Chapter 4

1770 Words
Sofie POV “Naghanda ako para sa pagpasok sa school ngunit nakapagtataka na hindi ko makita ang aking bag, maging ang mga libro ko ay wala rin. Sinisikap kong alalahanin kung saan ko inilagay ang aking mga gamit, hanggang sa maalala ko ang nangyari sa restroom kahapon sa school at ang panghaharang sa akin ng limang estudyante, hanggang doon lang ang naalala ko. Nagmamadali kong inayos ang aking sarili, kumuha ako ng bagong black cap at eyeglasses sa aking drawer pagkatapos mai suot ay mabilis akong lumabas ng bahay at nagmamadaling pumara ng taxi. Nasa bungad pa lang ako ng St. Angel University ay napansin ko kaagad ang kakaibang tingin na ipinupukol sa akin ng mga ilang estudyante. Makikita mo sa mga mata nila ang takot at galit para sa akin, sa bawat paghakbang ng aking mga paa ay siya namang pag-atrass ng mga ito. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagtuloy na lang ako sa paglalakad patungong restroom upang kunin ang aking mga gamit. Nasa pintuan na ako ay nakita ko ang gulat sa mata ng mga ilang estudyante sa loob, dahil sa biglang pagsulpot ko sa pintuan nagmamadaling lumabas ang mga ito. “Siya ba ‘yon? Grabe nakakatakot pala talaga..!” “ Oo nga, pero tingin ko deserve naman nila yun dahil mahilig silang mambully,” Ang narinig kong usapan ng dalawang estudyante na huling lumabas. Sinimulan ko ng hanapin ang aking mga gamit ngunit wala na ang mga iyon dito kaya lumabas na lang ako ng restroom at dumeretso na lang sa aming classroom. Papasok na sana ako sa pintuan ng tawagin ako ng aming professor. “Ms. Suarez in Principal office now..” ang sabi nito sa akin habang seryoso itong nakatingin sa akin. Sumunod na lang ako dito, nang makarating kami sa opisina ng aming Principal ay bumungad sa akin ang dalawang estudyante na namaga ang kanilang mukha. Nang magtama ang aming mga mata ay tila nanginig ang mga katawan nito dahil sa matinding takot, hindi makatingin ng diretso ang mga ito sa aking mga mata. “Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa Ms. Suarez nakapag desisyon na kami, you will be expelled from this school for the inhumanity to what you’ve done to some students yesterday. That’s why we need your guardian here as soon as possible,” ang sabi ng aming guidance counselor. Bahagya akong nagulat at naalarma sa kaalamang makakarating ito kay Dr. Samantha. “Kung anuman po ang decision nyo ay malugod ko pong tatanggapin.” Ang malungkot kong wika habang nakatungo. Hindi na ako nag-abala pang tapunan ng tingin ang kanilang mga mukha dahil alam ko naman na galit at pagkadisgusto lang ang makikita ko doon. Malungkot akong lumabas ng opisina at saka tinungo ang gate upang lumabas na ng eskwelahan. Wala akong maalala sa mga nangyari kahapon pero sa mga nakita ko sa mukha ng dalawang estudyante kanina ay mukhang malala ang bugbog na inabot ng mga ito. Dahil sa mga nangyari ay nakapag desisyon ako na lumayo, pupunta ako sa lugar na walang nakakakilala sa akin. Kailangan ko na ring lumayo kay Dr. Samantha dahil ayaw ko siyang bigyan pa ng sakit ng ulo at isa pa ayaw kong dumating ang panahon na mapahamak siya ng dahil sa akin. Pagkarating pa lang ng bahay ay kaagad kong inayos ang aking mga gamit, may savings pa naman ako na magagamit para makakuha ng bagong apartment. Saka ko na lamang iisipin ang pagpasok ko sa school dahil mukhang mahihirapan akong makahanap ng ibang school na tatanggap sa akin. May pagmamadali sa bawat kilos ko dahil alam ko na anumang oras ay tatawagan ng School ang aking guardian upang ipaalam ang mga nangyari. Nang matapos sa pag-aayos ay nag-iwan ako ng isang sulat para kay Dr. Samantha nakalagay roon ang lubos na pasasalamat ko sa lahat at ang kabutihang nagawa nito para sa akin. Nilingon ko ang kabuohan ng bahay bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon, pumara ako ng taxi hindi ko alam kung saan ako pupunta basta buo na ang desisyon kong lisanin ang bayan ng Isabela at makipagsapalaran sa lungsod ng Maynila, marahil ay hindi na ako mahahanap doon ni Dr. Samantha. Nang makarating na ako sa Siyudad ay bumungad sa akin ang mga nagtataasang building, namamangha ako sa aking nakikita inabot na ako ng dilim dahil sa layo ng aking nilakbay at kailangan ko ng makahanap ng bagong matutuluyan lumapit ako sa isang tindahan at nagtanong. “Ate may alam po ba kayong bakanteng apartment dito?” “Para sayo ba? Ilan kayong titira?” balik tanong niya sa akin “ako lang po mag-isa” ang magalang kong sagot dito. “Naku, suwerte mo at kababakante pa lang ng isang apartment sa dulo halika at ipapakita ko sayo” ang sabi nito sa akin. Nagmamadali itong lumabas ng kanyang tindahan, kasunod lang ako dito habang naglalakad kami. Mga ilang sandali pa ang lumipas ay huminto kami sa tapat ng isang pinto binuksan ng babae ang pintuan maging ang mga ilaw nito simple lang ang ayos ng bahay at medyo may kaliitan din may kwarto, sala’s at kusina kumpleto naman. “ bale 5,000 ang renta nito one month advance and one month deposit” ang sabi nito sa akin. kaagad kong iniabot ang pera sa kan’ya at nakita ko ang kasiyahan sa mukha nito. “ Oh, siya sige maiwan na kita rito iha kapag may kailangan ka or may problema man tawagan mo lang ako...’ ang nakangiti nitong sabi sa akin, bago ako nito iniwan. Nang mawala na ito sa aking paningin ay sinimulan ko ng ayusin ang aking mga gamit at dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ako. Maaga akong nagising ng nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ko ng bahay upang bumili ng makakain. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang karinderya, doon na lang muna ako bumili ng pagkain dahil balak ko na mamayang hapon na lang ako mamimili ng mga kakailanganin ko sa bahay. Habang hinihintay ang pagkaing inorder ko ay napansin ko ang malagkit na titig sa akin ng ilang lalaki. Nakadama ako ng takot kaya nagmamadali kong kinuha ang pagkaing nakabalot sa supot at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang daan pauwe.” Samantha POV “Hindi ko maintindihan kung saan hahanapin si Sofie kanina lamang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa School nito upang ipaalam sa akin ang ginawa nito sa mga ilang estudyante at ang pagkaka expelled dito. Nalaman ko rin na ang isa sa mga ito ay naka confine pa sa hospital dahil muntikan na itong mapatay ni Sofie ayon na rin sa kwento ng tatlong estudyante. kaagad akong nakipag-ugnayan sa pamilya ng mga estudyante at sinagot ang lahat ng danyos. Kasalanan ko ‘to masyadong akong naging kampante sa pag-aakala kong tuluyan na itong gumaling ngunit ngayon ko lang napagtanto na hindi pa lubos na magaling ang aking anak. Itinuring ko na itong isang tunay na anak kaya napamahal na sa akin si Sofie at ngayon ay nag-aalala ako para sa kan’ya. Lalo na’t bumabalik na naman ang sakit nito hindi ko sukat akalain na magagawa nitong umalis ng walang paalam masyadong malihim na sa kanya ang dalaga. May sakit si Sofie na split personality disorder at kailangan itong maagapan bago pa ito mapahamak at isa sa kinakatakutan ko ay ang makapatay itong muli. Nagbayad na ako ng mga taong maghahanap sa aking anak. Buong maghapon ang lumipas ay walang Sofie na nagpakita sa akin kaya napuno ng pag-aalala at pangamba ang puso ko para sa dalaga.” “Sa sobrang busy ko sa novelang pilit kong tinatapos ay hindi ko na namalayan ang oras at 7:00 pm na pala ng gabi. Bahagya na ring kumakalam ang aking sikmura kaya napilitan na rin akong tumayo at magbihis upang bumili ng mga kakailanganin ko sa bahay at mga ilang groceries na rin. Lumabas ako ng bahay na suot ang aking sumbrero at eyeglasses habang nakalugay ang aking mahabang buhok. Nakasuot lang ako ng fitted black shirt na pinatungan ko ng denim jacket at tinernuhan ng maong na pants eto lang naman ang alam kong suotin dahil mas comfortable ako dito. Habang naglalakad ay pasimple kong tinitingnan ang aking paligid dahil naninibago ako. Napakaingay pala ng Manila malayo sa lugar na aking kinalakihan. Maraming bata rin ang nagkalat sa lansangan na malayang nakakatakbo sa kalsada, maging ang ilang kanto ay may mga tambay at ang ilan sa kanila ay napapalingon sa akin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil ayaw ko ng atensyon mula sa ibang tao. Panay ang tingin ko sa aking paligid dahil hindi ko pa kabisado ang lugar na ito. Nang papaliko na ako sa isang kanto ay nagulat ako ng may biglang humila sa aking braso kasunod noon ay pagtakip ng isang kamay nito sa aking bibig kaya hindi ako agad nakasigaw. Pumulupot ang braso nito sa maliit kong baywang saka hinila ako sa isang bakanteng lote naaninag ko ang isang sirang bahay, medyo madamo na sa aming kinaroroonan. “Sabi ko sayo Pare jackpot tayo rito ang ganda at mukhang anak-mayaman,” ang sabi ng lalaking may hawak sa akin. Wala akong magawa kundi ang umungol lang dahil may takip ang aking bibig. “Oo pre at ang seksi pa bilisan mo para kami naman,” ang sabi ng kasama nito. Makikita sa itsura ng tatlong lalaki ang pagkasabik na maangkin ang aking katawan. “Subukan mong sumigaw kundi isasaksak ko ito sa lalamunan mo.” Anya ng lalaki sa akin habang nakatutok ang patalim na hawak nito sa aking leeg. “ k-kuya, maawa po kayo sa akin pakawalan n’yo na po ako..,” ang pagsusumamo ko dito, naramdaman ko ng punitin nito ang aking damit gamit ang patalim na hawak nito. “Huwag po parang awa nyo na po!” Nanginginig na ang katawan ko dahil sa takot ngunit patuloy lang ito sa ginagawa, hanggang sa tuluyan na nitong nasira ang aking damit maging ang aking bra ay sinira din nito. “Huwag po!” At pilit ko itong itinutulak ngunit isang suntok sa sikmura ang ibinigay nito sa akin, namimilipit ako sa sobrang sakit pakiramdam ko ay nawalan na ako ng lakas. Umiiyak ako habang nagmamakaawa naramdaman ko na hinahalikan nito ang aking leeg, itinaas nito ang patalim at itinutok sa aking mukha. “Sinabi ng huwag kang maingay!” Saka ipinagpatuloy nito ang ginagawa sa aking katawan hindi na ako makapagsalita ng makita ko ang pagkinang ng patalim mula sa liwanag na nanggagaling sa poste ng ilaw, hindi kalayuan mula sa aming kinaroroonan. Bahagya akong natigilan habang nakatitig sa patalim na nasa aking harapan...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD