EBOMFH 5: Jake Morris

1674 Words
EBOMFH 5: Jake Morris Tirik na ang araw paglabas nila sa tinutuluyang Hotel, kaya naman napagpasiyahan nina Madeline at Jaque na magpahid muna ng sunscreen bago tuluyang magbabad sa init ng araw. Pumasok sila sa isang department store at bumili ng sunscreen saka naghanap ng bench upang mag-apply ng cream sa buong katawan nila. “Saan mo gustong unang pumunta?” tanong sa kanya ni Jacque habang abala sa pagpahid ng cream sa katawan. “Uh, I don’t know. Let’s walk around and find some good spots to rest later. Or we can ask about that little island in the center of the resort,” sagot niya at itinuro ang maliit na islng natatanaw nila. “Okay. I must admit, this place is a paradise. Having that little island in the center of the resort is a tourist spot, tiyak akong kung anuman ang makikita doon ay kabigha-bighani. Tipid lang siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagpahid ng suscreen cream sa magkabila niyang legs. “You also need to put cream on your body, Ems. Mamaya niyan magkaayan tayo magswimming,” sabi nito at walang babalang hinawakan ang manggas ng suot niyang damit at inagat. “Hold on, Jacque. I’ll do it,” sabi niyang walang nagawa kundi hubarin iyon. She sighed helplessly and look at the grin on her lips. “Bakit ba parang ang init sa mga mata mo ang suot kong damit. Pagak namang tumawa si Jacque at naglagay ng cream sa palad nito at nilagyan ang likod niya. “Girl, kung gusto mong pagselosin si Jeru, kailangan mong ipakita ang kaseksihan mo at hayaang pagpiyestahan ng mga foreigner ang katawan mo.” Napailing siya. “Bakit pakiramdam ko ay gusto mo ‘kong ibenta sa mga lalaki dito?” Napabungisngis naman ito at nagpatuloy lang sa pagpahid ng cream sa buong likod niya habang siya naman ay nilagyan ng cream ang bandang leeg niya at ang impis niyang tiyan. “Hayaan mo silang maglaway, kung ako lang ang may ganitong katawan talagang ipagyayabang ko araw-araw!” “Whatever,” sabi niya at nang kukunin niya ulit ang damit niya ay nakangisi iyong inapakan ni Jacque. “What the hell, Jacque?” nanlalaki ang mga matang singhal niya rito. “Heh. Sorry, it slipped on my hand,” nakangising sabi nito saka pinulot ang damit niya. “Paano iyan, madumi na ‘to. Sussuutin mo pa rin ba?” “Damn you,” angil niya rito at imbe na magalit ay napasinghal na lang siya at inagaw dito ang damit niya. Wala siyang nagawa kundi tingnan na lang iyon at samaan ng tingin si Jacque. Marahas siyang napabuga ng hangin. Magsasalita na sana siya at sasabihin ditong babalik siya sa tinutuluyang hotel para palitan iyon nang marinig niyang may tumawag sa kaibigan niya. “Jacque? Is that you?” “Oh my god, Jake?” gulat at nanlalaki ang mga matang tawag ni Jacque sa lalaking nasa likod niya. “It’s you. What a small world,” tuwang-tuwa namang sabi nito at lumapit sa kanila. Naalala na niya ito. She saw him when they’re on vacation in Batangas. Alam ba nina Mesha at Esteban na nandito din ang kaibigan ng mga ito. “What a small world, indeed!” masayang turan ni Jacque na hindi napigilang yakapin ang lalaki. Mabuti na lamang at hindi nila kasama si Dave dahil ‘pag nagkataon ay pagseselosan pa nito ang lalaki. Naikuwento na dati sa kanila ni Jacque na isa si Jake sa tumulong dito para magkabati ito at si Dina. “What are you doing here? Are you with your girlfriend?” tanong ni Jacque sa lalaki. Tumawa naman ang lalaki at umiling. “I don’t have a girlfriend. Mag-isa lang akong nagpunta dito, a friend of mine is having his wedding and invited me to be their photographer.” “Photographer ka? Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ni Jacque, tila nakalimutan na yata na kasama siya nito. “I’m sorry, wrong timing kasi talaga nang magkakilala tayo noon.” Nagkakamot ng ulong sabi nito at napatingin sa kanya. “Oh, right, sorry. Do you remember her? She’s Madeline, Mesha’s best—hold on, alam ba nilang nandito ka?” tanong ulit ni Jacque. Nakangiting umiling si Jake. “Nandito din ba sila?” “Yes! Matutuwa ang mga iyon kapag nakita ka! May gagawin ka ba? You can come with us if you want,” alok ni Jacque sa binata. Sinulyapan siya ni Jake. “Okay lang ba talaga? Mas maganda ding maglibot kapag marami tayo,” nakangiting sabi nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti saka tumango. “It’s fine with me, but I need to go back first, kailangan kong palitan iyong—” “No need, no need,” agaw ni Jacque sa sinasabi niya at inakbayan siya. “Medyo malayo na rin tayo sa hotel, akin na iyang damit mo at ako na ang hahawak.” Inagaw nito sa kanya ang damit niya. Lihim niyang inirapan ang kaibigan niya, wala talaga siyang laban sa kalokohan nito. “What happened to your clothes?” tanong ni Jake na tiningnan ang t-shirt niyang hawak ni Jacque. “Ah, nadumihan kasi. Nakakahiya namang suotin iyon, di ba?” nakangiting sagot ni Jacque. Tiningnan siya ni Jake at nakita niya ang ang kakaibang kislap ng paghanga sa mga mata nito, gayunpaman ay naasiwa pa rin siya at nag-iwas ng tingin dito. Hindi talaga siya sanay na tinitingnan ng ibang tao. “Uhm, if you want you can use mine,” alok nito at at isa-isang tinanggal ang pagkakabutones ng suot nitong kulay puting Hawaiian shirt.” Nanlaki ang mga mata niya at hindi naiwasang pamulahan ng mukha dahil talagang naghubad ito sa harap nila ni Jacque. Tumambad sa harap nila ang maskulado nitong katawan at ang kumakaway nitong mabatong abdomen na talagang makaagaw-pansin. “Oh my god,” dinig niyang singhap ni Jacque. “Here,” nakangiting sabi ni Jake at inabot sa kanya ang shirt nito. “Don’t worry, hindi pa naman ako pinagpapawisan ng malala kaya mabango pa iyan.” Nag-alangan siya noong una kung tatanggapin niya iyon pero sa huli ay tinanggap niya din. Mas okay na iyon kaysa nakaladlad ang katawan niya habang naglilibot sila. “T-Thanks,” sabi niya at isinuot iyon. Lihim siyang napasinghap nang maamoy ang perfume na ginagamit nito. Shocks, he smells nice. “Okay lang ba talaga sa’yo? Sorry, naabala ka pa tuloy.” Nakangiti itong umiling at kinuha ang damit niyang hawak ni Jacque. “It’s alright. Ako na lang magsusuot nito, okay lang ba?” “M-Madumi na iyan, eh,” nahihiyang sabi niya. “That’s fine, lalaki naman ako kaya balewala lang sa akin ito,” sabi nito at isinuot ang damit niyang marumi. “Perfect!” sigaw ni Jacque nang tumingin siya rito ay kakaiba ang kislpa ng mga mata nito habang pumapalakpak at nakatingin sa kanila ni Jake. “It must be an angel that brought you here, Jake!” “Uh, what do you mean?” kunot-noong tanong ni Jake na tila naguluhan sa sinabi ni Jacque. Naiiling naman siya at inirapan ang kaibigan niya, siguro kung nakakamatay lang ang kaiirap niya kay Jacque ay kanina pa ito nakahandusay sa daming beses na iniirapan niya ‘to. Alam niya ang kung bakit ganoon na lang ang kislpa ng mga mata nito at kung bakit ganoon ang reaksyon nito. ‘Don’t mind here, let’s go?” sabi niya kay Jake at nauna nang maglakad. Naguguluhan man ay sumunod si Jake sa kanya, agad namang sumunod sa kanila si Jacque. Halos tatlong oras na silang naglilibot ngunit sa sobrang laki at lawak ng resort ay marami pa rin silang hindi napuntahan. Masayang kausap si Jake at sa loob lang ng tatlong oras na pagkakasama nila ay nakagaanan na nila ito ng loob, palabiro ang lalaki at hindi nauubusan ng kuwento. No wonder na naging kaibigan nito sina Mesha at Esteban. Kanina pa rin nila pinag-uusapan ang tungkol sa maliit na isla na nasa gitna ng resort. Nagawa na rin nilang magtanong-tanong sa mga ibang turistang katulad nila ay curious din sa islang iyon. “Sayang naman at off-limits ang islang iyon. I wonder if what’s in there,” sabi ni Jake na nakatingin sa kinaroroonan ng isla. “May ibang plano siguro ang may-ari sa islang iyon,” sabi niya na nakatingin din sa maliit na isla. “What plan? Did he tells you?” tanong sa kanya ni Jacque. “H-Ha?” Natigilan siya. “I thought that the owner of this resort seemed quite familiar, now I remember. He’s with you in Nasugbo, a few years back, right?” tanong din sa kanya ni Jake. Tumingin siya sa dalawang taong nakatingin sa kanya, gusto niyang batukan ang nakangising mukha ni Jacque na parang nagsasabing siya ang sumagot sa tanong ni Jake. Tumango siya. “Yes,” sagot niya. “Kaya ba kayo nandito for vacation?” tanong ulit sa kanya ni Jake. Umiling siya. “No. We’re here because our friend invited us to attend their wedding,” sagot niya. “That’s right,” nakangiti turan ni Jacque. “Just like you, so this must be fate. Don’t you think so, Jake?” Tawa lang ang isinagot ni Jake. “Are you guys hungry?” “Oh, that’s right. Magkikita-kita kami ng mga kaibigan namin sa Tropix, want to come with us? Tiyak na matutuwa sina Mesha at Esteban kapag nakita ka nila,” nakangiting pag-aaya ni Jacque sa lalaki. “Wala naman akong ibang gagawin, so why not?” nakangiting sagot ni Jake. “H-Hindi ka ba hanapin ng mga kaibigan mo?” nag-aalalang tanong niya rito. Umiling si Jake. “I already texted my friend na may na-meet akong dating mga kaibigan kaya mamayang gabi na lang ako makikipagkita sa kanila.” “Let’s go! Nagtext na si Dave at sinabing nandoon na daw sila sa Tropix at hinihintay tayo,” nakangiting aya ni Jacque sa kanila. Sabay-sabay silang umalis doon at nagpunta sa Tropix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD