Chapter 9

1726 Words
Nang magising ako kinaumagahan ay narito na ako sa aming kwarto pero wala naman akong matanda kung paano ako napunta rito. Sa pagkakatanda ko kasi ay naroon kami sa theater room at nanonood ng movie. Wala na si Hans sa tabi ko kaya naman bumangon na ako at dumiretso na ng cr para magtoothbrush at maghilamos. Pagkatapos ko naman ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa baba. "Goodmorning po, Ma'am Alex..." bati sa akin ng ibang maid. Kanya-kanya sila ng ginagawa. Binati ko rin naman sila ngunit iba ang hinahanap ng mga mata ko. "Si Sir Hans nyo?" Tanong ko sa kanila. Bigla namang lumapit sa akin si Yolly. "Maaga pong umalis, Ma'am Alex. Sabi nga po niya ay huwag kang istorbohin para makapagpahinga ka ng mahaba." Kwento niya. "Ganun ba..." tipid na naitugon ko. Ewan ko, pero parang bigla akong nalungkot. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko na siyang nakikita palagi. Mukhang delikado na ako rito pero anong gagawin ko? Paano ako tatakas sa kasal na ako ang nakakulong? "Sige, pakidalhan mo na lang ako ng kape sa garden." Walang ganang saad ko at naglakad na ako palabas ng bahay saka dumiretso na ako sa garden at umupo na rin. Dito maaliwalas ang hangin, payapa ang paligid dahil puro bulaklak lang ang nakikita ko. Ini-open ko ang camera ko and I just took a selfie. Pwede ko itong maging remembrance sakaling umalis na ako rito. "Ma'am Alex, narito na po ang kape nyo po, with creamer," ani Yolly. Nagtaka naman ako kung bakit may creamer pa gayong hindi naman ako mahilig dito, at isa pa, hindi ko rin sinabi na lagyan niya ng creamer. "Bakit may creamer?" "Di ba po yan ang favorite mo? Akala ko ay nakalimutan mo lang sabihin... Palitan ko po ba?" Ani Yolly na may pagtataka na sa mukha. "A-ahh... oo... sorry, medyo antok pa kasi ako." Pagsang-ayon ko na lang. "Sige po, kung may kailangan pa po kayo tawagin nyo lang po ako, 'Ma'am Alex." "Okay, thanks, Yolly..." Ibinaba ko ang cellphone ko at ang binuhat ko naman ay ang kape. Hihigop na sana ako pero may pahabol pa si Yolly na toasted bread sa butter. Nagpasalamat ulit ako sa kanya ngunit hindi rin ako mahilig sa ganito. Mas gusto ko kasi ang tinapay na may peanut butter. Ang hirap palang mabuhay bilang si Ate Alex. Isa pa, sa kakatawag nila sa akin ng Ma'am Alex ay unti-unti na rin akong nasasanay sa pangalan niya. No choice ako kaya ininom ko na rin at tinikman ang coffee with creamer at toasted bread in butter. Masarap naman siya kaya lang hindi ako fan ng masyadong matatamis. Sa kape kasi mas gusto ko ang no sugar. Paubos ko na ang kape ko ng mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko rito ay si Daddy pala ang tumatawag. "Hi, daddy!" Excited na sagot ko. "Kamusta ka na dyan, anak?" Aniya na bakas sa boses ang pag-aalala. Ngumiti naman ako kahit na hindi niya nakikita. "Okay naman po ako dito, Daddy. May balita na po ba kay Ate?" Yun na lang ang binanggit ko dahil ayaw kong magmention ng pangalan. Baka kasi may makarinig pa sa akin dito. Narinig ko naman ang mabigat na pagbuntong hininga ni Daddy at mukhang alam ko na ang sagot. "Magaling magtago ang Ate Alex mo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahahanap. But, don't worry, Sandra. Alam kong kapag naubusan na siya ng pera ay kokontakin din ako nun." May determinasyon pang sabi ni Daddy. Mapakla akong napangiti. "Okay, dad... I guest maghihintay pa ako ng medyo matagal dito." "I'm sorry, anak." "Nope, it's okay, daddy..." Nagpaalam na ako kay Daddy. Habang inuubos ko nga ang kape ko ay nakatingin lang ako sa kawalan. Kung pwede lang akong makipaghiwalay kay Hans ng walang dahilan ay ginawa ko na. Habang malalim nga ang iniisip ko ay nakaramdam ako na may yumakap sa akin mula sa likuran ko. "Mukhang malalim anh iniisip ng mahal ko, ah. Ako ba yan?" sabi pa niya habang hinahalik-halikan ang leeg ko. "N-nandyan ka na pala..." nasabi ko na lang. Tatayo sana ako pero pinigilan niya ako. "Stay still. I just want to hug you," sabi pa niya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Kumain ka na ba? Gusto mo rin ba ng coffee? Ipagtitimpla kita--" sunod-sunod na sabi ko pa pero pag-iling lang niya ang naramdaman ko. Ke aga-aga parang pagod na pagod na agad siya. "Nagkape na ako sa opisina. Bumalik lang ako para makasabay kita sa lunch. I just missed you already." Lunch? Piste! Tanghali na pala? Di ko ramdam! Di ko rin napansin ang oras pagkagising ko kanina. "Anong miss? Araw-araw naman tayo magkasama, ah? Isa pa, ilang oras mo pa lang akong di nakikita." Natatawang saad ko. Inalis naman na niya ang pagkakayakap sa akin at umupo sa katabing upuan ko. "Sorry, tinanghali ako ng gising. Napasarap na naman ang tulog ko at hindi ko namalayan na almost lunch na pala." "It's okay. Para ka ngang galing sa ibang bansa dahil ramdam kong iba ang tulog mo," bigla ay nasabi niya. O M G! Nahalata niya rin pala? "Naku, hindi naman sa ganun. Medyo masama lang ang pakiramdam ko kahapon dahil sa pagkalunod ko." Alibi ko. Pero tama siya, mas hinahanap ko talaga ang tulog ko sa other country. "I know..." Para makaiwas ako sa pagka-awkward ay kinuha ko ang toasted bread at kinagat ito. Literal na toasted dahil tumutunog ito habang kinakagat ko. "Gusto mo?" Alok ko sa kanya pagkakagat ko. "Sige," aniya at kinagat niya ang tinapay sa parte kung saan may kagat ko na. "Hmmm... masarap talaga 'to. Hindi ka pa rin talaga nagsasawa rito," sambit niya habang ngumunguya pa. Naku, kung alam mo lang na hindi talaga ako mahilig dyan. "Oo, pero minsan lang din ako kumain nito. Actually, mas gusto ko talaga yung bread na may palaman na peanut butter--" napahinto ako sa pagsasalita! Gosh! Sandra! Umayos ka nga! "Really? Hindi ko alam yan. Buti na-mention mo. Wala kasing peanut butter dito sa bahay. I though, you hate peanut butter?" Nagtataka ng saad niya. Bigla akong napaiwas ng tingin! "N-noon yun. Nang matikman ko kasi ay nagustuhan ko na." Hays! Sana maniwala siya! "Okay... why you look so nervous?" "Ahh--uhm... a-ano kasi... wait lang! I felt something bad to my stomach!" Mabilis akong tumayo nagmamadaling pumasok sa loob ng malaking bahay! Ghad! Nakakahiya! Alibi ko lang sana yun para makaiwas na ako sa kanya pero hindi na eh! Iba na talaga ang pakiramdam ng tiyan ko kaya naman nagtatakbo na ako papunta sa kwarto! Kaya ayaw ko din ng may creamer dahil ito ang nangyayari! Paglabas ko ng cr ay nakaabang na agad siya sa gilid ng pintuan. "Are you okay? May masakit ba sa'yo? Do you want me to take you to the hospital?" "Ha? No need. Okay na ako. Naglabas lang ako ng sama ng loob." Pagtatapat ko. Natawa pa siya sa sinabi ko dahil alam kong alam na niya ang nais kong iparating. Sabay na kaming bumaba para sabay na kaming mag-lunch. Todo alalay pa talaga siya sa akin sa pagbaba ng hagdanan kahit hindi naman na kailangan. "Hi! Hans!" Aniya ng babaeng mabilis na tumayo ng makita kami, or should I say, si Hans lang. Napatingin ako kay Hans. Batid kong napakunot ang noo niya. "What are you doing here, Shiena?" Ani Hans habang dire-diretso kami sa pagbaba ng hagdanan. "What kind of question is that? Aren't you happy to see me?" Wika ng babae na parang hangin lang ako sa kanyang paningin. "Nope. Makakaalis ka na--" "Hans naman eh... First, hindi mo sinabi sa akin na magpapakasal ka na. Second, "You're treating me super coldly." Nakangusong saad nito. Ano bang dapat i-react ko? Kung si Ate Alex kaya ang tunay na kasama ni Hans ngayon? Inaway na kaya niya itong babaeng 'to? Hindi na umimik si Hans. Dire-diretso kami hanggang sa dining table. Gaya ng dati ay inasikaso muna ako ni Hans. Nakiupo rin ang babae sa may kabilang tabi ni Hans na parang at home na at home dito. "So, kamusta naman ang buhay may asawa? How was your first night with her? Magaling ba siya sa kama?" At nasamid ako sa tinuran ng babae sa harapan ko! Binigyan agad ako ni Hans ng tubig. Tiningnan niya ng masama yung babae. "Shiena, can you please stop talking?" "What? Nagtatanong lang naman ako, ah? Isa pa, naninibago ako dito kay Alex, para bang napakatahimik niya ngayon? Hindi na ba siya nagseselos sa akin?" Sabi pa nito na feeling proud sa sarili niya! Bakit ako magseselos? Sino ba siya sa buhay ni Hans? Hays! Paano ko ba malalaman? Pinagseselosan ba siya ni Ate Alex dati? "Because we're married now. No need to be jealous. Because I am only his and he is only mine." "Wow! Sweet naman! Sana ganyan ka rin sa akin dati." "Shiena? Kapag hindi ka tumigil, baka makalimutan kong anak ka ng ninong ko!" "E di kalimutan mo! As if naman kaya mo!" Matapang na saad ni Shiena. Ano ba sila? Mag-ex? O magkina-kapatid lang? "I'm sorry, I'll excuse myself so you two can talk about your unfinished business." "Well! Thanks to you!" wika ni Shiena ngunit hinawakang bigla ni Hans ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis ko. "No. Stay here. I have no unfinished business with him, and besides, our relationship ended a long time ago!" Wika ni Hans habang masama ang tingin kay Shiena na para bang nauubusan na ng pasensya. Pigil at mariin na rin ang way ng kanyang pagsasalita. "Pero hindi pa ako tapos sa'yo, Hans." She smirk. Hays! Ate Alex, sapian mo nga ako kahit buhay ka pa! Naiinis na rin ako sa ugali niya, at hindi ko alam ang sumunod kong ginawa. Sinapo ko lang naman ang mukha ni Hans para iharap sa akin at pinagtagpo ko ang aming mga labi. "What the! Are you that desperate? At talagang sa harapan ko pa?" Galit na saad ng babae. Bigla siyang tumayo. Kinuha niya ang bag niya at mabilis na umalis. Rinig na rinig ko pa ang tunog ng takong niya habang papalayo. "That is one of the best things you did as my wife," wika ni Hans na talaga namang nakapagpapula sa mukha ko. Sinapian lang ako ni Ate Alex. Sa isip-isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD