Revelation: Sometimes what's in front is hard to see. Karmy's Point of View Nakatayong parang tuod ako sa harap ng school bus. Ang huling sakay niya rito ay namatayan na naman ang kanilang klase. May kung ano bang nangyayari sa klase nila? Puro p*****n dinaig pa ang mga estudyante sa D University ey. At least doon sa Rank Examination lang may namamatay pero dito? Ewan ko na lang. Suot ko na naman ang hairpin na bigay ni bossing sa akin, nakakamiss talaga si Olaf. Ano nga ba ang okasyon ngayon? Ah oo, Beach Camping pala bilang paggunita ng foundation ng school. May mga bus nang nauna at nasa mga tatlong bus na lang ang natitira sa school gates at naghihintay ng mga estudyante. Dinadaanan lang ako ng mga kaklase ko na nag-uunahan sa pagsakay dahil takot sila na maubusan ng upuan. Nang du

