“May problema ba? Bakit ang tahimik mo yatang masyado ngayon?” Busy ako sa pagkain ng dragon fruit. Titig na titig rin ako sa pinapanood namin. Nagpasya na lang kasi kaming manood ng tv habang kumakain ng prutas na dinala niya kanina. Napahinto ako sa pagkain ng dragon fruit. Ibinalik ko pa ang kalahati ng kinakain ko sa lagayan saka ako sumulyap sa kanya saka bahagyang ngumiti. “P-problema? Wala, ah. Maganda kasi yung palabas,” sagot ko na lang. Nakita ko naman ang biglang pagkunot ng noo niya sabay sulyap sa tv. “Ganun ba? Eh, balita lang naman ang pinapanood natin, ah.” “Oo. Interesting kayaaa…” Hindi ko alam kung bakit natawa siya sabay gulo sa buhok ko. Nagkibit balikat na lang naman ako at muling kinain ang natira kong prutas kanina. Pero ang totoo ay nag-iisip talaga a

