CHAPTER 5

747 Words
Walang kibo na inihanda ni Djurzina ang mga pagkaing iniluto niya para sa kanilang hapunan. Ramdam ng dalaga na nakasunod ang mga mata ni Griffin Dax sa bawat galaw niya. Naiilang siya sa ginagawa nitong paninitig subalit hindi niya iyon pinahalata. Lingid sa kaniyang kaalaman na may kalokohang pinaplano ang binata upang asarin siya, lalo na at hindi pa niya napapansin ang pinaghalong katas nila na tumulo sa mesa. “Ang ganda mo ngayon, Zi,” maya-maya ay sambit ni Griffin Dax habang nagsasalin siya ng tubig para sa sarili niyang baso. Nahinto sa pagsasalin si Djurzina. Maang na napatingin sa binata na nakapangalumbaba habang pinagmamasdan siya. “H-Ha?” Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Griffin Dax. Lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Pati na ang malalim na biloy sa kaliwang bahagi ng pisngi nito. “Ang sabi ko, ang sarap mo,” pag-iiba nito sa sinabi kamakailan lang. “Tsk!” Napanguso si Djurzina. “Ewan ko sa ’yo! Puro ka kalokohan!” “Bakit, masarap ka naman talaga, ah? Maganda pa!” nakangisi pang dagdag ng binata. “Gutom lang ’yan!” Pinandilatan niya si Griffin Dax. Kunwa’y naiinis siya sa ginagawa nito subalit ang totoo ay lihim siyang natutuwa sapagkat madalas na siya nitong bigyan ng atensiyon. “Wala ka bang tiwala sa sarili mo?” “Ewan ko sa ’yo! Diyan ka na nga! Tatawagin ko na si Ate Mika para makakakain na tayo!” Namumula ang pisngi na tinalikuran ni Djurzina ang binata. Dinig pa niya ang malutong nitong halakhak bago siya makalabas sa dining area. “Ano kaya ang nakain ni Kuya Griffin at napakaharot na niya ngayon sa ’kin? Dati naman hindi siya ganiyan,” nahihiwagang tanong ng dalaga sa sarili. Paisa-isa ang hakbang niya sa bawat baitang ng hagdan. “Magandang sign na yan, gurl! Dati nga nilalapitan ka lang at tatabihan kapag magkaaway sila ng jowa niya. At least ngayon, todo harot na siya sa ’yo!” ani naman ng kaniyang isip. Malapad siyang napangiti. “Sana magkagusto na siya sa ’kin. Sana ako na lang ang piliin niya kasi lagi na rin naman silang nag-aaway ni Ate Mika. Niloloko na nga siya nung tao tapos hindi pa niya magawang hiwalayan.” Malungkot na napabuntong-hininga si Djurzina. “Kung pwede ko nga lang hilingin kay Ate Mika na ipaubaya na lang niya sa ’kin si Kuya Griffin, eh. Kaso baka may masabi na naman na hindi maganda ang bruha na ’yon.” “O, bakit ka nagsasalita diyan ng mag-isa? Para kang sira ulo diyan, ah!” Napaigtad si Djurzina nang marinig ang malakas na boses ni Mikaela. “A-Ate Mika!” bulalas niya pagkakita sa kasintahan ni Griffin Dax. Huminto siya sa paglalakad. Napahawak sa dïbdīb na agad kinabahan dahil sa pag-aakalang narinig ng dalaga ang mga salitang binanggit niya. Dahil sa lalim ng kaniyang iniisip, hindi na niya namalayang nakaakyat na pala siya sa hagdan. “N-Narinig n’yo po ’yong sinasabi ko?” “Hindi, bakit?” Kumunot ang noo ni Mikaela.“May sinasabi ka sigurong hindi maganda sa ’kin, ’no?” Tinaasan siya nito ng kilay, at pinagkrus ang mga braso sa dïbdīb. “Naku! Hindi po! Nagkakamali po kayo!” Sunod-sunod siyang napailing. “Nagmumura po kasi ako kanina. Eh, baka kako narinig mo, nakakahiya po kasi. Baka isipin po ninyo na palamura ako sa sarili n’yong pamamahay,” pagsisinungaling niya. “Kadalaga mong tao palamura ka?” Tinapunan siya ni Mikaela ng mapanuring tingin. “Sabagay, laking iskwater ka nga pala. Ano ba ang aasahan ko sa ’yo?” pang-iinsulto pa nito. Nilagpasan siya ni Mikaela. Nakataas ang noo. “Sumunod ka na dito, kumain na tayo,” dagdag ng dalagang habang pababa sa hagdan. Nagtagis ang mga bagang ni Djurzina. Mariing ikinuyom ang mga kamao habang sinusundan ng matalim na tingin si Mikaela matapos siya nitong insultuhin. “Kung makapagsalita akala mo kung sino. Tumira din naman siya sa iskwater noon.” Matalik na magkaibigan ang ina nina Djurzina at Mikaela na sina Mary Jane at Ayezah. Parehong solo parent ang dalawa. Sa paglalabada sila binuhay ng kanilang ina. Si Ayezah naman ay isang waitress sa club–at nakapag-asawa ng matandang mayaman. Naging maalwan ang buhay nina Mikaela magmula ng ibinahay sina Ayezah ng kalaguyo nitong si Facundo. Subalit nagbago ang pamumuhay ng mag-iina nang mamatay ang matandang lalaki. Hindi maayos na napamahalaan ng kaniyang ninang ang mga negosyo na iniwan ng matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD