Revelation: Never trust her words. Her words are poisoned.
Karmy's Point of View
'Habang nasa misyon ka ay huwag ka munang makipag-ugnayan sa Realm.'
Nag echo na naman ang sinabi ni bheshy sa akin the last time ako pumunta ng Underworld Realm City. Ibig sabihin poorita ako sa buong misyon ko!
Katabi ko ngayon ang maleta ko at kasalukuyan akong naghahanap ng 'wanted: housekeeper' na in house lang o doon matutulog sa bahay na pinagsisilbihan. At nakailang ikot na ako dito sa mga malalapit na blocks sa school pero wala pa ring tumatanggap sa'kin.
Walang pera at walang bahay, wala bang mas ikinasasama sila bheshy? Sige pa dagdagan niyo pa ang pahirap ko, nahiya naman ako sa inyo ey!
Naiiyak na talaga ako dito at napaupo na lang ako sa gilid ng daan habang tila mabilis na umiikot ang oras, ako? Heto nganga pa rin sa tabi ng daan.
Akmang tatayo na sana ako nang may papel na lumipad at naglanding straight sa mukha ko.
Bakit ang malas malas ko? Pupunitin ko na sana ang papel nang mahagip ng matatalas kong mga mata ang salitang 'helper'. Daig ko pa ang nanalo sa lotto at itinaas ko ito na para bang sinasamba kaya nagsitinginan sa'kin ang mga dumadaan, may mga umiiwas nga ey.
Pakebels ko ba?
WANTED: HOUSEKEEPER
Kaya agad kong pinuntahan ang address kahit pa nasa malayo ito. Karay-karay ang maleta kong kulay pink din ay pumara ako ng jeep. As usual ay ako na naman ang center of attraction, may nagpicture nga eh. Shocks! Ganda ko talaga!
Unang picture ng estudyante rin sa akin ay kunwari 'di ako nakatingin pero sa pangalawang pagpicture niya sa'kin ay lumingon ako sa camera niya at nagpeace sign. Nagulat naman siya kaya muntikan niyang mabitawan ang camera niya. Buti nga.
Mabagal ang usad ng trapiko kaya may nakasakay na grupo ng mga lalaki. Walang pakebels ang mga pasahero sa jeep pero napansin kong panay tingin ang driver sa salamin na parang nababahala siya.
Doon na ako kinutuban, umupo sa tabi ko ang isa at dalawa sa katapat na upuan. Naging uneasy naman ang babaeng estudyante na napapagitnaan ng dalawang lalaki. Kapansinpansin man ang tensyon ay walang nangiming pumuna sa mga lalaki sa jeep. Kaya ayaw ko sa syudad na ito, 'di hamak na mas tahimik ang Underworld Realm City kahit pa sabihing syudad 'yon ng mga mamamatay tao.
Nakayuko ang estudyante at alam kong naiiyak na 'yan. Ang isang lalaki ay mapangahas ang isang kamay at ang isa naman ay walang hirap na hinablot ang camera nito. Nagpapanggap akong walang nakikita at nakatingin lang sa bintana nang nakita kong napunta sa maleta ko ang atensyon ng isang adik.
Oh no! 'Wag ang maleta ko.
Akmang hahablutin ng isang adik ang maleta ko nang bitawan ko ito kaya natumba ang maleta papunta sa direksyon nila at dahil sa bigat ay masakitsakit din pagnatumbahan nito.
"Anak ng!"
"Ay sori poh koya," tumawa ako ng mahinhin na ikinapikon ng dalawa.
"Eto ang bagay sa'yo bakla!" Susuntukin na sana ako ng isa at kukunin naman sana ng isa ang maleta ko kaya yumuko ako na para bang takot na takot ako. Pero ang totoo ay umilag ako sa mga kamay nila, bahagya ko ring ginalaw ang maleta kaya nasagasaan ng gulong nito ang paa ng isang adik.
"Pakshit!"
"Naku sori po ulit koya!" Parang natatarantang pinapaypayan ko ang paa ng adik nang bigla kong supalpalin sa mukha ang isang adik na para bang aksidente ko lang siya natamaan dahil sa pagkataranta.
"Omo! Soriiiii!" Nainis yata ang dalawa dahil naglabas na sila ng mga patalim kaya nagsigawan naman ang mga pasahero. Nataranta naman ang driver kaya nagwave ang jeep at nauga kami sa loob. Sinamantala ko ang pagkakataon kaya iniuntog ko ang noo ko sa isang adik na sapat na upang mahimatay ito. Ganito rin ang ginawa ko sa isa. Nang maayos na ang pagkatakbo ng driver ay tulog na rin ang dalawa na parang walang nangyari.
"Anong nangyari?" Tanong ng mga pasahero, hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa labas ng bintana na may sekretong ngiti sa labi.
Matapos ang adventure ride na 'yon ay nakarating din ako sa Red River Heights, isang eksklusibong tirahan para sa mga VVIP. Very very important people.
"Woops woops! Sa'n ka papunta dalaginding?" Tanong ng medyo may katandaan ng guard.
"Mag-aapply ng trabaho, dito oh." Pinakita ko ang flyer na nakita ko kanina.
"Sure ka bang dito ka mag-aapply?"
Parang di makapaniwala si manong.
"Sure na sure!"
"O hala sige, bibigyan kita ng sketch."
"Ay alabyu na manong! Bet na bet na kita!"
True to his words, nagbigay nga ng sketch si manong at ngayon ay nakatayo na ako sa pinakamalaking bahay yata dito pansin ko lang. Kinulang ata sa semento ang may-ari nito eh, purong salamin ba naman ang buong bahay! Wow ha, infairness elegante tingnan.
Naalala ko ang sinabi ni manong.
"Naku, panglimang nag-apply ka na sa mansyon na 'yon sa araw na ito at lahat umiyak paglabas. Masungit ang may-ari niyan eh."
"Masungit pala ah, sino kaya ang mas masungit? Si bheshy o ang taong ito?"
Upang masagot ang mga tanong ko ay nagdoor bell na'ko at itinapat ko ang mukha ko sa camera.
"Yuhooo! Ayo? Ayo? Tao po? Yuhooo!"
Ay ano ba 'yan, deadma?
"Yuhoo! Mag-aapply po ako! Tao po? Mag-aaply po—"
"Oo narinig kita kanina pa," may nagsalita sa likod at muntikan na lumuwa mata ko pagkakita kay Sir Busina! Nakabusiness attire siya at halatang bagong dating lang, nasa likod din niya ang sasakyan niya. Ay nand'yan na pala siya, so bahay niya pala 'to? Mapagtripan nga.
"Sir! Wacha doing here?" Pataymalisyang tanong ko sa kan'ya. Agad namang nagdikit ang kilay niya, success! Nagagalit na siya.
"This is my house as far as I can remember."
"Ay tologo? Walastik sir! Kaya pala walang sumasagot sa doorbell."
"Obviously, I just arrived."
"Ay oo nga noh? How bobo naman me!" Kinatok ko ang ulo ko na para bang may sira ako sa ulo.
"Now, what are you doing here?"
Inilapit ko sa mukha niya ang flyer. "Sounds familiar ba sir? Mag-aapply me here now na po sir."
"What?"
Ay bingi.
"I repeat, mag-aapply me here now na po sir."
"Get out of my way." Tumalikod na siya at akmang sasakay ulit sa sasakyan niya nang umupo ako sa kinatatayuan ko.
"Ayoko!"
This time hindi na talaga 'to acting. Ayaw kong umalis kasi wala akong mapupuntahan, I am not Kharmaine O'Hara this time na mayaman at matalino. Ako si Barbie Perenial, isang pobre at walang class na babae.
Nagpatuloy siya sa pagsakay at nang akmang sasagasaan na sana niya ako ay yumuko at pumikit lang ako, bahala na.
"What is wrong with you? Move!" Bumusina din siya ng sunod sunod pero hindi ako nagpatinag. Ano ba! Ayaw ko nga ey! Tanging ang ala-ala ko kay Olaf ang pinanghahawakan ko ngayon.
Narinig kong bumaba siya ng sasakyan niya.
"Get up."
"I said, get up."
Tumayo ako pero nakayuko pa rin.
"Nasaan ba mga magulang mo?" Naglabas niya ng cellphone, tatawagan siguro niya magulang ko.
"Wala na sila." Tiningnan ko ang reaksyon niya sa sinabi ko. Nakita kong napatingin siya sa'kin. Huling-huli ko ang pagdaan ng simpatya sa mga mata niya. Huli ka!
"Ihahatid na kita. Let's go." Babalik na sana siya sa kanyang sasakyan nang magsalita ako.
"Wala na akong mauuwian," paawang boses na saad ko. Yumuko ulit ako.
"Did you run away?" Bumalik siya sa harap ko.
Umiling lang ako bilang sagot, "Lumuwas ako ng Manila dahil hinahanap ko ang nag-iisang kapamilya ko."
Todo na'to! Rak na rak ang drama ko wooh! Sige pa, konti na lang at bibigay din 'yan!
"Kaya ka ba nag-apply?"
"Yiz po sir. Para may matuluyan ako habang iskolar ako sa school." Buti na lang at talagang scholar ang disguise ko mula umpisa.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, konting push na lang!
Pinatulo ko na ang mga luha ko at hinarap si sir. Nakita kong nagulat siya. Sabay namang tumunog ang tiyan ko, 'yon ang hindi acting!
Napabuntong hininga ulit si Sir Busina, "Let's talk about your work inside."
Oh yizzz! Rak na dis!