EBOMFH4: Tattoo

1724 Words
EBOMFH4: Tattoo Pagkalapag ng eroplanong kinalululanan nila sa airport ng Honululu, Hawaii ay binundol ng matinding kaba ang kanyang puso ngunit pinilit niyang maging kalmado, kanina habang nasa biyahe pa sila ay napagdesisyunan na niyang haharapin niya si Jeru at tatatagan niya ang loob niya. Kailangan niyang maging malakas at huwag magpatalo sa sakit na nararamdaman niya, tama naman na siguro ang limang taon na pananahimik niya. “Okay ka lang, Madel?” tanong sa kanya ni Jacque. Tipid siyang ngumiti at tinanguan ito. “Stop worrying about me, I’m fine.” “Sasalubungin kaya tayo ng gunggong na iyon?” tanong ni Esteban nang makalabas na sila ng airport. “I don’t think so, hindi iyon agad haharap sa atin,” sabi naman ni Jacque. Nakita niya ang pamilyar na van na sinakyan nila ni Troy noon nang magpunta sila dito, tatlong van ang nakaparada sa harap nila at anim na chauffer ang sumalubong sa kanila para kunin ang mga bagahe nila. Nakasuot ang mga ito ng pare-parehong uniform na may nakasulat na Bluewind Suites at natigilan siya nang mapagtanto ang nakaukit na logo na nasa ibabaw ng pangalan ng resort. “Ako lang ba o talagang may kakaiba sa logo ng Resort?” tanong ni Dina na nakapilig pa ang ulo. “Hindi ba dapat, something like shore, waves or beaches which stands the resort’s name?” tanong din ni Jacque. “Wait, parang pamilyar iyan,” ani Mesha na biglang naningkit ang mga mata at tumingin sa kanya. “I remember now! I saw it in—” “Sumakay na tayo at gusto ko nang magpahinga,” putol niya sa sinasabi ni Mesha ngunit hindi pa rin nagpatinag ito at muling nagsalita. “It’s the same tattoo on your back with your initials!” “What?” gulat na turan ni Jacque at nanliit din ang mga matang napatingin sa kanya. “Bakit hindi namin alam iyon?” “Kailan kayo nagpa-tattoo?” tanong naman ni Dina. Tumalikod na siya at hindi na pinansin ang sunod-sunod na tanong ng mga ito. Maging ang mga lalaki ay pinagtulungan siya at hindi tumigil sa katatanong. It happened after they visited Jeru’s family, pabalik na sila sa school noon nang mapadaan sila sa isang tattoo shop kaya nagkayayaan sila ni Jeru and their tattoo was their sacred vow. Walang nakakaalam no’n kundi silang dalawa lang ngunit aksidente iyong nakita ni Mesha nang madatnan siya nitong nagbibihis sa kuwarto niya. Hanggang sa makarating sila sa mismong isla at sa tutuluyan nilang hotel suite ay hindi siya tinigilan ng mga ito. “For god’s sake let me rest!” angil niya sa mga ito. “No! We need to see it! Bakit hindi namin alam na may tattoo ka? Magkakaibigan tayo ng limang taon pero hindi mo man lang nabanggit na may tattoo ka? Come on, take off your clothes—fck! Why the hell did you do that?” angil ni Jackson nang batukan ito ni Dave. “Parang lalaki lang ang pinapaghubad mo, ah!” masama ang tingin na sita naman ni Esteban kay Jackson. Natigilan naman si jackson at nang ma-realize na mali ang sinabi nito ay nagkakamot ng ulo na apolegitic na tumingin sa kanya. “Sige na, Madel, ipakita mo na sa amin. Alam mong hindi ka namin titigilan hangga’t hindi namin nakikita iyang tattoo mo,” pamimilit ni Dina. Huminga siya ng malalim at walang nagawa kundi ang pagbigyan ang mga ito. “Antayin niyo ako dito,” sabi niya at pumasok sa isa sa mga silid at dumiretso sa banyo. Kumuha siya ng isang roba at hinubad ang suot niyang blouse. Pabaliktad niyang isinuot ang roba ngunit bago siya lumabas ay tiningnan niya muna sa salamin ang tattoo niya. It was the same as the logo of the Bluewind Suites, ang ipinagkaiba lang ay sa upper right and left bottom ay nakalagay ang pangalan nila ni Jeru na may maliit na heart at sa magkabilang bahagi naman ay ang simbolo ng constellation star nila pareho. Napabuntonghininga siya ng malalim at naramdaman na naman ang sakit sa puso niya nang maalala ang mga pangakong binitiwan ni Jeru habang hawak ang kamay niya at sabay silang nagpapa-tattoo. Mapait siyang napangiti at muling tumingin sa salamin bago lumabas ng banyo. Paglabas niya sa kuwarto ay nakita niyang nakaupo na ang mga ito at talagang matiyagang naghihintay sa kanya. Lumapit siya sa mga ito at tumalikod. “No way! It’s the same with the fcking logo!” bulalas ni Dina. “Oh my God!” ani Nia na naghintay din kasama si Nichollo. “Kailan nangyari iyan? Bakit hindi namin alam?” tanong naman ni Jacque. Huminga siya ng malalim bago sumagot. “It happened before he left me . . .” Napangiti siya nang may maalalang sinabi ni Jeru sa kanya. “Gusto niyang sa likod kami parehong magpa-tattoo—at the back where our hearts are located, he said for him it meant love and romance. It represent his affection, passion, and commitment towards me.” Natahimik naman ang mga ito, mabuti na lamang at nakatalikod siya sa mga ito kaya hindi nakikita ang sakit at pait na bumadha panandalian sa mukha niya. “Ayaw mong ipabura ang tattoo na iyan?” dinig niyang tanong ni Esteban. Umiling siya. “I won’t, iyan lang ang alaala na kahit papaano ay nakaramdam ako ng totoong pag-ibig.” Huminga siya ng malalim saka muling nagsalita. “Mauuna na akong magpahinga sa inyo.” Iyon lang at pumasok na siya sa kuwarto niyang pinasukan niya kanina. Nang maisara niya ang pinto ay sumandal siya doon at ilang sandaling nakatingin lang sa kawalan, gusto na naman niyang umiyak ngunit pinigilan niya. Ayaw niyang mag-alala na naman ang mga kaibigan niya kapag nakita ng mga itong namamaga ang mga mata niya kapag lumabas siya mamaya. Isang buntonghininga pa ang pinakawalan niya bago naglakad papunta sa banyo upang maglinis ng katawan. Paglabas niya ng banyo ay nakita niya ang kanyang maleta na nasa gilid ng pintuan, napangiti siya at kinuha iyon upang ayusin at ilagay sa cabinet na nandoon. Hindi niya alam kung ano’ng mangyayari sa mga susunod na araw sa kanya—sa kanila ng mga kaibigan niya at lalo na sa kanilang dalawa ni Jeru kapag nagkita ulit sila. Bahala ka na Lord. Pakibulungan na lang si Kupido na mag-ingat sa pagpana ng palaso at huwag munang pakialaman ang puso ko. **** Dahil sa halos 12 hours na biyahe nila ay ginupo si Madeline ng matinding pagod at tanghali na siya nagising kinabukasan, pagkatapos niyang maghilamos at gawin ang morning routine niya ay nagbihis siya ng simpleng maong shorts at loose shirt. Ipinusod niya rin pataas ang buhok niya at ang mga natirang hibla ng buhok niya ay inipit niya sa likod ng tenga niya. Nang makuntento sa itsura niya ay lumabas na siya ng kanyang kuwarto. “Good morning, Ems,” bati sa kanya ni Jacque nang madatnan niya ito sa kusina. “Coffee?” alok nito. “Mm, kagigising mo lang din?” tanong niya na umupo sa mahabang stool at hinayaan itong ipagtimpla siya ng kape. “Where are the others?” “The boys went with Nichollo, mukhang parating ang mga kamag-anak at kaibigan ni Nichollo kaya sinamahan na nila. I heard, some of our schoolmates are arriving also today,” sagot ni Jacque at lumapit sa kanya para ibigay ang kape niya. “Sina Mesha at Dina naman ay kasama ni Nia para maghanap ng mga variety ng bulaklak na gagamitin sa wedding venue.” “Bakit hindi ka sumama?” tanong niya at nagpasalamat sa kaibigan. “Nagpaiwan talaga ako dahil baka bigla kang magtaka na wala kang madatnan paggising mo,” sabi nito at umupo sa harap niya. “So, about that tattoo.” Natigilan siya at napatingin dito. “What about it?” kaswal na tanong niya rito. “Tutal tayong dalawa lang naman ang nandito, magtapat ka sa akin, Madel. Ano’ng plano mo sa oras na magkaharap kayo ni Jeru?” ani Jacque na sinusukat siya ng tingin. Humigop siya ng kape bago nagsalita. “I don’t know. But one thing’s for sure, ayoko ng gulo. If he says, hi, then I’ll say hi too. If he asks how have I been? I’ll say, I’m still in the process of moving on. Iyon lang, I won’t ask anything, tiyak namang hindi din siya agad-agad magpapaliwanag sa ginawa niya noon,” kaswal niyang turan. Matagal siyang tinitigan ni Jacque at tila pinag-aaralan kung nagsasabi siya ng totoo, mayamaya lang ay malalim itong nagbuntonghininga at umiling. “Bakit may pakiramdam akong umaasa ka pa ring babalik sa’yo si Jeru?” Malungkot siyang ngumiti at pinaglaruan ang hawakan ng mug na hawak niya. “Can you blame me? He was my first at kahit gaano kasakit ang nararamdaman ko sa ginawa niya ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya. Ganoon nga siguro kapag mahal mo ang isang tao, titiisin mo ang sakit huwag lang siya mawala sa alaala mo.” “That damn lucky bstard,” madilim ang anyo na sabi ni Jacque. “I really hope na sana mamatay siya sa selos kapag nakita ka niyang may kasamang iba.” Naiiling naman siyang napangiti at nagpatuloy sa paghigop ng kape niya kasama ito. Pagkatapos nilang magkape ay napagpasyahan nilang dalawa na mag-stroll sa buong isla, kahit papaano ay gusto din naman nilang makakita ng magagandang tanawin at i-enjoy ang sarili. Tinawagan ni Jacque ang mga kaibigan nila at sinabing aalis din silang dalawa at napagkasunduan na magkita-kita sa Tropix Bar and Grill. “Huwag mong sabihing lalabas ka na ganyan ang suot?” nakataas ang kilay na tanong ni Jacque na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Tiningnan din niya ang sarili niya at kahit wala siyang makitang mali sa suot niya ay tumango na lang siya. “Fine,” sabi niyang nakairap at bumalik sa kanyang kuwarto upang magbihis ng pang-swinming. Isang set ng high-waist printed two piece na kulay kulay ang isinuot niya saka muling isinuot ang loose shirt saka short pants, nagdala na rin siya ng shades para pamprotekta sa mainit na araw. “Let’s go,” sabi niya nang lumabas siya ng kuwarto. Hindi na niya pinansin pa ang nakataas nitong kilay nang makitang ganoon pa rin ang suot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD