed about it, bahala na. Kung makakailag ako sa pana ni Kupido, gagawin ko, pero kung hindi, hahayaan ko na lang muli ang puso ko. Mahirap kimkimin mag-isa ang sakit na nararamdaman ko sa napakahabang panahon, at least may pagkakataon akong magtanong na sa kanya.” “Don’t worry, nandito naman kami para back-upan ka,” nakangiting sabi ni Nia at lumapit sa kanya at niyakap siya. “I won’t let him hurt you again. Kapag ‘di mo na kaya, share mo sa amin ang sakit. Kahit pa sabihing ikakasal ako’t gusto kong maging masaya ang araw na iyon, I’ll be with you and cry with you, okay?” “Aw, nakakaiyak naman ang sinabi mo,” pang-aasar na sabi ni Jacque. “Tse! After ng kasal ko, I’ll give you the boquet, kailangan mo na ring makasal, Jacque. Ang tagal niyo ng engage ni Dave!” singhal nito kay Jacque. “Hey!” walang nasabi pa si Jacque kaya nagtago na lang ito sa dibdib ng katabi nitong nobyo. Nagtawanan naman silang lahat sa inasta nito. Oo nga naman, kasal na lang ang kulang sa dalawa, sa dami na rin ng pinagdaanan ng dalawa ay nakatitiyak naman siyang sa harap din ng altar ang dulo ng pasilyo ng relasyon ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD