EBOMFH 6: It only wants one thing

2093 Words
EBOMFH 6: It only wants one thing “Guys, we’re here!” sigaw ni Jacque nang makita nila ang mahabang mesa na kinaroroonan ng mga kaibigan nila. “I brought someone, look!” Lumingon naman ang mga kaibigan niya at ang boses agad ni Mesha ang sumalubong sa kanila. “Oh my god, Jake? What are you doing here?” salubong ni Mesha sa kanila at niyakap si Jake. “Wait, why did you smell like Madel?” kunot-noong tanong nito at muling inamoy si Jake. Natigilan siya at napailing, wala talagang nakakaligtas sa talas ng pandama sa babaeng ito. “Hey, dude. It’s nice seeing you here,” nakangiting wika naman ni Esteban na lumapit sa kanila at tinapik sa balikat si Jake. “Mm. Nice to see you too,” nakangiting sabi naman ni Jake. “I was accidentally meet Jacque on the way.” “Oo nga, nagulat din ako nang tawagin niya ako kanina,” sabi naman ni Jacque. “Where’s Dave?” tanong nito nang hindi mahanap ang nobyo nito sa grupo. “He’s with the others. Hindi na kami sumama nang malaman namin kung saan sila pupunta,” sagot ni Esteban. “Where did they go?” tanong ni Jacque. Sabay-sabay silang naglakad papunta sa dulo ng mahabang mesa. Wala ang ibang kaibigan nila doon ngunit may mga pamilyar siyang mukhang nakita doon. They’re all their schoolmates, binati siya ng mga ito at nagkamustahan. Muntik na siyang mapalundag nang biglang sumigaw si Mesha at tinapik pa siya sa balikat. “Now I remember it!” “Puwede ba’ng huwag kang manggugulat!” angil niya rito at napahawak sa dibdib niya. “Sorry naman, bigla akong may naalala, eh,” nakangising sabi nito at tumingin sa suot na damit ni Jake. “Ano na naman iyon?” aniya’t inirapan ito. “He’s wearing your shirt,” sagot nito. “Talaga?” tanong ni Esteban at napatitig sa suot na damit ni Jake. “Now that you mentioned it . . .” Marahas siyang napabuga ng hangin at naiiritang nagkamot ng sentido. “Aksidente kong naapakan iyong damit ni Ems kanina habang ina-apply-an ko siya ng sunscreen sa likod,” nakangising sabi ni Jacque. “Iyon din ang naabutan ni Jake kanina, babalik pa sana si Ems sa hotel para magpalit pero may kalayuan na din kami kaya nag-offer itong si Jake na ibigay ang suot nitong hawaian shirt kay Ems and wear that dirty shirt,” pagkukuwento nito. “So that what happens . . .” nakangiting sabi ni Mesha, nabasa niya ang kakaibang kislap ng mga mata nito nang tumingin sa kanya. “Yes!” sagot naman ni Jacque. “I told him that he’s our savior!” “Indeed,” nakangiting pagsang-ayon naman ni Esteban na inakbayan si Jake. “Timing na timing ang pagpapakita mo sa amin, brad.” “Kung anuman iyang kalokohan na nasa isip niyo, huwag niyo ng ituloy,” naiiling na sabi niya at hinarap si Jake. “Pasensya ka na.” Nakangiti namang umiling si Jake. “No worries, I’ve been known them at sanay naman din ako sa mga kalokohan nila.” “Jake?” sabay-sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa lalaki at nang makita nila si Chollo na palapit sa kanila ay nagkatinginan silang lahat. “Why are you here? Akala ko ba may mga nakita kang dating kaibigan?” nagtatakang tanong ni Chollo kay Jake saka tumingin sa kanila. Nagtataka din si Jake at nagulat nang makita si Chollo, nang maintindihan ang sitwasyon ay natawa ito at napailing. “Sila ang sinasabi kong mga kaibigan ko.” “Then that means, si Chollo ang sinasabi mong kaibigan mong nag-imbita sa’yo dito at kinuha kang photorapher?” maang na tanong ni Jacque na itinuro pa si Chollo. Nang tumango si Jake ay maging siya’y hindi napigilang mapasinghap sa sobrang gulat. Lihim siyang napailing at natawa, kapag talaga ang tadhana ang magbiro, wala silang ligtas lahat. “Paano niyo nakilala si Jake?” tanong ni Chollo sa kanila. “Mesha and I are his friends, and we meet in the States,” sagot ni Esteban. “Minsan siyang bumisita sa resort namin at doon niya nakilala sina Jacque.” Tumangu-tango naman si Chollo. “What a small world, anyways, that’s great. Hindi na kayo magkakailangan pa,” nakangiting sabi nito at tinapik si Jake sa balikat. Nagsidatingan naman ang iba nilang mga kaibigan at ganoon na lang ang pagbugos ng damdamin niya nang may mahagip ang kanyang mga mata. Biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya at kulang na lang ay hilingin niyang mali ang nakita niya, ngunit hindi magsisinungaling ang kanyang puso na pabilis ng pabilis ang pagtibok habang papalapit ang taong iyon. It was Jeru. Finally! “Madel, good thing you’re here. Can you come with me? May ipapakilala lang ako sa’yo,” nakangiting sabi ni Chollo sa kanya. “Who?” tanong ni Esteban na naging seryoso din ang mukha sa pagdating ng iba nilang schoolmates. “Ah, it’s them,” sagot naman ni Nia na biglang lumitaw sa tabi ni Chollo at tumingin sa kanya, tila nag-aalala kung ano’ng mararamdaman niya sa pagdating ni Jeru. Tipid siyang ngumiti at tinanguan ito para sabihing okay lang siya. Kailangan niyang ipakitang okay lang siya para hindi mag-aalala ang mga kaibigan niya at maiwasan din ang gulo ‘pag nagkataon. “Jake?” gulat na tanong ni Nia nang makilala ang katabi niyang lalaki. “Why are you here?” Natawa naman si Jake at nagkamot ng ulo. “He’s our friend,” sagot ni Jacque. “Oh, bakit hindi mo naikuwento sa aking kilala mo pala sina Jacque?” tanong nito kay Jake. “I have no idea, it’s just a coincidence that we’ve known each other,” nakangiting sagot ni Jake. “That’s good. Anyway, Madel, come with us, please? Gusto ka ulit makita nina Carlo, naalala mo iyong lalaking muntikan nang mambastos sa’yo noong nasa kolehiyo pa tayo?” nakangiting wika ni Nia. “Nambastos?” salubong ang kilay ni Esteban. “At gusto mong dalhin ulit si Madel sa kanila?” “Relax, dude. Gusto lang talaga nilang makita si Madel, they’re gentlemen now at malayong-malayo na sa mga tarantado kong kaibigan noon,” pang-aassure naman na sabi ni Chollo. “Alright,” sabi niya at tumayo na. Mas okay iyon kaysa ang maupo lang siya doon at pakiramdaman kung ano’ng gagawin ni Jeru ngayong nagkita na sila. “I’ll come with you,” ani Jake. “Yeah, you should,” naiiling na sabi ni Chollo. “Mukhang nagtampo si Louie nang piliin mong sumama sa iba kaysa sa amin.” “They’re your friend too?” tanong niya at natigilan nang alalayan siyang makatayo ni Jake. “Yeah,” sagot nito. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya ngunit bago pa man sila makalayo doon ay nagsalita si Jacque na halatang nilakas ang boses para marinig ng mga kasama nila. “Enjoy yourself, Ems!” Nagkatinginan sila ni Nia at nailing lang siya at sumunod sa mga ito, pilit binabalewala ang presensya ni Jeru at ang malakas na pagtibok ng puso niya. Lord, sana makayanan ko ‘to! “Guys, Madel’s here,” nakangiting sabi ni Nia sa mga kaibigan ni Chollo. “Teka, bakit magkasama kayo ni Jake? Do you know each other?” nagkakatang tanong ni Louie at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at kay Jake. “Magkakilala na kami dati pa,” sagot niya. Nagsisimula na siyang mairita dahil sa paulit-ulit na tanong ng mga kasama nila. “Kaibigan din siya nina Mesha at Esteban, they’re the reason why we’ve known each other.” “Dude, bakit ‘di mo man lang naikuwentong magkakilala pala kayo ni Madel,” baling naman ni Carlo sa katabi niyang binata. “I have no idea na magkakakilala kayo,” sagot naman ni Jake at ipinaghila siya ng upuan at inalalayang makaupo. Katabi niya si Nia at sa kanan naman niya naupo si Jake habang si Chollo ay sa tabi naman ng una. Nakaharap sila sa apat na kaibigan ni Chollo. “Enough,” pigil ni Jake nang magsasalita ulit si Carlo. “Nagsisimula na akong mairita sa paulit-ulit na tanong ninyo,” natatawa pa nitong sabi. Sinighalan ito ni Carlo at tumingin sa kanya. “How have you been Madel? I heard from Chollo that you own a café-bar?” Nakangiti siyang tumango. “It’s a partnership with Jackson and Jacque.” “It’s still the Coll Bratz,” singit ni Nami. “Hindi pa kayo napupunta doon?” Sunod-sunod na umiling ang mga ito. “I’ve been busy of my family’s business,” ani Louie. “Lagi akong nasa labas ng bansa para makipag-usap sa mga autotraders,” sagot naman ni Carlo na nagkibit ng balikat saka nakangiting tumingin sa kanya. “If you want to buy a car, just tell me, Madeline. I’ll hep you buy a good one with the cheapest price.” “Tamang-tama, ‘di ba nabanggot mong nagbabalak bumili ng bagong sasakyan si Pops?” tanong sa kanya ni Nia. Tumango siya. “Kapag bumalik tayo ng Pilipinas, kausapin ko ang mga magulang ko,” sagot naman niya. Nag-abot ng calling card sa kanya si Carlo. “Tawagan mo lang ako, okay?” “Mm, thanks,” sabi niya at kinuha ang calling card nito. Nagkumustahan pa sila doon at halatang iniiwasan ng mga itong mabanggit ang tungkol sa kanila ni Jeru na talagang ipinagpasalamat niya dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga ito. Pagkalipas pa ng ilang sandali ay lumapit na sa kanila ang mga waiter at ang mga pagkain. Nagpaalam siyang babalik na sa mga kaibigan niya dahil panay na ang kampay ni Dina sa kanya na tila may gustong sabihin sa kanya. Kahit hindi naman kailangan ay inihatid siya ni Jake sa mesa ng mga kaibigan niya, tuloy ay hindi na naman nakaligtas sa kanya ang mga nanunudyong tingin nina Mesha at Jacque. Nang bumalik si Jake sa mesa ng mga kaibigan nito ay saka lang siya inulan ng tanong ng mga ito. “Ano ba kayo, ‘wag niyong bigyan ng malisya ang ipinapakita ni Jake. Sadyang gentleman lang iyong tao,” sagot niya at nagsimulang kumain. “Kanina ko pa ito gustong itanong, eh,” sabi ni Dina na sinulyapan ang kinaroroonan ni Jeru kasama ang mga schoolmates nila noon. “Hindi ka apektado sa pagkikita niyo ni Jeru?” “Oo nga, kanina pa kita tinitingnan pero parang nawili kang kausap ang mga kaibigan ni Chollo,” sabi naman ni Jackson. “Hindi ka talaga apektado?” Huminga siya ng malalim at nilabanan ang sariling mapatingin sa gawi ni Jeru, kahit hindi siya tumitingin dito ay alam niyang panay ang sulyap nito sa kanya. “I told you, I’m okay,” sagot niya. “Mali kasi kayo ng tanong,” sabi naman ni Jacque. “Dapat ang tanong niyo ay kung kaya niyang harapin si Jeru.” Napatingin siya kay Jacque at napatingin naman sa kanya ang mga kaibigan niya. “L-Let’s just hope that it won’t happen,” sabi niyang nag-iwas ng tingin sa mga ito. “Hindi mo siya kayang harapin mag-isa? How about face him with Jake?” nakangising sabi ni Esteban. “Good idea,” nakangising sabi ni Theo na kararating lang at inakbayan siya. Siniko niya ito ngunit hindi man lang ito natinag. “Yeah,” sabi naman ni Troy na tumabi na din sa kanya. “Malay mo naman makatulong siya, so why not?” Napailing siya. “Talagang mandadamay pa kayo ng ibang tao sa kalokohan niyo.” “I’ll talk to him,” presenta ni Mesha. “I’m sure he’ll help us,” nakangiting sabi pa nito. “Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga kalokohan niyo,” sabi niya sa mga ito at tumingin sa pagkaing nasa harap niya. “Just go with the flow, Ems. Hayaan mong kami ang maghiganti sa pananakit ng ugok na iyon sa’yo. Hindi puwedeng pabayaan ka namin dahil pagdating kay Jeru, tiyak na bibigay ka kaagad,” ani Esteban at sinulyapan si Jeru na masayang nakikipag-usap sa mga dati nilang schoolmates. Huminga siya ng malalim at hindi na nagsalita pa. Pinagtutulungan na siya, may laban pa ba siya? Isa pa tama naman din ang sinabi ni Esteban, hindi niya magawang magalit kay Jeru sa kabila nang ginawa nito sa kanya. Wala, eh, when it comes to her heart, it only wants one thing. And that’s Jeru.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD