CHAPTER 4

870 Words
Matapos matuklasan ni Griffin Dax ang tungkol sa pagtataksil ni Mikaela noong araw mismo ng kaniyang kaarawan, napagdesisyunan niyang manatili pa rin sa tabi ng kasintahan kahit pakiramdam niya’y araw-araw siyang pinapatay sa isiping may ibang lalaki itong kinakatagpo. Naging mas malambing at mas maalaga siya kay Mikaela. Umaasang titigilan na nito ang pakikipagkita sa ibang lalaki. Hindi niya ipinaalam sa kasintahan na bistado na niya ang kataksilan nito. Simula din ng araw na iyon ay halos late na parati kung umuwi ang dalaga. Laging idinadahilan na abala sa kompanya. Ngunit ang totoo ay nakikipagkita muna ito sa iba ayon na rin sa taong binabayaran niya upang bantayan ang bawat kilos nito. Hindi nagtagal ay napagod si Griffin Dax. Sapagkat sa kabila ng pagmamahal, pag-unawa, at pag-aaruga niya kay Mikaela ay patuloy pa rin ang dalaga sa pakikipagrelasyon sa ibang lalaki. At sa halip na suklian ng kasintahan ang mga ginagawa niya, mas lalong nag-iba ang trato nito sa kaniya. Sa tuwing kakausapin niya si Mikaela, laging idinadahilan ng dalaga na priority nito ang mapalago ang sariling negosyo. Kagaya niya ay nais din umano nito na maging matagumpay. “Laro ba ang gusto mo? Sige, ibibigay ko ’yan sa ’yo,” tiim ang bagang na sambit ni Griffin Dax habang mariing nakatitig sa nakasaradong pinto ng banyo. Nagpupuyos sa galit ang dïbdīb na bumaba sa kusina ang binata pagkatapos magbihis. Hindi na niya hinintay pa si Mikaela upang makasabay sa hapunan. Kahit naman hintayin niya ang dalaga, hindi pa rin naman ito sasabay sa kaniya. “Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa ’yo, Mika. Pero bago kita hiwalayan, sisiguruhin kong mahuhuli mo muna ako na may iba ng pinagkakaabalahan. Para alam mo din kung ano ang pakiramdam na lokohin ng karelasyon,” aniya habang pababa sa hagdan. Dumiretso si Griffin Dax sa dining area. Habang papalapit sa hapag kainan, nalanghap ng binata ang mabangong amoy ng ginisang bawang. Biglang kumalam ang kaniyang sikmura. Habang papunta sa kusina, hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin ang kulay puting likido na nasa ibabaw ng mesa kung saan niya pinahiga ang kalahating katawan ni Djurzina nang magt4lik sila. Lumakad si Griffin Dax patungo sa cabinet na pinaglalagyan ng mga table napkin upang linisin ang mesa. Subalit bigla siyang napahinto nang may naisip siyang kapilyuhan upang biruin si Djurzina. “Mamaya na nga lang kita lilinisin,” aniya habang napapangiti. Pumunta siya sa kusina. Nadatnan nya si Djurzina na abala sa pagluluto ng kanilang hapunan. Pinagmasdan niya ang nakatalikod na dalaga. Mula sa itim at unat nitong buhok na lagpas sa balikat, bumaba ang mga mata niya hanggang sa balakang nito. Isang bulaklaking bestida na bahagyang hapit sa katawan ang suot ni Djurzina. Humahakab iyon sa makurbang balakang ng dalaga–lalo na sa maümbôk nitong pang-upo na madalas niyang pisilin at hampasin sa tuwing nagt4talik sila. Marahas na napalunok si Griffin Dax sa magandang tanawin na nasa harapan niya. Unti-unti niyang naramdaman ang muling pagkabuhay ng natutulog niyang sandata na kamakailan lang ay ibinaon niya sa mainit na lagusan ng dalaga. “Sht! Nakakapang-init talaga ang katawan niya!” aniya sa sarili. Humakbang siya palapit kay Djurzina nang hindi gumagawa ng anumang ingay. Itinaas niya ang dalawang kamay. Isinuksok sa ibaba ng kili-kili ng dalaga sabay kubkob sa malulusog nitong dïbdīb. “Ay!” Napaigtad si Djurzina. Agad na lumingon. “Ano ka ba, Kuya!” nandidilat ang mga matang sita ng dalaga. Itinaas nito ang sandok, at inambahan siya ng hampas. Sumilay ang isang pilyong ngiti sa mga labi ni Griffin Dax. “Sorry, nagulat ba kita?” pigil ang tawa na tanong niya sa dalaga. “Ang hilig mo na ngayong magpasimple kahit nandiyan si Ate Mika. Mamaya mahuli niya tayo,” sambit ni Djurzina sa nababahalang tinig habang pasilip-silip sa bandang likuran niya. “’Yon nga ang plano ko, eh. Para naman malaman din niya kung ano ang pakiramdam ng pinapaikot sa mga palad.” Patuya siyang ngumiti. Hinawakan sa balakang si Djurzina at hinila palapit sa kaniyang katawan. Mahigpit niyang ikinulong sa mga bisig ang dalaga upang ipadama ang epekto ng magandang hubog ng katawan nito sa kaniyang sistema. Namilog ang mga mata nito nang maramdaman ang naninigas niyang sandata. “A-Ang tïgas naman po niyan,” napapalunok na anas ni Djurzina sabay tingin sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Natawa siya sa naging reaksiyon ng dalaga. “Parang kanina lang takot na takot ka na baka mahuli tayo, ah! Tapos ngayon parang natatakam ka pa dito sa alaga ko?” nanunuksong sambit niya. Nagkulay kamatis ang mukha ni Djurzina. Mabilis na kumalas mula sa pagkakayakap ng binata. “Hindi no! Anong natatakam pinagsasabi mo? Nananaginip ka yata, eh!” pagkakaila nito, agad na tumalikod. Natawa siya nang mahina. Bahagyang humakbang at inilapit sa tainga ng babae ang kaniyang bibig. “Sige, sinabi mo ’yan, ah?” panunukso pa niya na lalong ikinapula ng pisngi ni Djurzina. Bago lumabas sa kusina, pangiti-ngiting kumuha si Griffin Dax ng isang balot ng whole wheat bread pati na isang pack ng sweetened condensed filled milk na paboritong palaman ng dalaga. Dinala niya ang mga pagkain sa dining area at pumwesto kung saan nakatapat ang puting likido na tumapon sa pahabang mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD