Umalis na ulit si Hans. Mabuti na lang talaga at narito siya ng pumunta ang babaeng yun, pero ilan pa kayang babae ang makikilala kong naging karelasyon niya?
Ang hirap naman maging si Ate Alex! Hays!
Nag-stay ako sa living room. Dito na lang ako naglibang at nanood ng tv.
"Ma'am juice po," ani Tina. Inilagay sa center table kahit hindi naman ako humihingi nito.
"Thanks, Tina." Nakangiting saad ko. Sumulyap lang ako sa kanya saglit at ibinalik ko rin kaagad ang mga mata ko sa tv.
"Grabe po si Ma'am Shiena, nuh? Hindi makamove on kay Sir Hans..." ani Tina. Kung gayon ay kilala rin nila yun.
"Matagal ba silang naging magkarelasyon?" Tanong ko na bilang si Sandra.
"Uhh--ehh--hindi nyo po ba alam? Magpapakasal na sana sila pero mas pinili kang pakasalan ni Sir Hans?" May pagtataka sa boses niya, medyo nakakunot pa ang noo niya na parang nag-iisip pa.
Kaya naman pala hindi makamove on at pabalik-balik pa rin dito. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi, pero bakit kaya hindi siya pinili ni Hans?
"Sige, salamat, Tina."
"Okay po, Ma'am Alex." Yumuko pa siya ng bahagya at umalis na rin.
Kinuha ko ang phone ko. Naisipan kong kontakin ang numero ni Ate Alex.
Shocks! Nagring at may sumagot!
"Hello? Who's this?" Wika ng boses sa kabilang linya.
Teka! Bakit parang iba yata ang boses niya?
Napatingin ulit ako sa screen ng cp ko at sinuguradong numero nga ni Ate Alex.
"Si Ate Alex po ba 'to?" Paninigurado ko pa.
"No, I'm not."
"Aw. Okay. Sorry. Bye!"
Hays! Akala ko pa naman ay si Ate Alex na... pero paano nangyaring iba na ang may-ari ng phone number niya? Hindi kaya ibinenta niya pati cp niya?
Kinahapunan.
Dumating si Hans na may bitbit na cake. Hindi kasi ako umakyat sa itaas kasi naboboring lang ako dun.
"Para saan naman itong cake? May okasyon ba?" Tanong ko agad. Natawa naman siya pero bago siya sumagot ay humalik muna siya sa noo ko, sunod ay sa labi ko na. Napakagat-labi tuloy ako ng hindi sinasadya.
"Wala naman. Wala lang. Gusto lang kitang bigyan. I know it's your favorite," aniya. Ano kayang flavor nun? Mocha kaya?
"Thank you. You're so thoughtful naman."
"Of course, love. Palagi kang nasa isip ko at hindi kailanman nawala." Walang pakundangan na sabi niya.
Syete naman, oh! Parang teenager lang na dumadaan sa ligawan? May pa-punchline pa talaga?
"Yolly, pakihiwaan mo nga ng cake si Ma'am Alex mo," utos niya rito.
"Yes po, Sir."
Ini-abot niya ang isang box ng cake kay Yolly at agad naman nitong dinala sa kitchen.
"Magbibihis lang ako pero babalik din agad ako."
Paalam pa niya.
"Sige. Hintayin na rin kita para sabay tayong kumain ng cake," sabi ko pa.
Tumango lang siya at habang paakyat nga siya paitaas ay nakasunod pa rin ako ng tingin sa kanya.
"Narito na po ang cake mo, Ma'am Alex," ani Yolly, dala nga nito ang isang slice ng cake na nakalagay sa platito.
"Thanks, Yolly. Dagdahan mo pa ng isa para kay Sir Hans mo."
"N-naku, Ma'am... Hindi po kumakain si Sir Hans ng cake eh. Lagyan ko pa rin po ba?"
"H-ha? Ay oo nga. I almost forgot!" Nag-aalangang sambit ko. Napakunot tuloy ang noo ko kasabay ng pagkagat ko sa kuko ng hinalalaki ko. Nasabi ko pa naman sa kanya na sabay na kaming kumain ng cake.
"Huwag na, Yolly. Hati na lang kamo rito. Malay mo naman mapilit ko siyang mapakain."
"Sige po, Ma'am."
Ngumiti ako ng bahagya sa kanya ngunit nag-alangan din ako. Bakit kaya lahat ng gusto kong gawin ay kabaliktaran ni Ate Alex. Hays... saan kaya kami magkapareho?
Ilang sandali nga ay bumaba na rin si Hans. Umupo na siya at tumabi na sa akin. Napatingin pa siya sa cake na nasa table kaso hindi ko na siya maalok dahil sabi nga ni Yolly ay hindi naman siya kumakain ng cake.
"Why haven't you eaten your cake yet?" Tanong niya ng makitang wala pang bawas.
"Maya-maya ng konti. May hinahanap lang akong palabas," sabi ko naman habang pinipindot ang remote control.
Chocolate cake ang flavor ng cake. Talagang alam niya ang favorite ni Ate Alex. Ako kasi ay mocha. Kapag nga bumibili si Daddy noon ay kailangan palaging dalawa kasi magkaiba nga kami ng gusto. Magka-opposite kami ni Ate Alex. Lahat ng gusto ko ay sinasabi niyang ayaw niya at lahat rin naman ng gusto niya ay ayaw ko rin.
Ngunit, para na rin hindi siya magtaka ay pinilit ko na rin kumain.
"How does it taste?" Tanong pa niya sa akin.
"Hmm... masarap." Sabi ko, nagbigay pa ako ng tipid na ngiti sa kanya sabay kuha ulit ng cake at itinapat ko sa bibig niya.
Natigilan siya. Halata sa kanya ang pagdadalawang isip.
"Kung ayaw mo akin nalang--" sabi ko pa. Aalisin ko na sana sa tapat ng bibig niya ang kutsarang may laman na cake ngunit nanlaki ang mga mata ko ng hawaka niya ang kamay ko at biglang isubo ang cake!
Pinagmasdan ko siya habang ngumunguya. Sabi ni Yolly ay hindi siya kumakain ng cake ngunit hindi ko alam kung bakit kinain niya yun.
"I thought you didn't eat cake?"
"Uhm... maybe it's time for me to eat all the food you want."
Wow ha! Super effort naman yata niya para kainin ang mga ayaw niya? Ganun niya siguro talaga kamahal si Ate Alex.
Sa pagkakataong ito ay nais kong mainggit sa kapatid ko. Sayang lang talaga at sinayang niya ang ganitong klase ng lalake.
Kinagabihan pa lang ay nagpaalam na ako sa kanya. Sinabi kong pupunta muna ako sa bahay ng parents ko. Pumayag naman siya at sinabing magpahatid na lang sa driver pero make sure daw na makakabalik ako before mag alas sais ng gabi.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan at makapagbihis ng pantulog ay humiga na ako sa kama. Medyo nilagyan ko ng space ang pagitan namin. Nakapikit siya ngunit hindi ko alam kung natutulog na ba siya o hindi pa.
Ipinikit ko na ang aking mga mata dahil handa na rin akong matulog, ngunit napamulat ako ng hagilapin niya ang bewang ko papalapit sa kanya.
"Gising ka pa pala," sabi ko pa. Hindi siya tumugon at mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa aking bewang.
"Hmm... you smell so good..." mahina at pabulong lang na saad niya. Nararamdaman ko rin ang pagsimsim niya sa batok ko na bahagya pa niyang hinawi ang buhok ko.
Kinilabutan ako. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko lalong-lalo na sa batok ko.
"H-hans... m-matulog na tayo... g-gabi na..." halos putol-putol na sabi ko pa ngunit hindi siya humihinto sa ginagawa niya at mas lalo pa niya akong hinahanap kaya dikit na dikit na ako sa katawan niya.
Gosh... kinakabahan ako! Gusto na niya kayang gawin yun?
No! Hindi pwede! Hindi ako si Ate Alex!
"Hans--" haharap sana ako para sabihin na ayaw ko ngunit hindi na ako nakapagsalita ng bigla na niyang sakupin ang labi ko!
Ang init ng mga balat niya!
Hinawakan na niya ang mukha ko. Patuloy pa rin siya sa pagsakop sa labi ko.
"Kiss me back, mahal ko..." sambit pa niya na ngunit saglit lang ang naging paghinto niya! Tila hindi rin sumakto ang isang segundo at mas pinalalim niya pa lalo ang halikan namin.
Wala na akong nagawa. Hindi na ako pwedeng magprotesta pa. Tinanggap ko ang pagpapanggap kaya kailangan ko rin punan ang pangangailangan niya bilang asawa.
Tinungon ko na rin ang halik niya na tila ba uhaw na uhaw. He's a good kisser habang ako ay walang gaanong alam sa paghalik, ngunit sinunod ko na lang at sinundan ang bawat galaw ng labi niya.
"Ohh! f**k! Mahal ko!" Nagulat ako ng bigla siyang bumangon at alisin ang pang-itaas niyang damit! Saka pumwesto sa ibabaw ko!
Ohh! Ghad! Ito na ba yun?