CHAPTER 6

1076 Words
“Kakain na tayo ng kanin tapos kumakain ka pa ng tinapay?” bungad ni Mikaela kay Griffin Dax pagpasok nito sa dining area habang tahimik na nakasunod si Djurzina. “Tapos pinalamanan mo pa talaga ng matamis?” dagdag pa ng dalaga. Umalsa ang dulo ng labi ni Griffin Dax, nanunuyang nag-angat ng tingin sa kasintahan. “Mukhang nagkakainteres ka na yata ngayon sa buhay ko, ah? Samantalang nitong mga nakaraan halos para akong hangin na hindi mo makita-kita.” “Tsk! Bawal ka na bang punain?” Hinila ng dalaga ang upuang nakatalaga para dito saka pabagsak na naupo habang nakatuon pa rin ang mga mata sa binata. “At saka tingnan mo nga ’yang kalat mo, para kang bata kumain! Nagkandatapon na ’yong palaman!” puno ng disgüsto na dagdag pa nito. Napatingin si Djurzina sa kalat na sinasabi ni Mikaela. Pinakatitigan ang umano’y palaman na natapon sa mesa. Ngunit maya-maya lang ay biglang namilog ang mga mata niya nang matitigan ang palaman. Madilaw o creamy yellow ang kulay ng sweetened condensed filled milk na ipinapalaman ni Djurzina sa tinapay, samanatalang ang likidong tinutukoy ni Mikaela na tumapon sa mesa ay creamy white. “Ang sarap kaya ng palaman na ’to. Nakakaadik.” Mula sa mesa, dumako ang tingin ni Djurzina kay Griffin Dax. Pinagdikit ng binata ang hintuturo at hinlalaking daliri, saka pinatakan ng sweetened condensed filled milk. “’Di ba, Zi?” nakangising dagdag pa ng lalaki. Dinala nito sa bibig ang dalawang daliri na puno ng palaman, isinubo at dinila-dilaan. Uminit ang magkabilang pisngi ni Djurzina nang sumagi sa isip ang mga panakaw na sandali nila ng binata. “K-Kukuha lang po ako ng basahan,” nauutal na paalam ng dalaga sa magkaisntahan. Tinalikuran niya ang dalawa, agad na lumakad patungo sa kusina upang kumuha ng basahan. Nayukong bumalik si Djurzina sa dining area tangan ang malinis na basahan. “L-Lilinisin ko na po itong kalat n’yo, Sir.” Dali-daling pinunasan ni Djurzina ang tumapong "palaman" sa mesa, pagkatapos ay dinampot ang tinapay pati na ang mga palaman na nakabalot pa sa plastic, saka walang paalam na ibinalik sa kusina. ““Kaya pala pangiti-ngiti siya kanina, may kalokohan palang gagawin!” nayayamot na ibinalik ni Djurzina sa lagayan ang tinapay at palaman. “Humanda ka talaga sa ’kin na gurang ka! Kakagatin ko ’yang hotdog mo sa susunod!” Dahil sa takot at pag-aalala na baka mahuli sila ni Mikaela, hindi na niya napansin na tumulo ang pinaghalong k4täs nila ni Griffin Dax sa mesa. “’Tong gurang na ’to, sa halip na punasan, nakaisip pa talaga ng kalokohan para asarin ako.” Naghihimutok na bumalik si Djurzina sa dining area. Ramdam pa rin niya ang pamumula ng kaniyang pisngi kaya hindi niya magawang tumingin kina Mikaela at Griffin Dax. Dahil sa inïs ni Djurzina sa lalaki, kaonti lang ang kinuha niyang pagkain upang matapos siya kaagad at maiwasan ang mapang-asar nitong ngiti. Ngunit hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng binata ang kaniyang ginawa. “Bakit konti lang ang kanin at ulam na kinuha mo, Zi?” Nagsalubong ang mga kilay ni Griffin Dax. Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tinidor habang nakatingin sa kaniyang pinggan. “A-Ano po kasi, hindi pa ako gaanong gutom,” pagdadahilan ni Djurzina, hindi niya pa rin magawang salubungin ang mga mata ng binata. “Hindi pwede, dagdagan mo ’yan.” Nagsandok ng kanin si Griffin Dax, dinagdagan ang kanin sa plato ni Djurzina. “Dito ka nakatira sa puder ko, Zi. Ayaw kong mangayayat ang mga taong kasama ko sa bahay. Mamaya sabihin pa ng mga kapitbahay ko ginugutom kita," dagdag pa nito sa pabirong tono. Kïnagát ni Djurzina ang ibabang bahagi ng kaniyang labi. Napayuko at mahinang umusal ng pasasalamat saka muling itinuloy ang pagkain. Maya-maya’y padabog na ibinagsak ni Mikaela ang hawak na kutsara at tinidor. Napaigtad si Djurzina. Kinakabahang nag-angat ng tingin kay Mikaela. “Wow, ha! May palayaw ka na pala sa katulong natin ngayon?” nang-uuyam na tinapunan nito ng tingin si Djurzina bago ibinaling ang mga mata kay Griffin Dax. Napayuko si Djurzina. Hindi akalaing mamatahin siya ni Mikaela sa harap mismo ng binata. Noon ay pinagsasalitaan lang siya nito ng hindi maganda sa tuwing sila lamang na dalawa ang magkasama, ngayon nama’y tila wala na itong pakialam kahit nasa harap pa ang kasintahan nito. “Hindi natin siya katulong, Mika. Pinag-aaral natin siya,” pagtatanggol ng binata sa kaniya. Nang makapag-asawa ang ninang niyang si Ayezah ng matandang mayaman, nangako ang ginang na tutulungan siyang makapagtapos ng pag-aaral. Subalit hindi nito nagawang tuparin ang ipinangako sa kaniya sapagkat hindi nito napamahalaan nang maayos ang mga negosyong iniwan ng yumaong asawa. Ngunit isang araw ay bigla na lang dumating sa kanilang munting tahanan si Ayezah kasama ang kaibigan niyang si Elyza. Muling nangako na pag-aaralin siya, ngunit sa tulong ng panganay nitong anak na si Mikaela. “Tumutulong naman talaga siya sa gawaing bahay, ah? Siya ang naglilinis at nagluluto dito, kaya katulong ang tawag sa kaniya.” “Tama na, Mika!” Bahagyang hinampas ni Griffin Dax ang mesa. “Kailan ka pa naging ganiyan, ha? Umangat ka lang ng kaonti naging mapangmata ka na.” “At ipinagtatanggol mo pa talaga siya, ha?” Padabog na tumayo si Mikaela. Iniwan nito ang pinggan na halos kakaonti pa lang ang nababawas. Malakas na napabuntong-hininga si Griffin Dax nang mawala sa kanilang paningin ang kasintahan nito. “Pasensiya ka na sa sinabi ni Mika. Hayaan mo, pagsasabihan ko siya mamaya,” hinging paumanhin ng binata. Ginagap ang isang kamay niya. “O-Okay lang po, Kuya,” naiilang na tugon niya. “Sana hindi n’yo na lang po siya sinigawan. Umalis na tuloy kahit hindi pa tapos kumain.” Nagpakawala siya ng isang tipid na ngiti. Dahan-dahang binawa sa binata ang kamay na marahan nitong pinipisil. “At saka medyo nasasanay na rin naman ako sa mga pang-iinsulto niya.” Subalit hindi niya iyon isinatinig. “Basta, kapag inulit niya pa ’yong ginawa sa ’yo kanina, sabihin mo lang sa ’kin. Hindi ko siya hahayaang insultuhin ka,” patuloy pa nito sa malambing na tinig. Tila hinaplos ang puso ni Djurzina sa tinuran ni Griffin Dax. Malapad siyang napangiti habang tumatango. Pagkatapos kumain ay magkatuwang na nagligpit ng mga pinagkainan sina Griffin Dax at Djurzina. Kahit ayaw niyang patulungin ang binata, nagpumilit pa rin itong tumulong sa kaniya upang mabilis umano siyang matapos at makapagpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD