Medyo nakakaramdam ako ng pagkainip dito sa loob ng bahay. Nang matapos na kasi kaming kumain ay wala na ulit akong ginawa. Tutulong nga sana ako kahit papano sa gawain kagaya ng paghuhugas ng pinagkainan namin pero ayaw nila. Pumayag na nga daw akong sumabay sila sa pagkain tapos paghuhugasin pa daw nila ako ng plato. Sa totoo lang ay naging masaya ako kanina. Siguro kapag wala si Hans ay ganun na lang ang gagawin ko. Isasabay ko na lang sila palagi sa pagkain ko. Binuksan ko muna ang pintuan ng veranda at dito ako tumambay. Lumanghap ako ng sariwang hangin at pinuno ang aking baga. Iniikot ko ang aking mga mata sa paligid. Actually, maganda ang place ni Hans. Maaliwalas ang paligid dahil sa ilang puno na nagbibigay lilim sa lugar. Abala ako sa pagtingin sa paligid ng bigla naman ma

