Winston’s pov DUMAAN muna si Winston sa kanyang Agerre Grocery main branch. Kinausap niya muna ang manager ng kanyang groceries. Ibinilin niya ang lahat dito dahil hindi niya na iyon masusubaybayan dahil sa kanyang ginagawa. Tiwala naman siya kay Kath. Pitong-taon na itong manager ng Agerre Grocery at maayos naman nitong nagagawa ang trabaho nito. Napagkakatiwalaan niya rin ito pagdating sa pera. Pinaasikaso niya rin dito ang pagbebenta ng kanyang town house. Hindi na siya ligtas sa bahay na iyon kaya dapat lang ibenta niya iyon. Pagkatapos niyang asikasuhin ang mga kailangan ay binuksan niya ang lumang cellphone at tinawagan niya si Feonna. Kailangan niyang makipagkita kay Feonna. Kailangan niyang magpanggap na hiwalay na sila ni Sue upang magawa niya ang gagawing pag-iim

