Chapter 18

1321 Words
“Nope.. "Yeah, you threw up on me.. but I want you to remember what you said to me last night." Napakunot ang noo ko. Ano ba kasing sinasabi niya na sinabi ko daw? Eh, ako nga mismo ay hindi ko maalala. Isa pa, lasing na lasing kaya ako kagabi. Kahit nga ang pag-uwi ay nawala na rin sa utak ko. “May sinabi pala ako sa’yo? Bakit hindi mo na lang ipaalala. Isa pa, ganun ba talaga kaimportante ang sinabi ko para papuntahin mo pa ako dito at interogahin?” Nakakunot ang noo na sabi ko. Naiinis na rin kasi ako. Masakit na kasi ang ulo ko tapos mas lalo pa niyang pinapasakit dahil gusto niyang alalahanin ko yun. He became silent for a moment. He’s staring at me like I’m denying something. “Very important, Alex..” Mas lalong napakunot ang noo ko. Bigla na rin tuloy akong napaisip kung ano yun. Nakaramdam na rin ako ng kaba dahil baka sa sobrang kalasingan ko ay nasabi kong hindi talaga ako ang mahal niya, na hindi talaga ako si Alex, na hindi ako ang tunay niyang asawa. Tumikhim ako at ngumiti ng bahagya pero hindi nawawala ang kabog ng dibdib ko. “Uhmm.. masama ba ang sinabi ko? What is it? Tell me—“ “Well, it’s not like that..” “Bakit ba ayaw mong sabihin? Bakit mas gusto mo pang alalahanin ko?” “Basta.” Nagbago ulit ang awra ko. Kumunot na naman ang noo ko dahil naguguluhan na talaga ako sa kanya. Maybe, hindi yun ang nasabi ko. May iba pa siguro? “Okay, give me some time. Malay mo naman maalala ko ulit,” sabi ko na lang para matapos na ang usapan naming dalawa. Tatayo na sana ako ngunit nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. “Stay..” “Ha?” Naguguluhang saad ko sa kanya. “I said, stay. Saan ka ba pupunta?” “A-ano.. aalis na—lalabas na.” Mas lalo akong naguluhan sa inaasal niya ngayon. “Dito ka lang muna,” aniya. “Okay—okay.. fine.” Inagaw ko ang kamay ko sa kanya. Bumalik ako sa pagkakaupo ko. Namuno ang katahimikan. “You said last night that you have a secret? That you’re not—“ “What? May sinabi akong ganyan?” Napatayo na ako ng mabilis this time! Shit! Nasabi ko ba na hindi ako si Ate Alex? "Exactly, but you couldn't finish what you were going to say because you threw up. Now, I want you to continue what you were going to tell me last night." “No need, Hans. Ang ibig kong sabihin dyan, I’m not malakas talagang uminom kahit na nasa club ako palagi noon,” tila may paninindigang sabi ko. Mabuti na lang pala at nagsuka ako kagabi, paano na lang kaya kung hindi? “Really? Yun lang yun?” Aniya na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. “Oo, yun lang yun. Hindi ba halata na mahina talaga ako sa alak. Actually before talaga ay nagpapanggap lang akong malakas uminom pero hindi naman talaga. Pagkakauwi ko talaga sa bahay ay sumusuka ako, inabot na lang talaga ako sa sasakyan dahil naunahan ako ng hilo,” mahaba at maraming alibi ko. “Well, okay. Uhm, by the way.. Mawawala ako ng ilang araw.” “Mawawala? Bakit? Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong ko and at the same time ay nag-aalala na rin. “Business trip. I used to do this before, right?” “Ohh.. oo nga pala. You’re a CEO—“ “Yeah, I’m the CEO, Alex.” Ngumiti ako ng bahagya para mawala ang awkwardness dito sa loob. “Okay. Dito lang ako sa bahay. Hindi ako aalis. Hihintayin ko ang pagbalik mo,” seryosong sabi ko. Napansin ko ang pagtitig niya sa akin. Titig na sa una ay akala ko ay galit ang mga mata niya ngunit napakunot ang noo ko ng bigla siyang ngumiti. “Really? You're just going to stay here in the house? You're not going to party or go out with your friends?” Tila ba nagtataka ngunit natutuwa rin na tanong niya. “Oo nga.. Bakit? Hindi ka ba naniniwala?” “Naniniwala—“ nagulat ako ng tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko ma-gets kung bakit natutuwa siya sa sinabi ko pero masaya na rin ako dahil okay na kami, na hindi na siya galit sa akin. Kinabukasan nga ay maaga siyang umalis. Inihatid ko pa siya hanggang sa kanyang sasakyan. Gusto ko pa nga sanang ihatid siya sa airport pero ayaw niya. Magpahinga na lang daw ako dito sa bahay. Sabi niya ay mawawala siya ng ilang araw pero hindi niya sinabi ang eksaktong araw na mawawala siya. Kaya ang magagawa ko na lang ay ang maghintay ng pagbabalik niya. Well, for me, mas okay na yung ganito. Kahit papano ay hindi ako kakabahan. Mas nakakakaba kasi kapag magkasama kami dahil ang dami kong sikreto at muntikan pa nga niya akong mabuking ng gabing yun. Sinunod ko ang sinabi ko sa kanya, na hindi ako aalis ng bahay at hihintayin ko ang pagbabalik niya. Wala akong ibang ginawa kundi magtungo sa library niya at magbasa ng iba’t ibang books. Nag-eenjoy ako sa ganito dahil ito naman talaga ang hobby ko before. I almost finish a book na binabasa ko ng may pumukaw sa aking pansin. Isang book na may cover ng pink na kulay. Iniisip ko kasi na lalake siya tapos may naiibang kulay dito ng libro at kulay pink pa. Nilagyan ko ng palatandaan ang pahina ng libro kung saan ako huminto. Inilapag ko sa lamesa ang libro at dahan-dahan pa akong tumayo. Hindi ko talaga inaalis ang mga mata ko sa kulay pink na libro dahil baka bigla na lang itong mawala sa paningin ko. Para akong batang nanghuhuli ng tutubi sa parang. Dahan-dahang lumalapit dahil baka makalipad pa ito. At nang mahawakan ko na nga ang libro ay agad kong kinuha ito. Blanko ang unahan ng libro. Mukhang sinadya lang na lagyan ng cover ito. Nagkaroon ako ng interes na buksan ito. Pagkakita ko pa lang sa unang pahina ay napakunot na ang noo ko dahil walang nakasulat sa pahina. Bubuklatin ko pa sana ulit ng magulat ako sa nagsalita sa may pintuan. “Don’t touch that. Put it back where you took it!” Sa gulat ko ay nabitawan ko ang libro at bumagsak ito sa may paahan ko. Akala ko ay libro lang ang babagsak ngunit kasahay nitong pumatak ang litratong humiwalay sa pahina ng libro. Nakatalikod ang litrato kaya hindi ko nakita kung sino yun, ngunit ng akmang dadamputin ko ay mabilis pa sa alas kwatrong nakuha agad iyon ni Hans. Its’s been three days, nakauwi na pala siya agad. “N-nandito ka na pala—“ “Bakit kailangan mong pakialaman ang gamit ko rito, Alex?” “H-ha? I was just reading—“ “Reading?” “O-oo..” nauutal na sagot ko. Halata sa tono niya na galit siya at mukhang hindi niya nagustuhan ang pakikialam ko sa kulay pink na librong iyon. “S-sorry.. napansin ko kasing kakaiba—“ “Kaya pinakialaman mo?” “Sorry talaga, Hans—“ “Next time, huwag na huwag mong pakikialaman ang mga gamit dito ng wala kang pahintulot sa akin lalo na ang mga kakaibang bagay. Naintindihan mo ba, Alex?” Pinulot na niya ng tuluyan ang litrato at libro. Natigilan naman ako at pansamantalang natulala. Nabigla ako sa inasal niya. Hindi naman ito ang first time na nagalit siya for some reason pero sa tingin ko ay mas galit siya sa puntong ito. “I-I’m sorry, Hans. Akala ko ay pwede kong pakialaman. Sorry talaga..” mangiyak-ngiyak na saad ko saka ako nagmamadaling umalis ng library na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD