Winston’s pov NAPAILING na lamang si Winston nang makita ang bagong kotse na bigay sa kanya ni Feonna. Toyota Fortuner iyon na kulay puti. Tinawagan pa siya nitong upang sabihin na ipapadala nito sa driver ang bago niyang sasakyan. Wala siyang makapang excitement sa ibinigay nitong sasakyan. Hindi iyon ang kailangan niya. Ang kailangan niya ay ang maging malaya sila ni Sue. Kinuha niya ang isa niyang cellphone at tinawagan si Sue. Namimiss niya na ang asawa. “Kumusta na ang maganda kong misis?” agad niyang tanong kay Sue nang sagutin nito ang cellphone nito. Video call iyon kaya nakikita niya ang mukha nito. Kasama nito ang ina sa tindihan ng mga ito. Napansin niyang naglagay ng headset si Sue sa tenga upang hindi marinig ng nanay nito ang kanilang pag-uusap. “Okay l

