Sue’s pov ILANG araw nang abala si Sue sa kanyang muling pagbubukas ng kanyang Antique Shop. Plano niya ring magbukas ng computer shop. Hinihintay niya lamang si Winston upang may makasama siyang mamili ng mga kailanganin niya. Isa pa sa problema niya ang ang electrical ng kanyang shop. Ayaw niyang magtake ng risk at baka maabo ang kanyang shop. Abala sa pagpupunas si Sue ng mga antique displays niya nang biglang may kumatok sa labas ng store. Isa lang ang inaasahan niyang darating. Ang electrician na si Mang Banjo. Nawala ang ngiti niya nang makita ang isang lalaki na kasing tangkad ni Winston sa labas ng kanyang store. Hindi si Mang Banjo ang nasa labas. Hindi naman ito mukha electrician dahil nakaporma ito. May itsura rin ito at sa tantiya niya ay halos kasing edad lamang

