Chapter 3

1759 Words
(Flashback) “Sa ilang araw na pananatili ko dito sa loob ng masikip na cabinet, unti-unting nawawala ang pag-asa ko. Makakaalis pa ba ako sa impyernong lugar na ito? Gusto kong sumigaw ngunit walang tinig na lumalabas mula sa aking bibig. Ilang araw na akong walang kain, kahit tubig man lang ay ipinagkait sa akin. Nanghihina na ang payat kong katawan maging ang aking mga mata ay wala ng mailuha pagod na ako! Pagod na ako sa araw-araw na pagmamakaawa para lang sa aking buhay. Umaasa ako na isang araw may darating na tulong’ na may magliligtas sa akin ngunit pagod na akong umasa paulit-ulit na lang’, Ipinikit ko ang aking mga mata tanda ng pagsuko. Sana, mamatay na lang ako para matapos na ang lahat ng paghihirap ko! habang nakapikit at naghihintay ng aking kamatayan ay nakarinig ako ng isang munting boses. “ Sofie! Sofie!” Sa dalawang beses na pagtawag niya mula sa aking pangalan ay nakadama ako ng kasiyahan, hindi na ako nag-iisa. “Sino ka!? Ikaw ba ang magliligtas sa akin?” Ang tanong ko sa kan’ya na tila nabuhayan ako ng loob, “ Oo, Ililigtas kita hindi kita iiwan, aalis tayo dito ng magkasama.” Ang nakangiti nitong wika. Pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?” Ang tanong ko sa kan’ya. “SAFIRE...” (End of flashback) Napuno ng halakhak ni Safire ang buong paligid ikinatutuwa niyang marinig ang pagmamaka-awa sa kan’ya ng limang estudyante. “Nanlilisik ang aking mga mata na nakatitig sa mukha ng apat na estudyante na nasa aking harapan. Namamaga ang mga mukha nila dahil sa mga sampal at suntok na inabot nila sa akin. Nakita ko ang isang piraso ng bubog mula sa nabasag na salamin, dinampot ko ang matulis na bagay na yon at hindi man lang ininda ang pagkakahiwa ng aking kamay mula sa bubog na mahigpit kong hawak. Walang tigil ang pagpatak ng aking dugo mula sa sahig habang dahan-dahang humahakbang papalapit sa apat na estudyante. Halos pigil na nila ang kanilang paghinga dahil sa labis na pagkasindak ng masaksihan nila kung gaano ako kabayolente. Kaya ng makalapit ako sa kanila ay tila nagulat pa ang mga ito at nagsimula na silang mag-iyakan ng hilahin ko sa buhok ang isa sa kanila. Sumisigaw sa sakit ang babae at pilit hinihila ang sariling buhok mula sa aking mga kamay, ngunit wala itong nagawa ng pati ang katawan nito ay makaladkad. Ipinasok ko ito sa loob ng isang cubicle at ikinulong ito doon. Nagmamakaawa ang babae habang humihingi ng tulong sa mga kasamahan nito. Bumalik ako sa kinaroroonan ng tatlo pang kasama nito, nararamdaman ko ang matinding pagkauhaw sa dugo, gusto kong makakita ng dugong umaagos sa aking mga kamay. Isang hakbang na lang ang layo ko sa mga ito ng bigla akong napahinto dahil sa pagsibol ng kakaibang pakiramdam sa loob ng aking katawan. Nagsisimula na rin ang panginginig ng aking mga kamay kaya nabitawan ko ang basag na salamin na gagamitin ko sana sa tatlo. Bumagsak ito sa sahig at napahawak ang duguang kamay ko sa aking katawan at halos takbuhin ko na ang pintuan ng restroom upang mabilis na makalabas. Basta ko na lang iniwan ang limang babae sa loob ng toilet at may pagmamadali ang bawat hakbang ko upang makaalis sa lugar na iyon. Sinamantala ng tatlong babae ang pagkakataon at kaagad silang tumayo. Tinungo ang isang kasamahan nila na nakakulong sa loob ng cubicle at pinagtulungan nilang buhatin ang isa pang nakahandusay sa sahig. Nagmamadali ang bawat kilos nila dahil sa takot na bumalik si Safire. Halos takbuhin nila ang labasan upang makalayo sa lugar na ‘yon. Isa lang ang tumatak sa kanilang isipan hindi na nila kailanman nanaisin pa na makita ang malademonyong mukha ng babaeng iyon. “Nang makarating sa aking bahay ay mabilis kong tinungo ang kabinet at saka hinalungkat ang loob nito. Ngunit wala akong nakitang gamot na maaaring magpakalma sa aking katawan. Nagsisimula ng mag-init ang aking pakiramdam. “Ahhhhhh!” Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang inis kaya malakas kong hinawi ang lahat ng gamit na nakita ko sa ibabaw ng aking aparador, kaya nagkalat ang mga ito sa sahig. “How so stupid you are Sofie! Kahit kailan ka talaga napakatanga mo...” Ang galit kong sabi, dahil mukhang nakalimutan nitong bumili ng gamot. Nagmamadali akong pumasok ng banyo at kaagad na binuksan ang shower bago itinapat ang aking katawan sa malamig na tubig kahit suot ko pa rin ang aking uniform. Ngunit hindi pa rin naging sapat ‘yon at nahihirapan na ako sa aking nararamdaman. Nagsisimula ng mag-init ang aking katawan habang pilit na iniipit ang nasa pagitan ng aking dalawang hita at isang ungol ang nanulas sa aking mga labi habang hinihimas ko ang aking mayamang dibdib. Iba ang gustong mangyari ng aking katawan at pakiramdam ko ay mababaliw ako hangat hindi ko nakakamit ang bagay na ‘yon. Hindi naging sapat ang mga ginagawa ko sa aking sarili kaya naiinis na pinunit ko ang aking suot na damit bago tinanggal ang lahat ng saplot sa aking katawan. Binuksan ko ang gripo sa bathtub upang mapuno ng tubig ito. Lumabas ako ng banyo para kumuha ng maraming yelo sa ref pagkatapos ay mabilis akong bumalik sa bathtub at binuhos ang maraming yelo. Nang makuntento ay ini lubog ko ang aking sarili sa malamig na tubig mga ilang minuto ang lumipas ay medyo kumalma na ang aking pakiramdam. Napapansin ko na madalas akong sumpungin ng aking sakit at habang tumatagal ay lalong lumalala ito. Kung noon ay mabilis itong nawawala sa pamamagitan ng simpleng pagpapaligaya ko sa aking sarili ngayon ay hindi na sapat ang bagay na iyon. Dahil sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko na namalayan ang pagpikit ng aking mga mata.” (Flashback) “Pawang mga ungol ang aking naririnig mula sa labas ng cabinet at ang tila pagsasalpukan ng mga bagay na hindi ko maintindihan kung ano ang mga iyon. Sa mga sandaling ito ay para akong isang bulag tanging pandinig lamang ang gumagana sa akin ang mga mata ko ay walang ibang makita kundi pawang kadiliman. “Ahhhhh...’ Ohhhhh...” narinig ko ang pag-ungol at halinghing ng isang babae, daing na wari mo’y nasasarapan at ang mga daing na iyon ay nakakaapekto sa aking buong pagkatao. Halos araw-araw ko itong naririnig, maya-maya’y naging tahimik na ang paligid at makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto. Tanda na may lumabas na tao, kasunod noon ay katahimikan, mataman kong pinakikiramdaman ang aking paligid ngunit nasindak ako sa biglang pagbukas ng cabinet at bumungad ang mukha ng isang lalaki, habang nakapaskil sa kanyang mga labi ang malademonyo nitong ngiti...” (End of flashback) “Ahhhhh...!” Kasabay ng aking pagsigaw ay ang biglang pagbangon ko mula sa bathtub. Hinihingal na inililibot ko ang aking paningin sa buong paligid at nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong nasa bahay na ako. Napansin kong namumutla at nagungulubot na ang aking balat sanhi ng matagal na pagkakababad sa tubig. Napansin ko rin ang sugat sa aking kanang palad kaya agad akong umahon sa bathtub at hubo’t hubad na naglalakad patungo sa aking mga drawer upang gamutin ang sugat ko sa kamay. Nagulantang ako ng makita kong magulo ang aking kwarto, maging ang aking mga gamit ay nagkalat sa kung saan nakaramdam ako ng takot at pangamba “H-hindi! n-nagbalik siya! anong gagawin ko!?” Natataranta na nag palakad-lakad ako, paroot, parito ang aking ginawa. Dahil wala akong maalala sa mga nangyari ay hindi ko alam kung anong ginawa ni Safire habang kontrolado nito ang aking katawan, kinakabahan ako na baka may napahamak na naman ng dahil sa akin. “Huwag naman sana.” Ang piping dalangin ko. Sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit na nagkalat, nilinis ko na rin ang buong bahay. Sa edad na 18 ay namuhay na akong mag-isa nakiusap ako sa doctor na umampon sa akin na gusto kong bumukod. Total naman ay magaling na ako at kaya ko na ang aking sarili. Hindi na rin ako umaasa sa kan’ya dahil isa akong writer at sapat na ang kita ko sa pagsusulat para buhayin ang aking sarili. Minsan ay hindi ako lumalabas ng bahay maliban na lang kung papasok sa school or mamimili ng mga kakailanganin ko. Isang beses sa isang buwan kung dumalaw sa akin si Dr. Samantha upang ako’y kumustahin. Nang matapos sa paglilinis ay sinimulan ko na ring magluto dahil alas-onse na ng gabi at nakakaramdam na rin ako ng gutom. Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa magkakasunod na doorbell na aking narinig. Nagmamadali akong bumangon at tinungo ang pinto, pagbukas ko palang ay bumungad na sa akin ang nakangiting mukha ni Dr. Samantha. “Happy birthday Sofie!” Ang masaya nitong bati sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid dito upang ipakita na kahit papaano ay na-appreciate ko ang effort nito. Dahil sa totoo lang ay hindi ako masaya na ipagdiwang ang aking kaarawan dahil pinagsisisihan ko kung bakit isinilang pa ako sa mundo. Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ng tuluyan si Dr. Samantha. “Kumusta ka naman dito? Wala ka bang naging problema? Yung mga gamot mo iniinom mo ba sa tamang oras?” Ang magkakasunod nitong tanong sa akin. Napakabait nito at masyadong maalalahanin itinuring ako nito na isang tunay na anak kaya ito lang ang nag-iisang tao na pinahahalagahan ko. “Opo, maayus po ang kalagayan ko dito wag po kayong mag-alala.” Nakangiti kong sagot dito. Nakaramdam ako ng kaba na baka mahalata niya na nagsisinungaling ako, ayaw ko na kasing bigyan pa ito ng problema. “Oh siya’ kumain muna tayo bago ako umalis marami kasi akong pasyente ngayong araw.” Masaya naming pinagsaluhan ang pagkaing dala ni Dr. Samantha at ng matapos kami sa pagkain ay kaagad din itong umalis. Ang bilis ng panahon ngayon ay 19 years old na ako at anim na taon na ang lumipas simula ng mangyari ang aksidenteng iyon. Wala rin akong maalala noong mga panahon na ‘yon wala ring makakapagsabi kung ano talaga ang tunay na nangyari basta nagising na lang ako na nasa pangangalaga na ng mga Social Worker. Pilit ko mang ibaon ang lahat sa limot ngunit hindi naman ako pinapatulog ng aking mga panaginip mula sa nakaraan. Nagulat ako ng maramdaman ko ang tubig sa aking mga paa umaapaw na pala ito mula sa lababo, ganoon na ba talaga kalalim ang aking mga iniisip at maging ang gripo ay nakalimutan ko ng patayin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD