Chapter 3

1354 Words
Napaiwas agad ako ng tingin at mabilis na umalis sa tapat ng bintana. Tingin pa lang niya ay kabado na ako paano pa kaya kapag magkasama na kami sa iisang bahay? Overthink na naman ako ng malala nito pagkatapos... "Sige na, Nelly. Pababa na rin kami ni Alex." "Okay po." Nagpack up na ng mabilis ang mga make up artist. Inihiwalay lang nila ang mga pang-retouch nila sa akin. Nakatayo ako habang nakaharap sa salamin ng lumapit naman sa akin si Daddy, isinuot niya sa leeg ko ang isang kwintas na napapalibutan ng dyamante ang design. "Regalo ko sana ito sa ate mo sa kasal niya, ngunit dahil ikaw na ang magsasalba ng ating kumpanya ay nararapat lang na sa'yo ko na ito ibigay, Sandra..." Daddy called me by my name. "Thank you, daddy, pero hindi ko naman po kailangan ito." "No. Bagay sa'yo, lalo na sa wedding gown mo, anak. Patawarin mo sana ako sa naging desisyon ko. Alam kong hindi ka pa rin handa ngunit ito lang talaga ang tanging paraan--" malungkot pang saad ni Daddy ngunit pinigilan ko na siya at pinutol ang anumang sasabihin pa niya. "It's okay, daddy. I fully understand na po." "Maraming salamat talaga, Sandra-anak..." ani Daddy at niyakap ako ng mahigpit. Lumapit sa amin si Mommy, nakiyakap sa amin ni Daddy ngunit sinabihan niya si Daddy na ito na daw ang huli na babanggitin niya ang tunay kong pangalan. "Magmula ngayon ay Alex na ang itatawag mo sa kanya, Efren." Humiwalay ng pagkakayakap sa akin si Daddy. Hinaplos niya ang mukha ko at halata sa mga mata niya ang lungkot ng titigan ko. "I'm sorry, Sandra--A-Alex." "It's really okay, Daddy. Babalik naman po ang lahat kapag bumalik na si Ate, di po ba?" "Yes, anak. Pangako ko yan sa'yo..." ani Daddy at muli akong niyakap. May tiwala naman ako kay Daddy at naniniwala ako sa kanya. "Oh, siya. Tama na yan. Kailangan na nating bumaba dahil naghihintay na sila doon lalong-lalo na ang mga bisita natin," ani Mommy na halatang kinakabahan din. Isinaayos na ng mga make up artist ang belo ko. Inilagay na ito sa unahan ko at ngayon nga ay parang blurry na ang lahat sa paningin ko. Inalalayan nila ako pababa ng hagdanan. Medyo nahihirapan pa ako dahil sa heels na suot ko kaya naman kapit na kapit rin ako sa braso Daddy. Ang pangarap kong kasal sa malaking bahay ay hindi rin natupad dahil hindi ito sa aking kasal. Ang gusto daw kasi ni Ate Alex ay garden wedding at dito pa mismo sa loob ng bakuran ng namin. Hindi naman ganun karami ang bisita ngunit alam kong malalakinf tao ang naririto at kalimitan ay investor ni Daddy sa kanyang kumpanya. Maybe, hindi rin sila makapaniwala na mag-iinvest rin ang isang katulad ni Hans Montesilva sa kumpanya namin ngunit ngayon ay sigurado akong alam na nila kung bakit. "D-daddy... kinakabahan po ako..." bulong ko pa kay Daddy at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa braso niya. "Please, don't anak... hindi ganyan ang Ate Alex mo. Huwag na huwag mong ipapakita yan kay Hans, coz Hans knows your Ate Alex very well. Kapag nagkamali ka ng kilos ay ito na ang katapusan ng kumpanya natin." "I-I know, dad..." Garden wedding... but more on transparent ang mga gamit na naririto pati na rin ang upuan na nakahilera ay may pagka-crystal. Kung nandito lang si Ate Alex ay tiyak akong magugustuhan niya ito dahil mahilig talaga siya sa bulaklak. Ito siguro ang benefits kapag bilyonaryo ang mapapangasawa, ang hindi ko lang alam ay kung bakit tumakas siya. "Calm down, okay? And enjoy the moment. Isipin mo na lang ay para sa atin din naman ito, para sa pamilya natin, anak..." aniya ni Mommy. "Yes, mommy..." Huminga ako ng malalim ng iwan nila ako sa pinakado ng aisle na lalakaran ko. Pagtingin ko nga sa unahan ay naroon si Hans at naghihintay sa pagdating ko. Nang magsimula ng tumugtog ang musika ay nagsimula na rin akong maglakad. Kalmado, at pilit ko ng inalis ang kaba ko. Nakatingin ako sa kanya kaya alam kong hindi niya rin inaalis ang titig niya sa akin. Masayang-masaya siguro siya dahil ang akala niya ay si Ate Alex ang nakikita niya. On This Day ang title ng kanta habang naglalakad ako. Ito siguro ang napag-usapan nilang kanta sa wedding nila. Maganda ang meaning ng kantang ito. Ibig sabihin, sa mismong araw ng kasal nila ay ipapangako nilang sila na ngang dalawa. Malapit na ako sa kinaroroonan niya. Hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin at gayon din ako sa kanya. Malakas ang loob kong titigan siya dahil alam kong hindi naman niya nakikita ang mga mata ko. Ilang hakbang na lang, he was about to hold my hand ng matapilok ako. Gossshhh! Nakakahiya! "Are you okay?" Tanong agad niya. Mabuti na lang at nahawakan niya agad ang kamay ko at mabilis akong naalalayan. "O-oo..." tipid na sagot ko and at the same time ay kinakabahan talaga ako. Nakagwantes ako ng puti kaya alam kong hindi niya ramdam ang napakalamig kong kamay. Pakiramdam ko nga ay pinagpapawisan na rin ako ng malamig, ngunit siya ay kabaliktaran ko dahil napakainit ng balat niya. Tumayo ako ng maayos. Hinila ko na ang kamay ko mula sa kanya at itinuon ko na ang atensyon ko sa unahan. Ilang sandali pa ay nagsalita na ang Pari at sinimulan na rin ang seremonyas. Sa mga oras na ito, ang iniisip ko lang ay biglang dumating si Ate Alex at pigilan ang kasal na ito para hindi matuloy nang sa gayon ay siya na ang magpatuloy. "You look unwell, sigurado ka bang okay ka lang?" Rinig kong sambit niya sa gilid ko. Mahina yun at sapat lang para marinig ko. "O-oo... okay lang ako. Huwag mo akong alalahanin." Mahinang sambit ko rin. Hindi ko alam kung same lang din ba kami ng Ate Alex ko ng boses ngunit sa palagay ko ay hindi na. "Okay," aniya. Base naman sa pag-aalala niya sa akin ay mukha naman siyang mabait. Ngunit, hindi nga pala ako si Alex. Ako nga pala si Sandra na substitute bride lang ng aking kapatid. Sa buong durasyon ng kasal ay para bang wala ako sa sarili ko. Nakikinig ako sa sinasabi ng Pari ngunit wala akong naiintindihan. Blangko ang isip at paningin ko at ang iniisip ko na agad ay paano na ako pagkatapos ng kasal na ito. Officiant: "Hans Montesilva, will you take Alex Alcantara to be your partner through life? Will you love her, protect her, and spend your days in laughter together forever?" Hans: "I do." Officiant: "Alex Alcantara, will you take Hans Montesilva to be your partner through life? Will you love him, protect him, and spend your days in laughter together forever?" Me: "I do." Sinagot ko na ng bukal sa kalooban ko dahil wala na na rin naman akong karapatan para umatras pa. Isa pa, pangalan naman ito ni Ate Alex at hindi sa akin kaya anytime ay pwede akong makawala sa kasal na ito. Once na bumalik na si Ate Alex ay malaya na ulit ako at magagawa ko na ulit ang lahat ng gusto ko. "I pronounced you husband and wife..." huling narinig ko. Palakpakan at hiyawan ang narinig ko. Masayang-masaya sila sa naging pag-iisang dibdib. "You may now kiss the bride..." At dito na ako natigilan. Hindi ako naging aware na kailangan nga palang halikan ang asawa sa huling steps ng kasal nyo. He cleared his throat. Gayon din ako. Habang papalapit ang kamay niya sa pagalis ng belo ko ay unti-unti ko ring nahihigit ang aking hininga. I never felt this way before dahil hindi pa naman ako nahahalikan ng kahit sinong lalake. Nang maalis na niya ang belo ko at titig na titig na siya sa mukha ko, lalong lalo na sa mga mata ko. "Why you look so nervous? Huwag mong sabihing ito ang first time mong mahalikan gayong ilang beses na natin itong ginawa?" At sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko, lalo na ng unti-unti na niyang ilapat ang labi niya sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD