Revelation: Even the sea kept a secret too deep to decipher. Karmy's Point of View Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Para akong natatae na ewan sa aking kinauupuan pero ang asong ulol na'to na nakaupo sa tabi ko ay napakakomportable lamang. Ba't parang ako lang ang kinakabahan? Pero teka! Wala naman akong kasalanan ah! Nakaupo kaming dalawa ni Wolf sa isang couch. Nasa harapan naman namin si bossing na minamasahe ang kaniyang ulo habang ako'y nakayuko at pasimple lang kung tumingin. Matapos ang pagkakanganga ko sa harapan nina Seeichi at bossing kanina ay nagpatuloy na si Seeichi sa paglabas. Tinanong pa siya ni bossing kung sasama sa pag-uusap dahil na rin saksi ito sa 'kahalayan' daw namin ni Wolf. Pero sinagot lang ni Seeichi si bossing na wala daw siyang pakialam at may mah

