"If you wanted to catch him, why are you dressed up like that?!" Ito ang pambungad ni Bee nang pumasok ako sa kanilang van. It was midnight. And cold. So I wore my big hoodie along with my black leggings and converse. Yep, I'm dressed pretty comfortably right now.
Napatingin ako sa suot niya at ni Hanna. O...kay. Naka-dress si Bee na para bang galing sa isang bar. It was fitted and it showed all her curves. Kanina pa tingin ng tingin si France sa kanya. Si Hanna naman ay mukhang galing sa kanyang trabaho with all her office attire and pencil skirt. Both looked very... seducing?
Napatingin ako sa suot ko. Uhm.
"What's wrong with this? It's not like he chooses his victims based on clothing," sabi ko. Pero actually, medyo kinakabahan rin ako dahil may punto rin sila. Maybe I should've worn something more appealing?
"Ugh, Heaven," Bee whined and rolled her eyes.
"Wala na tayong magagawa. Let's go," sabi ni John at sinarado na ang van. Raphael waved at us from outside as soon as the van moved forward. "So, Bee, you'll be at the park. France, you should be hiding in the trees. Call for backup as soon as you see something strange. Hanna, you'll be at the other side of town, yung madilim. Sans, go with her. And you," John paused and looked at me, "doon tayo sa school."
"Wait what?! Bakit tayo doon?" I whined. There's only a slight chance that he'll attack there! I mean, pinakamalaking chance ay doon sa park! Wait, no. Actually, this might work.
"He doesn't take his victims in the same place, Heaven. Also, he might be interested in schoolgirls," sabi niya and he shrugged. "I'll come with you, don't worry."
"Wow, I feel much safer," I said sarcastically.
"Good. Here." He handed me a handgun. Finally, we can use weapons now! Inipit ko lang siya sa pantalon ko and overlapped my big sweater over it.
"We'll be dropping you off first," sabi ni France at pagtingin ko sa labas ay nasa school na nga kami. Ugh.
"Tara na, Heaven," sabi ni John at nauna na siyang bumaba kasama ng kanyang sniper rifle. I don't know whether to be happy or not to be in the field. Since if I'm in the field, I wouldn't be able to use my rifle. But if I want to use my rifle, I have to be somewhere really far away. And I would miss all the action and stuff.
"Sa'n ka pupuwesto?" tanong ko. It was dark. The school looked menacing. Wala rin yung guard. Pero nakabukas ang gate. Wow, they should really fire that guy.
"Same as last time. Doon ka, para kitang-kita kita," sabi niya at humiwalay na siya sa akin.
I'm alone. I've never been a fan of the dark. At sobrang nakakatakot ang aura ng school ngayon. There are a few lights turned on inside the school though. Maybe it was some teacher overworking. Or a student.
Pero I'm just happy that I'm not alone-alone.
Umupo na ako sa isang bench. Napatingin ako sa pwesto ni John pero dahil madilim ay hindi ko rin makita kung naroon na siya. I sighed. I should've bought a book or something. Anong gagawin ko rito? Ugh.
Inilabas ko na lamang ang phone ko.
Five minutes inside the school and there's still no sign of any living. Wala yung guard. Some of the lights are still turned on though. Anong oras kaya balak bumaba ng kung sinong tao man ang narito ngayon?
Hay.
I decided to text someone. I don't even know if they're awake. I'm not talking about Riel though. He's asleep. Gusto ko sanang magpaalam sa kanya about this operation at midnight but I have a feeling that he won't allow me. Kaya I decided to sneak out when he's asleep. I just hope I can come back before he wakes up or I'll be in big trouble.
_._._._.
To: Unknown Sender
Psst. U awake?
_._._._.
I hit 'Send'. And then immediately regretted it. Really, Heaven? Sa lahat ng pwede mong i-text, siya pa talaga? Damn.
I groaned inwardly when I was too late to stop it from sending. Sana tulog. Sana walang magrereply.
My phone beeped. Ugh. I could only wish.
_._._._.
From: Unknown Sender
Good mornight princess. What are u doing up so early? Wait, don't tell u miss me alrdy? Aw. It's ok, i miss u too babe ;)
_._._._.
Okay. Immediately regretting everything. Hindi na lang ako nagreply. Baka tumigil na siya kapag hindi ako nagreply.
_._._._.
From: Unknown Sender
Psst! Grabe naman. Pagkatpos mo kong i-text, di mo na lang ako papansinin? Ouch </3 Anw, what r u up to?
_._._._.
Napailing na lamang ako. Nope. Don't reply, Heaven. He'll stop if you stop replying.
_._._._.
From: Unknown Sender
Aw c'mon babe. I know u cant resist me ;)
_._._._.
From: Unknown Sender
Wait. Wait. Are you actually on a mission right now?????????
_._._._.
From: Unknown Sender
Be careful, Heaven. Don't get hurt, ok? Of course, don't get killed. Good luck.
_._._._.
He stopped replying after that. Hindi ko alam kung bakit pero parang sincere yung last text niya. It actually triggered something inside of me.
Napatigil ako nang nakarinig ako nang mga yapak na papalapit sa akin. Naalis ang tingin ko sa phone ko. Wait, kilala ko siya. It's that girl from the park earlier. She's wearing a t-shirt, her hair was up in a ponytail and she's still wearing her big glasses.
"Hey! It's you! Dito ka rin ba nag-aaral?" gulat na tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat rin siya nang nakita niya ako.
"O-oh. H-hi. Oo," mahiyaing sagot niya. Aww, ang kyoti niya. Tumayo ako at hinila siya palapit sa'kin.
"Diba sabi ko wag kang gagala pag gabi? Maganda ka pa naman! Paano kung ikaw ang biktimahin ng killer r****t?" sabi ko sa kanya. I don't even know her name but I'm scolding her like I'm her mom.
She paled when she heard the name. "O-oh. Yeah. M-may pinakuha lang kasi s-sakin ang kaklase ko," sagot niya at inilabas niya ang isang notebook.
"Ah. Ok. You should go home," sabi ko. Napatigil ako. I don't want to send her out when it's this dark outside. Baka kung anong mangyari sa kan'ya. And it doesn't look like that the 'killer r****t' would appear here. Kanina pa ako naririto. "Samahan na kita," I said out of worry.
"T-talaga? No. I'm fine by my own, thank you," sabi niya at nagsimula na siyang maglakad.
"Hindi! I can't let you go! Baka mapahamak ka!" She looked so innocent and weak, I'm sure she doesn't have a chance against that r****t. I'll be flooded with guilt until I know that she's safe at home.
"No please, I'm r-really fine on my own," giit niya. "Wag mo 'kong sundan." Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumakbo. Panicking, napatingin ako doon sa pwesto ni John. Tapos ay sinundan ko ang babae palabas ng school.
Why is she running? I mean, I get it na nakakahiya pag may random na babaeng sasamahan ka sa pag-uwi, pero bakit mukhang takot na takot siya? It's not like I bite or anything!
She continued running, I continued following. I think it's best if I follow her secretly. I mean, at least this way I'm still protecting her right?
Medyo malayo-layo na rin ang natakbo namin. Tumigil siya sa tapat ng isang bahay. She looked relieved as she tried to catch her breath. But she paled again when she saw me. Napansin niyang sinundan ko siya.
"Hey. Sorry, I just wanted to make sure you were safe," sabi ko at nginitian siya.
Nagsimula siyang lumuha. Gulat na gulat ako nang nakita ko siyang umiiyak. Wait, why the hell is she crying?
"W-why? Bakit mo ko sinundan? Please, go away." Hindi ko alam kung anong pinagdaanan niya at kung bakit ganito ang reaksyon niya pero hindi ako aalis dito nang ganon-ganon na lang. Nilapitan ko siya at niyakap. I tried to make her calm down.
"It's okay. Hey, if you need someone to talk to, nandito lang ako, okay?" sabi ko. Mas lalo lang siyang humikbi.
"P-please... go away. Run."
Her behavior is really weirding me out.
Narinig kong bumukas ang pintuan. "Brienne, anak. Bakit hindi ka pa pumapasok?" Mayroong matandang lalaki na sumalubong. Oh, she must be her dad. So, Brienne ang pangalan niya.
"Tay..." takot na sabi ni Brienne. Why is she so scared? Baka ngayon lang siya nahuling magulang niya.
"Oh? Sino yang kasama mo? Papasukin mo naman 'nak," sabi ng tatay niya at nginitian niya ako.
"Good evening po," magalang na sabi ko.
"Pasok ka. Gusto mo bang magkape?" alok ng tatay niya.
Napatingin ako kay Brienne na mukhang paiyak na naman.
"Ay hindi na po, aalis na ako," sabi ko. "Salamat na lang po."
Napabuntong-hininga siya at nilapitan niya kami. "Brienne anak, papasukin mo naman ang bisita mo. Alukin mo ng pagkain," matigas na sabi niya.
Napakunot ang noo ko. "O-opo tay. Tara," sabi niya at kinuha ang kamay ko. Basa ito. Nanginginig rin siya. Binubugbog ba siya ng tatay niya? Kaya ba takot na takot siya?
Pumasok kami sa loob ng bahay. Silang dalawa lang ata ang nakatira dito. Maraming kalat. Mukhang hindi naglilinis itong dalawa.
"Anak, magtimpla ka naman ng kape," sabi ng tatay niya. Tumango si Brienne at nagpunta sa kusina. "Upo ka muna iha."
Sumunod ako sa sinabi niya at umupo.
"Gusto mo bang tanggalin ang jacket mo, iha? Mukhang naiinitan ka?" malumanay na sabi niya.
"Okay lang ako," matigas na sabi ko. Hindi ko gusto yung tingin niya sa'kin. Gusto kong tusukin ang dalawang mata niya. "By the way, anong ginagawa mo sa anak mo, tanda?" Nagbago ang tono ng boses ko.
Nagulat siya sa biglaang pagbabago ko. "Anong ibig mong sabihin iha?" tanong niya.
"Wag ka ng mag-maang-maangan," sabi ko at napairap, "Takot na takot sa'yo ang anak mo. Anong pinaggagawa mo sa kanya? Hindi mo ba alam na pwede kang makulong?"
Napatigil siya at maya-maya'y bigla na lamang tumawa. Ako naman ngayon ang nagulat sa biglaang pagbabago niya.
"Tangina, anong alam mo?! Wag kang mangialam!" galit na sabi niya. Napatayo na lamang siya. Pero hindi ako natatakot sa kanya. Kung akala niya matatakot niya ako gamit ang laki niya, hindi ito umuubra. Tumayo rin ako.
"Wala ka palang kwen—"
"Eto na ang kape." Pumasok si Brienne. Napaupo pa rin ako pero nanatiling nakatayo ang tatay. Inilapag niya ang dalawang baso sa harapan namin.
Kinuha ko ang isang baso at napaso agad ako. Hindi ko ito kinuha.
"DIBA SABI KO WAG MONG GAGAWING MASYADONG MAINIT ANG TUBIG?! ANG TANGA-TANGA MO TALAGA!" Nanlaki ang mata ko nang nakita kong sinampal ng malakas ng tatay ang kanyang anak. Tumalsik sa sahig si Brienne at nagsimulang umiyak.
"S-sorry 'tay, hindi ko po sinasadya," hikbi niya. Gulat na napatayo ako. Naubos na ang pasensya ko. At talagang sinampal niya pa ang babae sa harapan ko. He's freaking dead.
"UMUPO KA LANG!" hiyaw niya sa akin. Kinuha niya sa buhok si Brienne at natakot ako sa kaya niyang gawin sa babae. Umupo ako pero kating-kati na akong ilabas ang baril ko.
"IKAW! BAKIT NAPAKA-WALANG KWENTA ITONG DINALA MONG BABAE NGAYON?! KUNG MINAMALAS NGA NAMAN OH!" Nagulat ako nang hinampas niya ang ulo ng babae sa pader. Napatayo ako nang nakita ko ang dugo.
Teka, dinalang babae ngayon? Nagdadala ng babae si Brienne dito?
"UMUPO KA!" galit na sigaw niya. Hindi ako umupo. Naglabas siya ng baril na nakatago sa kanyang pantalon. "UMUPO KA SABI!"
Umupo ako nang itutok niya kay Brienne ang baril. Crap. I need to get her out of his reach. I can't make any move unless I know that she's safe.
"MAGHUBAD KA."
Okay, I'm definitely killing him. Inilapit niya ang baril kay Brienne nang hindi ako gumalaw. Napabuntong-hininga ako at nagsimulang tanggalin ang malaking hoodie ko. Buti na lang at may suot akong black na sando ngayon.
I removed my jacket slowly. Pinagmamasdan ko kung paano niya ako tignan. Nang makita kong wala na kay Brienne ang atensyon niya ay inalabas ko ang baril at ipinutok.