__Sandra’s POV__ “Bakit sobrang sakit ng ulo ko..” reklamo ko ng magising ako. Hawak ko ang aking ulo. Gulo-gulo pa ang buhok ko na para bang ilang araw akong hindi naligo and this is not smells good. “Finally, you’re awake—“ Nagulat ako at napatingin sa nagsalita. Si Hans lang pala. Nakatayo siya habang nakasandal sa pader, magkakrus ang braso habang nakatingin sa akin. Shocks! Nakakahiya! Maisip ko pa lang ang hitsura ko ngayon ay parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa! “K-kanina ka pa ba dyan?” Nauutal pang tanong ko. “What do you think?” Sagot niya pa habang natatawa. Galit ba siya? O baka pinagtatawanan niya talaga ang hitsura ko sa kanyang isip! Shocks! Hindi ko kinaya! Kaya naman humiga ulit ako at nagtalukbong na lang ng kumot! Ewan ko! Bigla akong nakaramdam

