Chapter 2

1358 Words
Ako lang yata ang ikakasal na hindi excited sa groom niya at mukha pang haggard. Hindi rin kasi ako nakatulog na ng maayos kagabi kaya naman ang eyebag ko ay mas malaki pa yata sa mata kong chinita. Alas sais ng makarinig ako na katok mula sa aking pintuan. Wala pa akong balak na tumayo mula sa higaan ko ngunit napilitan na rin ako ng marinig ko ang boses ni mommy. "Anak, Sandra. Maghanda ka na. Maligo ka na muna dahil maya-maya pa ay naririto na ang mga mag-aayos sa'yong make up artist," ani mommy. "Okay, mom..." walang kagana-ganang tugon ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal ako sa taong ni katiting ay wala naman akong pagmamahal. Isa pa, boyfriend siya ng Ate ko kaya alam kong hindi rin ako magiging kumportableng kasama siya. Inayos ko lang ang aking pinaghigaan at dumiretso na ako sa banyo. Pagpasok ko ay humarap muna ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. Oo nga. Wala nga kaming ipinagkaiba ni Ate Alex sa hitsura, pero kung tititigan kami ng taong kilala na kami ay masasabi nila kung sino si Alex at kung sino si Sandra. Basta may feature kami ni Ate na magkaiba ngunit kahit ako ay hindi ko matukoy. Mahal naman siguro ni Hans si Ate at alam kong kabisado na niya ito pati na rin ang kilos at pananalita, kaya naman nag-aalala ako na baka sa unang kita niya pa lang sa akin ay malaman na agad niyang hindi ako si Ate Alex. Napabuntong-hininga tuloy ako ng hindi ko inaasahan. "Hays... makaligo na nga!" Sambit ko kahit mag-isa lang ako dito sa banyo. Nakakabaliw rin pala yung ganito nuh? Yung hindi mo alam kung anong mangyayari sa susunod. Nagbabad ako ng 30 minutes sa bathtub. Ginamit ko ang pinakamabango kong bubble bath na palagi kong ginagamit galing pa sa US. Papalabas na ako ng banyo ng marinig ko na naman ang boses ni mommy. "Sandra? Are you done? Narito na ang mga make up artist na ini-hire ng daddy mo." "I'm done, mom. Palabas na rin po ako." "Okay, just make it quick. Baka ma-late tayo sa wedding mo. Nakakahiya kay Hans." Napabuntong hininga ako. Wala na yata akong gagawin ngayong araw kundi ang bumuntong hininga na lang. Hindi ko kasi maiwasan dahil ang lahat naman ng gagawin ko ay labag sa kalooban ko. Bathrobe na lang muna ang isinuot ko para hindi ako mahirapan magbihis pagkatapos akong lagyan ng make up. Nakita ko na rin naman ang gown ni Ate Alex at talaga namang walang tulak kabigin. Napakaganda, bongga at elegante nitong tingnan. Si Hans pa nga daw ang bumili nito at kasama pa si Ate Alex nung isinukat. "Oh, here's my daughter, Alex." Pagpapakilala sa akin ni mommy. Hindi na ako magtataka kung bakit Alex ang tawag niya sa akin dahil simula nga pala ngayon ay ako na muna si Ate Alex. "She's so beautiful, mother... manang-mana sa'yo," sabi pa nung isang bakla na mapapagkalaman ng babae dahil mahaba na ang buhok niya, babae na ang hugis ng mukha niya pati na rin ang katawan at pananamit niya. "Ay oo naman. Oh, siya. Kayo na ang bahala sa kanya. Make my daughter be the most beautiful bride in the whole city!" "Of course, motherrr..." malanding pagkakasabi pa ng mga ito. They are here as a team dahil sila na rin ang tutulong para maisuot ko ng maayos ang wedding gown ko. "Okay, come here, Alex." Tawag nito sa akin. Paglapit ko ay pinaupo nila ako sa isang kumportableng upuan at sinimulan na nga akong lagyan ng make up sa mukha ko. Habang nilalagyan nga nila ako ng make up ay nakapikit ako. Pakiramdam ko ay kulang na kulang pa rin ako sa tulog dahil sa nangyari kagabi. "Ma'am Alex, why you look so tired? Hindi ka ba nakatulog dahil sa pagka-excite mo sa kasal mo?" Kausap sa akin ng isang miyembro ng l***q+ na nagpapahid ng foundation sa mukha ko. Actually, dalawa sila dahil ang isa ay nag-aayos naman ng buhok ko. "Yahh... maybe..." tipid na tugon ko. "And that's normal! Kung ako ba naman ang ikakasal sa isang Hans Montesilva, edi baka hindi rin talaga ako nakatulog. He's very handsome and super rich! Kaya ang swerte mo!" "Nakita nyo na siya?" Curious na tanong ko. Sabi kasi ay mailap daw si Hans at hindi masyadong public figure. "Ay oo naman. Minsan ay nafe-feature pa siya sa mga magazine at kung minsan ay male model rin siya and pak! Yung abs niya girl! Grabe! Tinalo pa ang walong pandesal na bagong luto sa sobrang pagka-hot niya!" So, hindi lang pala siya basta CEO. Marami rin pala siyang sidelines. Paanong hindi siya magiging super rich! At siguro akong marami rin siyang babae o baka naman mahal niya talaga ang ate ko kaya gusto na niyang magpakasal rito. But, sad to say... ako ang mapapakasalan niya at hindi si Ate Alex. Pagkatapos nila akong lagyan ng make up ay isinunod naman nila ang pagsusuot ng aking wedding gown or should I say, wedding gown ni Ate Alex. Good thing na sakto lang ito sa akin. Medyo sumikip lang sa bandang dibdib ko pero carry na rin. "Well... here you're final look, Alex..." wika pa nito. Dahan-dahan nila akong dinala sa tapat ng whole body mirror. Medyo kinakabahan pa ako ngunit ng makita ko na ang kabuuan ko sa salamin ay napaawang ng malaki ang bibig ko. "O M G!" Naisatinig ko dahil kahit ako ay hindi ko nakilala ang hitsura ko. Para bang hindi si Sandra ang nasa harapan ng salamin. Well, nakuha nila at napalabas anh hitsura ni Ate Alex dahil mahilig talaga siyang mag-make up, habang ako ay simple lang palagi at tamad na tamad mag-ayos ng aking sarili. "What do you think of your final look, Ma'am Alex?" "Well, I think she's speechless..." "And definitely, she's so beautiful right now." Mga komento nila. Nang makita ko ang hitsura ko sa salamin na fully make up at suot ang mamahaling wedding gown ay pansamantala kong nakalimutan na magpapanggap nga lang pala ako. "Oh My God, Sandra--I mean, Alex... napakaganda mo, anak..." humahangang sabi ni mommy na hindi rin makapaniwala sa kinalabasan ng make over nila sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at bahagyang bumeso. Ngumiti naman ako ng bahagya sa kanya at ibinalik ang tingin sa salamin. "Uhm, madam... who is Sandra?" Tanong pa ng nag-ayos sa akin. Siya pala si Magda base sa tawag sa kanya ng mga kasamahan niya. "Ohh... She's her twin. May pagkakataon talaga na nagkakamali pa rin ako sa kanila dahil magkamukhang-magkamukha talaga sila, but she's in the US." "Well, I'm sad dahil hindi siya nakauwi for her sister's wedding," wika ni Magda. "Well, me too. But anyway, thank you for the efforts. Now I can say na ang anak ko na ang pinakamagandang bride ngayong araw na ito." "Ofcourse, madam. Hindi rin naman kami nahirapan na pagandahin ang anak mo dahil natural naman siyang maganda." "And alam kong hindi nyo ako bibiguin," my mom said in a satisfying words. Masaya silang nag-uusap ngunit habang papalapit ng papalapit ang oras ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Ilang oras na lang ay magiging Mrs. Montesilva na ako at hindi ko pa alam kung paano ko siya pakikisamahan. Well, sana lang ay mapanindigan ko ang pagiging si Ate Alex, dahil kung hindi lagot talaga ako, hindi lang kay Daddy kundi pati na rin kay Hans Montesilva. Patuloy pa rin sila sa kanilang pag-uusap, hanggang sa marinig ko na ang tunog ng mga nagdadatingan na sasakyan. Napadungaw ako sa bintana. Pansin ko rin na marami-rami na rin ang tao sa labas. Ngayon ko lang nakita ang magarbong ayos sa may hardin ni mommy na aabot pa sa yard at pati swimming pool ay hindi rin pinaligtas. "Ma'am Vienna, Ma'am Alex, narito na daw po si Sir Hans," rinig kong pabatid ng maid namin, at isang lalake nga ang nakita kong pinakahuling bumaba sa pinakamagarang sasakyan. Si Hans Montesilva. Napatingin siya sa gawi ko kaya naman nagtama ang mga mata namin na agad na nakapagpabilis ng kabog ng dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD