"Pakawalan niyo ako! Mga putangina!" Walang emosyon akong tumingin sa kanya. Nakatali ang kanyang dalawang kamay sa isang matibay na poste. Naririto kami sa 'basement' ng bahay nila Brienne. After I shot the wall near him so I'd catch him off-guard, I hit his head with the blunt end of my handgun. Nabitawan niya si Brienne at nawalan siya ng malay matapos ko siyang pukpukin ulit. Wala eh, matigas ang ulo niya. Sinabi sa'kin ni Brienne ang lahat. Noon, siya ang nire-r**e ng kanyang tatay gabi-gabi. Hanggang isang araw, nagdala siya ng isang kaibigan dahil mayroon silang group project na gagawin. Hinalay ng tatay niya ang kanyang kaibigan habang natutulog. Wala siyang nagawa upang tulungan ito. Kinabukasan, lumikas na sila mula sa bahay nila. Ang sabi ng walanghiyang tatay niya, hindi si

