"I... I... I'm so... sorry, Hans. H-hindi pa ako handa." Nanginginig ang boses na sabi ko.
Wala na akong pakialam kung anong isipin niya. Kung paghinalaan niya ako o hindi pero sa tingin ko ay hindi naman niya gagawin yun dahil hindi niya naman alam na kay kakambal si Ate Alex.
Bahagya ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko. Bumangon ako at tumayo saka lumabas ng kwarto ng walang lingon-lingon sa kanya.
A-akala ko ay kaya ko na. Akala ko ay kaya ko ng isakripisyo ang lahat pero hindi pa pala. Hindi ko pa pala kayang ibigay ang aking sarili ng buong-buo. Hindi pala ganun kadali ang lahat.
Lumabas ako ng tuluyan hanggang sa makarating ako sa gilid ng swimming pool. Lumanghap ako ng sariwang hangin na tila ba ngayon lang ako nakahinga ng maayos simula ng lumabas ako sa silid na iyon.
Buong akala ko ay magiging madali lang ang pagpapanggap ko bilang asawa niya, bilang kapalit ng kapatid ko ngunit hindi pala dahil meron nga palang obligasyon ang isang asawa.
Sa puntong ito ay nag-iisip na ako kung paano ko haharapin si Hans pagkatapos ng ginawa kong pag-alis kanina. Ayokong isipin niya na hindi na siya mahal ng asawa niya, na ayaw na ni Ate Alex sa kanya dahil hindi pwedeng mangyari yun, sapagkat nakasalalay ang kumpanya sa kasalang naganap.
Galit kaya siya?
Ano na kayang iniisip niya tungkol sa akin ngayon?
Naging malalim ang aking naging buntong hininga ngunit nasabayan ng gulat ng maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. Akala ko ay minumulto na ako ngunit ng magsalita siya at marinig ko ang boses ay napanatag muli ang kalooban ko.
"Hindi mo naman kailangang umalis o tumakbo. I understand, Alex." He said.
Hindi pa rin ako makapagsalita.
Ganun lang yun?
Hindi man lang ba siya magagalit sa akin? Ganun ba talaga niya kamahal ang kapatid ko?
"Let's go inside. Malamig na dito sa labas. Baka magkasakit ka pa." Malumanay ang kanyang pagkakasabi. Walang bakas na nagalit siya sa ginawa ko.
Unti-unti niya pa akong itinayi at inakay papasok sa loob. Akala ko ay sa kwarto na kami didiretso pero pinaupo niya muna ako sa sofa, dumiretso siya sa kusina para kumuha ng baso, dumiretso siya sa ref at pagbalik niya nga sa akin ay may dala na siyang isang baso ng malamig na tubig at iniabot ito sa akin.
"T-thank you..." bigkas ko na tila ba noon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita at kausapin siya.
"Sige na. Inumin mo na yan," aniya at umupo sa tabi ko.
Sinunod ko ang sinabi niya. Unti-unti kong ininom ang isang basong tubig, ngunit napansin ko na habang umiinom ako ay titig na titig siya sa akin na parang binabasa ako.
"Gusto mo bang mamasyal bukas?" Sambit niya pagkatapos kong inumin ang tubig.
"Pwede naman. Wala rin naman akong ginagawa dito sa bahay."
"Okay, matulog na tayo para magising din tayo ng maaga," aniya. Kinuha sa akin ang baso, inilapag sa center table at hinayaan na niya doon.
Habang umaakyat nga kami ng hagdanan ay todo alalay pa rin siya. Nagtataka naman ako kung bakit dahil kaya ko naman maglakad mag-isa.
Pagkarating namin sa kwarto ay pinahiga na niya ako at kinumutan pa ng maayos.
Nagtaka naman ako dahil pagkatapos niya akong kumutan ay napansin kong siya naman ang lalabas ng kwarto namin.
"Teka? Saan ka pupunta?" Bigla ay tanong ko.
"It's okay. Doon muna ako sa guest room matutulog."
Napakunot ang noo ko. Napaisip na rin ako. Galit ba siya? Ayaw na ba niya akong makatabi?
Hindi pa ulit ako nakakapagsalita ay binuksan na niya ang pinto at lumabas na ulit. Ako naman ngayon ang hindi makatulog. Nakahiga nga ako ngunit nakatitig lang ako sa kisame. Tila ba nalibot kong bigla ang kama sa kakapaikot-ikot ko. Bumalot na sa katawan ko ang isang buong kumot kaya naman para na akong isang lumpia ngayon.
Kung sabagay, mas mabuti na rin siguro ang ganito. Doon na muna siya matulog para naman wala munang mangyari sa amin.
~Hans Pov~
Nagmamadali na rin akong lumabas ng kwarto ko. Pagkapasok ko rito sa guest room ay dumiretso agad ako rito sa banyo. Binuhay ko agad ang shower at itinutok sa katawan ko. Kung hindi ako aalis sa tabi niya at kung hindi ko gagawin ito ay baka lalong hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
I don't know what's stoping her. Bakit kailangan niya pang pigilan ang sarili niya gayong kasal naman na kaming dalawa. Ngayon pa talaga na kasal na kami? Ramdam ko rin ang panginginig ng katawan niya kanina kaya todo alalay ako sa kanya, na para bang may nagawa na agad akong hindi maganda sa kanya, na para bang na-trauma siya.
I don't know, pero bakit pakiramdam ko ay may kakaiba kay Alex ngayon? Pakiramdam ko ay ibang tao siya?
Fuck! What am I thinking?!
But her smell. Hindi mawala-wala sa isipan ko.
~Sandra's POV~
Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi. Pagkagising ko ay wala pa rin si Hans sa tabi ko.
Bakit ko ba siya hinahanap? Hays!
Bumangon na lang ako at dumiretso na sa banyo para makapaligo na rin. Sabi niya ay maaga kaming aalis ngayon kaya bago pa siya magising dun sa kwartong tinulugan niya ay uunahan ko na siyang magready.
Ewan ko ba! Pagkatapos ng hindi magandang nangyari kagabi ay parang naging awkward agad para sa akin ang mga bagay-bagay.. Nahihiya kasi ako sa nagawa ko. Dapat ay nakapag-honeymoon na sana sila ni Ate Alex, pero dahil substitute lang ako ay hindi ko magawa at hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya.
Pero hindi naman pwedeng laging ganun, na kada gugustuhin niya ay iiwas at tatanggi ako... pero ano ngang dapat na gawin ko?
Hays... kahit sa paliligo ay gulong-gulo pa rin ang isipan ko. Bakit ba kasi bigla akong inilagay sa sitwasyon na ganito!
Nakatapos na akong maligo ngunit wala pa rin siya. Siguro ay doon na siya naligo sa guest room. Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso sa walk-in closet para makapagbihis na agad.
Short at white t-shirt lang ang isinuot ko. Pinartneran ko na lang ng white shoes.
Tapos na akong maligo at magbihis. Nakalabas na rin ako sa aming walk-in closet pero wala pa rin siya. Hays... baka naman hindi na kami tuloy dahil napuyat siya kagabi.
Humarap na lang ako sa aking vanity mirror. Ini-on ko ang blower saka ko pinatuyo ang aking buhok. Nang matuyo ko na ito ay pinuyod ko lang ng pa-ponytail. Medyo bumagay kasi sa suot ko ang ganitong ayos ko.
Naglagay rin ako ng konting palamuti sa mukha ko. Sunscreen, liptint at pagkatapos ay inayos ko lang ang kilay kong medyo may kakapalan rin. Ayaw ko kasi ng manipis na kilay eh. Gusto ko yung mala-Andrea Brillantes na kilay.
"Okay, that's it!" Wika ko ng masatisfy na ako sa ayos ko.
Wala pa rin si Hans kaya naman hindi na ako nakatiis. Lumabas na ako ng silid at pinuntahan ko na siya sa guest room.
Kumatok muna ako syempre. Ayaw ko naman na basta na lang ako papasok sa loob. Mamaya niyan ay nakahubad pa siya--
At hindi nga ako nagkamali ng hula! Bumukas ang pintuan. Bumungad siya habang nakatapis nga lang ng tuwalya! My goodness!
"Come in," sabi niya. Nakaharang siya sa pintuan kaya naman hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob o hindi!
"Uhmm... Pumunta lang ako para itanong kung tuloy tayo?"
"Of course. Tuloy tayo. Magbibihis na lang ako. Pasok ka muna?" Aniya. Hindi rin siya sigurado sa sinabi niya.
"H-hindi na. Hintayin na lang kita sa living room," wika ko at napangiti pa ako ng alanganin dahil napasulyap ako sa tiyan niyang punong-puno ng abs!
"Sigurado ka bang ayaw mong pumasok?" Tila may panunudyo pang saad niya. Napalunok tuloy ako ng hindi ko inaasahan.
"Oo. Magbibihis ka pa diba? Magbihis ka na muna. Sige na."
Tumalikod na ako at hindi na ako lumingon pa. Shocks! Pakiramdam ko ay ilang minuto akong hindi huminga!